Chapter 108

2.7K 76 2
                                    

The short story is dedicated to Julian Yambao. Thank you for helping me during muting days!

Chapter 108

Wala akong tigil sa pag-iyak nang matanggap ang message niya. Halos mangatal ang mga kamay ko habang hawak ang phone ko at ilang beses pinaulit-ulit ang mga nakasulat doon.

Ganoon na lang talaga? Nagawa niyang makipaghiwalay sa akin sa message lang? Sa halos dalawang taon naming magkasama ay ganoon lang ang gagawin niya sa akin?

Did he even love me?

Halos ibato ko ang phone ko dahil sa nabasa mula sa boyfriend ko, sa ex-boyfriend. I thought he was just making fun of me nang sabihin niya sa akin na gusto na niyang makipaghiwalay sa akin pero nang mabasa ko ang sunod niyang message mas nakumpirma kong seryoso siya.

Huminga ako nang malalim at ibinaba ang phone sa lamesa. Agad kong hinawakan ang baso at mabilis inubos ang alak na laman niyon. Nakailang lagok lang ako bago ko iyon ibinaba pabalik sa lamesa.

Habol ang tingin ng mga kaklase ko dati sa basong ibinaba ko. Actually, I am currently attending a mini-reunion with my elementary classmates, at ngayon pa talaga itinaon ng ex-boyfriend ko na makipag break sa akin, sa harap ng inuman.

Ramdam ko na ang titig nilang lahat sa akin dahil na rin sa biglaan kong pag-iyak.

"Ano ba nangyayari sa 'yo, Julian?" tanong ng isa sa kaklase ko.

Huminga ako muli nang malalim. "Isn't it obvious? I just received a heartbreaking message. Ngayon pa talaga nakipag-break ang boyfriend ko. Tinapat niya pa talaga na dapat masaya ako."

"Grabe naman, bakit?!"

Mas naagaw ang atensyon ng lahat dahil sa malakas na boses ng isa ko pang classmate dati.

"I don't know. Baka nakahanap ng iba. Siya itong nagsabi sa akin na gusto niyang i-work ang long distance relationship namin. Pinagbigyan ko naman siya, pero ito at siya pa ang may ganang makipag-break. He's a coward."

Kumuha na ako ng bote at hindi na ako naghintay pa na may magtagay sa akin.

"Why?" nag-aalalang tanong ulit ng isa sa mga kaklase ko.

"Why? Is it because you achieved so much, Julian?" tanong ni Mico.

Natigilan ako at nag-angat ako ng tingin sa kanya. Matagal na akong nagka-kaproblema sa ex boyfriend ko sa tuwing nagbibigay ako sa kanya ng balita tungkol sa achievements ng career ko. Para bang hindi siya masaya sa akin at hindi niya matanggap na mas nauuna ako sa kanya sa larangan ng aming mga karera.

Pero kahit kailanman ay hindi ko pinamukha sa kanya na kulang siya sa akin. Bakit ba siya ganoon?

"If he thinks that he does not deserve for you, dapat ay huwag mo siyang luhaan. You deserve someone who could see himself grow with you. You are a great woman, Julia. All of us are admiring you for your hardwork, huwag mo nang intindihin ang lalaking hindi kayang mangarap kasama ka. If he thinks that he's nothing compared to you, find someone as confident and hardworking as you, para lang masabayan ka sa pangarap mo," mahabang paliwanag ni Mico na parang alam niya ang buong sitwasyon ko.

Nag-iwas na lang ako ng tingin sa kanya. "Thank you. I will try to remember that."

Nang sabihin ko iyon ay nagsigawan ang lahat at sinimulan kaming asarin. I just glanced at Mico a little.

Napailing na lang ako sa aking sarili nang tumanaw ako sa malayo. I don't think it's easy to forget my ex-boyfriend with those words. 

Ocean of FeathersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon