CNW 49.1: City of Fallen Angels

8.2K 485 21
                                    

There will be a character POV's switch. Binalaan ko na kayo ha! Paiba-iba kasi at baka maguluhan kayo hehehez.

Ps: Last chapter of the Lost City but I decided to make it two parts hehehe. (Off to party na after this wawu~)

--

Levina Tatiana's POV


The knife's still hangs on mid air with uncertainty.

“Are you really fine with it?” I asked the three, Yvonne, Stanley and Dustine, who are all wearing their own fighting suits.

Ayoko silang lumaban at kung maaari ay gusto kong maiwan lang sila dito. I mean, they're safe here at City of Torment Soul, at sigurado akong sa oras na umapak sila palabas dito at tumungtong sa ibang pinto ay mapapalaban nanaman sila.

“Oo naman,” Yvonne simply answered with a smile.

Hindi ko masasabing bumalik sya sa dati dahil ngayo'y bakas pa rin ang kanyang lungkot. Hindi lang naman sya kundi silang tatlo. Hindi ko rin alam pero tanging si Alpha lamang ang para bang ayos lang sa kanya iyong nangyari at hindi mo mababakas na nanghihina ito o ano. Perks of being a leader? He should know when to let the others see what he's feeling inside? Hayst.

They said that mentally and emotionally pains are the most painful ones that a person might experience. Mas masakit daw ito kaysa sa physically pain kung saan maaaring maghilom, ngunit ang nasa utak at nasa puso ay matagal bago masabing magaling na ito.

In their case, it was like they were being tested. Hindi ko alam kung lumala ba ang sakit na nasa loob-loob nila o nabawasan. Still, I know that it has lessons that they might use in future. Pwedeng ngayon ay inuunti-unti na nila, hindi ko alam!

“Don't worry about us.” Dustine said, fixing his chest's armor. Bumaling naman ako kay Stanley na ngumiti at tumango bilang pang sang-ayon. I sighed in defeat.

“Babantayan ko kayo, ha.” At sa oras na makita kong hindi nila kayang lumaban… psh…

Red chuckled as I felt his arms on my shoulder. Ang bigat! “They're strong, Princess. As if you don't know them.” Sabi nito at nakipag apir pa kay Stanley. Sumimangot ako.

“Kahit na!” Hindi nyo ako masisisi. I saw them cried last night. Si Dustine ay kahit hindi ko nakitang umiyak ay alam kong nagtitimpi lang ito.

“But we're fine.” Pinagpipilitan pa rin nila. I sighed in defeat, again. Ano nga bang laban ko kung talagang gustong gusto nila, 'di ba?

Paglabas namin ay nakita naming maayos na ang lahat, naghihintay kung kailan kami aalis sa lugar na iyon. Wala na ring bakas ng kahit anong tent o kwarto o maliit na bahay dito na siyang tinutulugan namin. Lahat ay nag aayos lamang ngunit natigilan nang napapatingin sa akin. I gulped.

Their stares are like daggers, especially the second guild's queen, Hera. Pakiramdam ko nga'y sirang-sira na ko sa mga babae doon dahil sa mga pinagsasasabi ng mga ito. Well, nakita lang naman nila akong lumabas sa kwarto ni Alpha kaninang madaling araw! Shit. Naalala ko nanaman. Kaya't hindi ko sila masisisi kung ano ang kanilang iniisip.

As of my guild mates, I already explained to them what really happened. Kahit na pinaikot pa 'ko ni Dustine habang ang tutok ay nasa leeg ko. Alam ko ang hinahanap nya, 'no! At malamang wala syang mahahanap na gan'on kasi walang nangyari! Nakatulog lang ako sa kwarto ni Alpha kasi sobrang kumportable ng yakap nya at ang lambot pa ng higaan nya, tapos!

Ngayon naman ay kahit hindi sila magsalita ay kitang-kita ko ang mga salitang binabato nila sa akin gamit ang kanilang mga mata. I mentally rolled my eyes. Unpopular opinion: Mas alam pa nila 'yung totoo kaysa sa'kin.

Conquerors of the New World ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon