CNW 21: Top Three Guilds

9.6K 603 128
                                    

Everything that was happening seemed so real.

Napahinto ako sa aking naisip.

Seemed so real? No.

Because everything, whether quest or not, are real right now.

Muli ay tinanaw ko ang nag aapoy na bayan sa aking harapan. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip kung nakaplano na ba talaga 'to at paulit-ulit na mangyayari o hindi. Pero naalala kong special quest nga pala 'to at pili ang mga binigyan. Siguro nama'y isang beses lang 'tong mangyayari, 'di ba?

Napabuntong hininga ako at naupo. Niyakap ko ang aking mga binti habang nahuhulog ako sa malalim na pag iisip. Kung tutuusin ay para bang nasa ibang dimension kami dahil kanina ay may araw pa bago namin tanggapin ang quest na 'to, ngayon naman ay gabi. Siguro magkaiba ang oras? Napabuntong hininga ako. Hindi ko rin alam.

Napakaraming katanungan sa aking isip. Bakit ba maging ganito? Paano ba nagsimula 'to? At higit sa lahat, laro ba 'to? Laro kung saan nakikipaglaro kami kay kamatayan? Siguro. Pero nalilito kasi ako. Parang VRMMORPG 'to pero ang pinagkaiba, wala kaming gear na sinuot bago ito mangyari.

Kaya sobrang nakakapagtaka lang.

Sa totoo nyan ay isang beses pa lang akong nakapagsuot ng gear kung saan ang nilaro namin n'on ay Aincaft Virtuale. Just like VRMMORG, gan'on na gan'on iyon. Magsusuot ng gear, gagawa ng character, mag aactivate, makikipaglaban. Pero hindi namin natapos dahil may kumalat na may virus daw 'to kaya't natakot kami at tinigilan namin ang paglalaro. Of course, lahat naman ay nakapanood na ng Sword Art Online n'on kaya't nakakatakot kung sa'min mangyari kahit na ba fiction lamg 'yon.

Aish, why am I even thinking about that.

But it's better than to think that ‘almost-MOMOL’ with that guy.

I mean, his smell was breathtakingly captivating because he's so manly at hindi masakit sa ilong, then his voice was so husky and deep at the same time cold, at ss totoo lang, baka kahit ulit-ulitin ko iyong pakinggan ay hindi ako magsasawa! But what caught me is his lips… almost… on mine…

“Aish!” Inis kong sabi at napasabunot ng buhok. Shit! Parang kanina lang ayaw ko iyong isipin pero bakit iniisip ko!

I bit my lowerlip as I felt my cheeks burning. Speaking of lips, matatawag kaya 'yong kiss? I felt his lips slightly brushed with mine and—

“'Yow!”

“Ay kiss!” Halos mapatalon ako nang marinig ko ang boses ni Stanley. Napahawak ako sa aking dibdib at tsaka sinamaan ito ng tingin. “What the heck?!” Ang bilis ng tibok ng puso ko, ha! Kung may sakit lang ako sa puso, jusko!

“What kiss?” Red asked with his most serious voice. Nanlaki ang mata 'ko. What kiss?! Hala!

“Ha?!” Napabaling ako sa kanya at nakita kong matiim itong nakatingin sa akin. Iyong para bang inaalam yung isip ko. Hindi ko alam kung namumula ba 'ko sa kahihiyan o namumutla sa takot, eh!

Bakit ko ba kasi nasabi 'yon?!

“What kiss?” Pang uulit ni Stanley, at sa totoo lang, ngayon ko lang sya nakitang ganito kaseryoso nang balingan ko sya ng tingin.

“W—Wala ah!” Mabilis kong sagot at umiling-iling. Pinasadahan ko sila ng tingin na lahat ay iisa lang ang mababakas sa mukha— madilim na ekspresyon, maliban kay Yvonne na mukhang tuwang-tuwa. Bakit 'to natutuwa? Pinanlakihan ko sya ng mata pero ang totoo'y nanghihingi ako ng tulong.

She cleared her throat. “Boys, easy lang. Syempre nagdadalaga na 'rin yung prinsesa n'yo.” Sabi nito at humagikhik. Mas lalong nandilim ang mukha nila, kahit nga si Kayne na sobrang bait ay lukot na lukot ang mukha! Shit! Hindi ko tuloy alam kung tama bang nagsalita sya o nanatili na lang tahimik.

Conquerors of the New World ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon