Chapter 112

2.6K 76 4
                                    

The short story is dedicated to Daniela Custodio Padrigone. Thank you for helping me during muting days!

Chapter 112

"Did they meet?" tanong ni Wilbert sa akin.

Sinilip ko ang kaibigan kong si Gel. Actually when I invited her to join this party she immediately declined it. But I insisted because Wilbert asked me to convince her. Dahil ang matalik na kaibigan ni Wilbert ay matagal nang may gusto sa kaibigan ko.

"Yes. Can't you see?" ngumuso ako sa direksyon ng dalawa na nag-uusap na sa isang lamesa.

I came here to chase my childhood crush, pero hayun at abala siya sa pagkausap sa mas maganda at mayamang babae. Nakangiwi ako nang sumulyap ako sa direksyon nila. I actually confessed to him a lot of times, but he kept on rejecting me. At paulit-ulit niyang sinasabi na tigilan ko na siya sa mga kalokohan ko, as if I was not serious on him.

Hindi niya talaga ako makita bilang babae na totoong interesado sa kanya. Dahil ba talaga magkababata kami?

"You really have a terrible type," kumento ni Wilbert na nakasunod na ang tingin sa pinagmamasdan ko.

"Shut up."

"Ano ba ang nakita mo sa kanya? He's not even handsome enough for you."

"Huh? Bulag ka ba, Wilbert? Ang daming nagkakadarapa riyan ka Jake."

"Huh? Ang mga babaeng iyon siguro ang bulag."

Ibinaling ko na ang atensyon ko sa kanya. "Akala mo ba ay hindi ko napapansin na malaki ang galit mo riyan kay Jake? Hindi iilang beses ko nang naririnig ang kumento mo sa kanya. Ano ba ang nagawa sa iyo ng tao?"

Hindi sumagot sa akin si Wilbert. Nang makita ko na bumubulong na si Jake sa tainga ng babaeng kausap niya ay inilipat ko na ang atensyon ko roon sa kaibigan ko at kay George na parang hindi rin naman nagkakaroon nang magandang usapan.

"Bakit kaya hindi na lang umamin si George kay Gel nang malaman na niya ang sagot? Mahinang makaramdam ang kaibigan ko. George should tell her that he likes her."

"Uhuh?"

Nang mapansin kong umakbay si Wilbert sa sandalan ng upuan ko ay agad ko iyong inalis, ano na lang ang iisipin ni Jake kapag nakita niya kami ni Wilbert? Na hindi ako seryoso sa kanya?

"Manhid ang kaibigan ko, Wilbert. Kung hindi aamin agad si George baka pagsisihan niya."

Natawa na siya sa sinabi ko na parang may nakakatawa talaga doon sa mga salita ko. Iritado ko siyang tinitigan na may kunot na kunot na noo. "What is wrong with you, Wilbert?"

"You."

"What?"

"Parehong-pareho kayo ng bestfriend mo. You're describing her as if she's not like you."

"Huh?"

"Manhid ka."

"Bakit naman ako magiging manhid? Pinipili ko lang talagang magkunwaring hindi nakakaramdam. But I know my situation. . ."

Si Wilbert naman ngayon ang nakakunot ang noo sa akin. "That?"

"I don't have a chance with Jake," sagot ko.

Wilbert huffed. Natawa pa siya habang nakatingala sa kisame. "You are really. . ." naiiling na sabi niya.

"What I mean is my damn feelings for you."

"What?"

"Sa tingin mo ba ay mag-aaksaya ako nang oras para laging magpapansin sa 'yo kung hindi ako interesado sa 'yo? Don't you think I am behaving just like George? Manhid ka rin katulad ng kaibigan mo, Daniela. Para kaming mga baliw ni George na habol nang habol sa inyo kahit nasa iba ang atensyon ninyo."

Napanganga na lang ako sa sinabing iyon ni Wilbert. "I like you, Daniela. Please, give me a chance. Try to look at me. . ."

Ocean of FeathersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon