CNW 77: The Nephilim's Wish

6.2K 361 27
                                    

“Switch!” I heard Dustine shouted. Mabilis akong nakipagpalit sa kanya habang mariin ang kapit sa dumudugo kong braso. Yvonne quickly assisted me. Nanginginig nitong ginagamot ang duguan kong braso na napakalaki ng sugat mula rin sa aming kalaban. And with that kind of expression, alam kong natataranta ito.

Hinawakan ko ang nanginginig nyang kamay na dahilan upang mapatingin sya sa akin. Ngumiti ako sa kanya at nagsalita ng walang boses, “Relax,” ngunit napangiwi rin nang maramdaman ang pagsakit ng aking braso.

Biglang nagluha ang mata nito. “P–Paano? Y–You guys are m–making me w–worried…” Nanginginig nitong sabi kasabay ng pagtulo ng kanyang luha. Napailing ako at napangiti ng malungkot.

True enough, we are ascending to the top, but that's also means stronger monsters to encounter.

Unti-unti na kaming nalalagasan. Hindi ko alam kung ilan na ang namatay sa aking mga kasama, basta ang alam ko lang ay paunti na kami ng paunti.

Hindi ko rin alam kung pang ilang floor na 'to ngunit masasabi kong malayo na kami sa pinakauna.

Sa totoo lang, nalulungkot ako. I want all of us to survive without dying but I guess it is impossible, especially now that it's hard. The monsters are getting stronger.

Mabilis na may tumulong kay Yvonne na isang healer. Mabilis nilang ginamot ang aking sugat ngunit sadyang ang kanilang nagawa lamang ay isarado ang labas noon. After all, we need to store our energy for the boss. 

Binalaan ako ng healer na huwag masyadong maggagagalaw at huwag itong patatamaan dahil baka muling bumuka ang aking sugat bago mabilis na dinaluhan ang iba. Yvonne's hesitating to leave me, however, I asked her to. Now that others need their healing magics.

Mabilis kong binitbit ang aking katana at sumugod. Kaunti na lang naman ang buhay ng kalaban kaya'y mabilis namin iyong natapos.

Hapong hapo akong napatigil I was about to run when my knees became weak. Napaupo ako. Hirap na rin akong huminga dahil sa sobrang pagod. I am struggling to stand up because of my weak knees until someone just carried me.

Marahas at sunod-sunod rin ang kanyang paghinga ngunit buong lakas nya pa rin akong binuhat upang hindi mapag iwanan ng aking mga kasama. I tried my best to stand up to help him assisting me. Pagod na pagod kaming bumagsak nang sumarado ang pinto.

Mabilis ang paghahabol ng aking hininga habang nakaluhod. Alpha's catching his breathe but his hand remains on my waist, supporting me. Naramdaman ko ang panandaliang paglamig ng aking katawan— from our healers' abilities. Nawala ang pagod sa aming katawan ngunit malaking kawalan sa amin ang bakas ng panghihina sa aming katawan, na sa aking tingin ay mahihirapan kaming makipaglaban sa susunod.

“Everyone's here?” I heard Amoerous spoke. Nag angat ako ng tingin at muling nakita ang bigong itsura ng mga kasama.

“W–We lost four comrades...” Pakiramdam ko'y mas lalo akong nanghina sa aking narinig. We lost… another four…

Inilibot ko ang paningin sa kanila. Before we entered this tower, the number of our comrades are hard to count. Ngayon… halos bilang ko na ang lahat, halos kahit ilibot ko lamang ang aking mga mata ay mabibilang ko ang mga ito.

“Damn it…” If only we are ready enough… if only we are strong enough…

“I didn't expect you to come this far.” Biglang naging alerto ang aking katawan nang marinig ang boses na iyon. It's the coldest voice I've ever heard. It's… dangerous!

Mabilis akong napatayo ngunit muntik nang bumigay ang tuhod ko dahil sa presensyang aking nararamdaman, mabuti na lamang at nakaalalay sa akin si Alpha dahil kung hindi ay tuluyan akong natumba sa panlalambot ng aking mga binti! I look at the owner of the voice but he's at the darkest place of this floor. But even tho it was so dark, I could still see the silhouette of the man possesses that strong aura that I couldn't even compare to anyone, even to Alpha. Doon ko lamang napansin na napalilibutan kami ng krystal.

Conquerors of the New World ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon