Chapter 105

2.9K 98 7
                                    

The short story is dedicated to Denisa Villanueva Mesina. Thank you for helping me during muting days!

Chapter 105

Akala ko ay mananatili lang akong mag-isang nakatanaw sa ilog mula sa mataas na tulay pero napalingon ako sa kadarating na lalaki. Saglit nagtama ang mga mata namin pero agad namin binawi iyon sa isa't isa at mas binigyan namin ng pansin ang papalubog na araw.

I prepared my phone to capture the beauty of the orange sunset. Sa sulok ng aking mga mata ay ganoon din ang ginawa ng lalaki. Ilang minuto pa ay unti-unti na ngang lumubog ang araw.

The orange light of the sun glittered on the river that I could even imagine how my eyes sparkled with it.

"Ang ganda. . ."

"Ang ganda. . ."

Halos magkasabay naming sabi ng lalaki kaya nagkatitigan kaming muli. Madalas na ako sa may tulay na ito pero ngayon ko lang siya napansin. Katulad ko rin ba siyang mahilig kumuha ng litrato.

Nang makuntento na ako sa mga nakuha kong litrato ay hindi agad ako umalis sa tulay at pumili na ako ng magandang shots para ma-post sa Instagram. Kahit ang lalaking katabi ko ay hindi pa rin umaalis sa tulay.

We never had a conversation that day. Akala ko ay hindi na masusundan iyon pero sa tuwing naroon ako sa tulay at kukuha ng litrato ay lagi siyang naroon pero walang magkaroon ng lakas ng loob sa amin para kausapin ang isa't isa.

Until months have passed that we're not even aware of each other's names. Siguro ay istrikto ang girlfriend niya kaya hindi niya ako kinakausap? Pwede rin naman na hindi talaga siya interesado sa akin?

Maraming posibilidad kaya hindi na rin naman ako naglakas loob na kausapin siya.

Pero dumating ang araw na hindi ko na siya nakita sa tulay hanggang sa nagsunud-sunod na iyon at lumipas muli ang ilang buwan.

Buong akala ko ay hindi na siya babalik pero nang maaga sana akong babalik sa bahay dahil naiwan ko pala ang phone ko, bigla ko na lang siya nakasalubong. Katulad nang una naming pagkikita, halos mag-unahan pa kami sa pag-iwas ng aming mga mata.

Nilampasan namin ang isa't isa. Hahayaan ko na sana ang sarili kong bumalik sa bahay nang kusang tumigil ang aking mga paa. Bumuntonghininga ako at agad lumingon pabalik sa lalaking nadaanan ko.

I walked to my usual spot and I looked at the orange sunset.

"I know that we're already familiar with each other. Hindi ko alam kung bakit pinipili natin hindi man lang mag-usap kahit kaunti lang dahil lagi naman tayong nagkikita rito. I know I sound weird," inilahad ko ang kamay ko sa kanya.

"I am Denisa and I love sunset like you."

Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko dahil sa takot na baka hindi niya ako pansinin at hindi niya lang talaga gustong makipag-usap kaya kahit halos isang taon na kaming nagkikita rito ay hindi niya ako kinakausap.

Pero nang sandaling lumingon siya sa akin, at tipid na ngumiti, halos matulala ako sa kanya. Dahil guwapo naman talaga siya, sobrang misteryo lang.

Tinanggap niya ang kamay ko. "Arden."

Akala ko ay iyon na ang simula nang pagkakaibigan namin, ngunit nang muli kaming magkita ni Arden, hindi na niya ako nakikilala.

Later on, I just discovered that he has anterograde amnesia. 

Ocean of FeathersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon