CNW 16: The Blazing Town

9.5K 548 29
                                    

“I heard maraming chix dito.” Ganadong-ganadong sabi ni Stanley na para bang bata na first time pupunta sa EK. Hindi makapaniwalang tumingin ako dito. Iyon lang? Dahil maraming chix? What the… ang ganda naman ng dahilan nya!

Nakita kong napailing nalang si Dustine habang si Red ay natawa. Marky and the others are still half-awake, alam nyo 'yun? 'Yung kagigising nyo lang at 'yung diwa mo naglilibot pa, gan'on 'yun.

Hindi na lang ako nagkumento at tumingin sa aking harapan. Sa totoo lang, naiilang pa rin ako sa tingin ng mga tao samin, lalo na sa akin. They are looking at me with both awe, fear and annoyance which I don't know why. Ang iba (lalo na ang mga babae) ay kung tumingin sa akin ay ang sasama na para bang nagcheat ako kasi ako ‘daw’ ang pinakamalakas na babae dito. I rolled my eyes.

Duh? Level is just a number. Maswerte lang ako na ako 'yung last attack hit kaya sa'kin napunta ang pinakamalaking experience mula sa boss na pinatay namin n'on sa town hall.

Doon ko napag alamang level five pala iyon, kaya gan'on na lang ang lakas nito pati ang dagdag ng experience nito sa amin. Imagine, level 10+ kaagad kami kahit na iyon palang ang napapatay namin n'on.

I sighed. Kung meron lang na coat na nakaapagtago ng identity lalo na ng username, bibilin ko talaga 'yon kahit magkano.

Pumikit ako at bumuntong hininga. Naramdaman ko ang pagbigat ng coat na suot ko ngunit hindi ko nalang iyon pinagbigyan ng pansin. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid hanggang sa mapahinto ako nang tumama ang aking paningin sa salamin sa aking gilid.

Hinaplos ko ang aking pisngi. Kung ano ang itsura namin noon ay gan'on pa rin ngayon. Iginilid ko ang takas na buhok sa aking taynga at tsaka ngumiti sa aking repleksyon. Looking at my deep raven eyes, I can't help but to remember my dad because I got this terrifying black eyes from him, idagdag pa ang makapal kong kilay na nakakurba na mas lalong nagpatindi ng aking itsura. Yes, para akong nakakatakot kung tumingin lalo na kung hindi ngingiti— iyon ang sabi nila sa akin noon.

Idagdag pa raw ang itim na itim kong buhok na kulot ang pinakadulo at umabot sa aking baywang. But what they love about me is my thin red lips and cheeks dahil iyon lang daw ang nagpapainosente sa akin. Bigla kong naalala si Camille, dapat daw ay lagi akong nakangiti para daw magmukha akong mabait. Psh.

Bigla akong nalungkot nang maalala siya. I bit my lowerlip as I shook my head. Right, hindi dapat ako maging malungkot, dapat ay maging matatag ako para sa kanya.

Muli ay huminga ako ng malalim. Tumalikod ako sa salamin at handa na sanang maglakad ng magulat ako nang may naglagay ng bulaklak sa aking taynga. Now, I'm staring at a beautiful creature, your boy-next-door type of guy with brown hair and brown eyes. No, I think his eyes are much lighter than his hair.

“A beautiful lady like you shouldn't be sad.” And he flashed me his charming smile. He's wearing an all white outfit, and I could even see some light armors in his body. I saw his username, ‘Prince’. I know what you're thinking and yes, he's like a prince charming in every fairy tale stories. Too bad, it's not my fairy tale.

“Thank you.” Mahina kong pagkakasabi at tipid na ngumiti. Ayokong maging bastos, ngunit hindi ako kumportableng makipag usap sa mga hindi ko kilala.

I heard him chuckled, “I think you're not comfortable with me.” Sabi nito na totoo naman, pero sino ako para aminin iyon? Hindi ba't mas nakakabastos 'yon?

“Uhm… hindi naman.” Nahihiya kong sabi. White lie isn't bad right?

“By the way, I'm—” Sabi nito nang maputol ang kanyang sinasabi nang may tumawag sa kanya.

“Prince!” Sabay kaming napalingon sa bandang kaliwa nang may makita akong babaeng humahangos palapit dito. She's a goddess, with her blonde hair and blue eyes! She looks so innocent because of her round eyes and pink lips which compliments her fair skin. “He's looking for you, bilisan mo at baka magalit!”

Conquerors of the New World ✓Where stories live. Discover now