6 - RMS Queen Mary 1934

64.5K 3.7K 405
                                    

This short story is dedicated to Mary Joyce Bandojo . Thank you for helping me during the muting days!

6 RMS Queen Mary 1934

"Mary Joyce!" I heard my father's loud voice.
I stopped filling some of our documents and went straight outside my small office.
We have this growing automobile repair shop, our family owned business. Dahil wala naman akong ginawa sa mga libreng oras ko, mas pinipili ko na lamang dito tumigil at tumulong kay Papa.

And I am actually enjoying this. As long as my Papa won't let me touch some grease, metals and whatsoever that will make my hands dirty, I am okay staying here.

Pero ilang beses rin nitong sinabi sa akin na hindi rin naman masamang may kaunti akong nalalaman pagdating sasakyan. So in case of emergency, I can do something with my own. Pag-iisipan ko muna ito.

Karamihan sa kliyente namin ay mga schoolmate ko rin na laging nasasabit sa mga aksidente.
"Why? Busy pa ako sa mga papeles." We're planning to have our third branch and I'm responsible for the documents that should be processed.
"May naghahanap sa'yo." Kumunot ang noo ko.
Wala akong inaasahang bisita o kung anuman.
"Sino?"
Una kong napansin ang isang matangkad na lalaking nakatayo sa unahan ko.
Hindi ko akalaing may kilala akong ganito ka-gwapong lalaki. I was about to ask him, when a woman from his back apologetically look at me while scratching her head.
Si Andrea na naman!
"Don't tell me--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nakita ko na ang pingkot niyang sasakyan na mukhang galing na naman sa aksidente.
"God, how many times Andrea? Baka mamaya hindi ka na sa repair shop tumuloy kundi sa hospital na? Can't you drive carefully?"
Nakapamaywang akong humarap sa kanyang sasakyan. This is so terrible, mas malala pa ito sa mga nakaraan.
"How are you? Nasaktan ka ba?" tanong ko sa kanya.
She just awkwardly smile at me, katulad nang lagi niyang ginagawa. Andrea is my schoolmate, pero hindi kami magkakilala noon pa man, dito lamang kami sa repair shop naging magkaibigan.

Sino nga ba siya? Suki na siya rito. Loyal customer.

"So that means that this man, siya naman ang inabala mo?"
"Yes," sagot ng lalaki.
"No!" mabilis na angil ni Andrea.
"Ilang beses na siyang nagpunta dito? Base with your reaction, parang hindi na ito kayang bilangin sa mga daliri lamang." His eyebrows narrowed at Andrea.
Nagsimula na akong magtaka sa ikinikilos ng lalaking kasama ni Andrea.
Tipid akong tumikhim.
"We'll fix everything that we can do, excuse me but can I borrow my friend for a while?" hindi ko na hinintay na sumagot ang lalaki dahil dinala ko na sa maliit kong office si Andrea.

"Who is he? Nabangga ka lang? Close na agad?" sumulyap ako sa labas kausap na ni Papa ang lalaki.

"Mary, don't laugh at me but I think he's the man for me." Umawang ang bibig ko.

"What the hell?"

"I'm sure about it, Mary. He's the man from hundreds ago." Lalong lumaki ang awang sa bibig ko. Shit.

"Nagpatingin ka na ba sa doctor Andrea? Papaano kung nabagok ang ulo mo?" bumuntong hininga ito.

"Actually, hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko sa school."

"But you drive?! Maaaksidente ka nga."

"I just need some rest, dinala ko lang dito ang sasakyan. I'll tell you everything, kapag maayos na ang pakiramdam ko."

"You should go to hospital! I'll talk to that man."

"No, no, okay lang ako Mary. Just take care of my car, I'll see you soon." Ngumiti siya sa akin at lumabas na ng office.

Agad rin silang umalis ng lalaki, nailing na lamang ako nagpatuloy sa aking ginagawa.

"Mary, bibili lang ako ng meriend. Ikaw muna ang bantay rito."

Ocean of FeathersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon