Chapter 131

2.9K 43 3
                                    

The short story is dedicated to Rochelle Aguilar Laota. Thank you for helping me during muting days!

Chapter 131

"Do you think you're still the love of my life in our different life?" I asked Simeon.

He chuckled. "Of course, I'll always find you, Rochelle."

Huminga ako nang malalim at hinayaan ko siyang humilig sa balikat ko. Kasalukuyan nang nagkakagulo ang lahat ng mga tao sa barkong sinasakyan namin. Nagtatakbuhan, sumisigaw sa takot, umiiyak at nakikipag-agawa sa kakaunting safety boat.

The lights were blinking, the water was surging, and my tears were falling.

Simeon and I decided to board this huge ship to find a good doctor who would help us with his disease, but we were caught by an unexpected storm.

Kasalukuyan nang nakatagilid ang barko.

"K-kiss me . . ." bulong ni Simeon sa akin.

He looked pale and he couldn't even open his eyes properly. Araw-araw akong nagdarasal na sana ay magkahimala at umabot kami sa susunod na bansa upang doon magpagamot, but as days passed by Simeon was slowly withering in front of me with the forced smile on his lips.

I might be scared right now with the sudden situation of our ship, but I am also feeling relief that I'd never experience living this world without him. Tuluyan ko nang ipinikit ang mga mata ko kasabay ng paglapat ng mga labi ko sa kanya.

I savored his weak kisses until all I felt was the cold water against my body.

***

Lumuluha ako habang humihingal nang marahas akong bumango sa aking kama. Paulit-ulit na lang ang ganoong panaginip ko at malinaw na malinaw iyon na tila totoong nangyari.

Was that really my past life and Simeon was my lover?

Kung ganoon ay nasaan na siya?

Tanghali na akong nagising kaya pagdaan ko pa lang sa kusina ay amoy ko na iyong pinipritong isda ni mother.

"Aalis ka ngayon?"

"Punta akong waxing salon. May papabili ka ba?"

"Daan ka na lang sa breadtalk."

"Okay, no problem."

Bago ako umalis ay kumain muna ako para hindi na ako kumain pa sa mall. "Kailan ka magboy-boyfriend anak?"

"Wow, iyon agad ang tanong. Mamaya. Baka may makita ako sa bilihan ng tinapay. Aasawahin ko na agad. Bakit ba boyfriend agad?"

Naningkit ang mga mata sa akin ni mother. "Ikaw kasi, e, tanong nang tanong ng jowa."

Mabuti na lang at hindi traffic. Hindi na rin ako nagdala ng sasakyan dahil tinatamad akong mag-drive. Since I've book an appointment, hindi na ako naghintay pa dahil tama rin naman ang oras ng dating ko.

"Wala ka yatang kasama," sabi ni Ate na nagwa-wax sa underarm ko.

Sanay kasi siya na lagi akong may kasama. Saglit lang ako sa waxing salon at nagdiretso na ako sa Breadtalk.

I was about to take the usual loaf of bread that mother liked, when I stopped midway when another hand was about to take the last piece. Sabay kaming napalingon sa isa't isa, at muntik ko nang maisigaw ang pangalan ko kung hindi ko lang pinakalma ang sarili ko.

Simeon?

He blinked. Matagal din ang titig niya sa akin bago siya nag-iwas ng tingin at inabot niya ang tinapay na dapat kukunin ko. Habol ko siya ng tingin habang nagbabayad na siya sa counter.

Huminga ako nang malalim. Ipinilig ang ulo at kumuha na lang ng iba. Sa sulok ng aking mga mata ay nakasunod ako sa kanya hanggang sa hindi ko na siya makita.

I paid for the bread and when I left the Breadtalk, muntik na akong napamura nang may humarang sa akin.

"I know that I might sound like a creep, but is it okay if I'll introduce myself? I am Simeon . . ." he said expectantly as if he was waiting for me to tell him that I could recognize him.

I awkwardly smiled. "I am Rochelle."

"A-are you—"

"Yes. Single."

Napahinga siya ng maluwag.

"Uuwi na ako, gusto mo sumama? Tamang-tama nagtatanong na ang mother ko kung may boyfriend daw ako. Sabi ko baka makakita ako sa breadtalk."

"W-what?"

"Sasama ka ba o hindi?"

He chuckled. "You're still funny, love . . . but yes, let's go."

Ocean of FeathersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon