67 - Montrose

24.1K 919 39
                                    


The short story is dedicated Mary Jane Moratalla. Thank you for helping me during the muting days!

Chapter 67

Umabot sa akin ang masamang balita tungkol kay Sir Morris. Isa siya sa kilalang kawal o tagasunod ng duke.

Bago ang kanyang kamatayan ay bumili pa siya sa akin ng mamahaling kwintas na may nakaukit na pangalan ng babae.

"Mary Jane, may bagong titingin ng alahas." Ani ng aking tiyahin.

Tumango ako at tinanaw ko ang kapapasok pa lamang na lalaki. Hindi ko maiwasang kumirot ang dibdib nang makitang pareho ang uniporme niya kay Sir Morris.

Isa na namang tagasunod ng duke.

"Magandang umaga, anong klaseng alahas po ang inyong nais?"

Nang sandaling nag-angat ng tingin sa akin ang kawal, bigla akong napaatras at napahawak sa lamesang nasa likuran ko.

Nakikilala ko siya!

Paano siya naging kawal? Dati'y sobrang... taba niya.

"Mary Jane..." usal niya.

"Corton..." ilang beses akong kumurap kung tama ba na siya ang dati kong kamag-aral.

Natatandaan ko pa ang ilang beses kong pag-iwas sa kanya sa klase dahil sa hantaran niyang pagsabi na gusto niya ako.

"Nais ko ang disenyong ito..." itinuro niya sa akin ang kwintas na gawa sa puting ginto.

Kinuha ko iyon at mas ipinakita sa kanya. Mas lumapit siya sa akin habang ang mga mata niya'y naroon sa alahas. Hindi ko magawang tanggalin ang mga mata ko sa kanya.

"Sa tingin mo ba'y magugustuhan niya ito?"

"Para ba sa 'yong kasintahan?"

Tumango siya. Hindi ko alam kung bakit biglang kumirot ang dibdib ko. Bigla siyang nawala sa kalagitnaan ng taon, maraming nagsabi na lumipat sila ng lugar dahil ang kanyang ama'y tanyag na manggagamot at ang ilan pa nga'y sinisisi ako dahil napagsalitaan ko siya ng hindi maganda noon.

I was too mean before. Importante sa akin ang pag-aaral at hindi ko nais magkaroon ng relasyon sa mga lalaki. He's too persistent that time, and he pushed my limit.

Hindi ko naman talaga sinasadya iyong mga sinabi ko.

"Hinding-hindi ako papatol sa 'yo! You're ugly and you're not even a knight in shinning armor type. Baka kapag pinagtulungan ka, ako pa ang tumulong sa 'yo."

Mariin akong napapikit nang maalala iyon. I was still young back then! Masisisi baa ko sa mga sinabi ko?

"Corton... tungkol pala sa mga sinabi ko noon... I am sorry."

Tumaas ang kilay niya. "It's okay. We're just kids back then."

"Ano ang pangalang ilalagay ko sa likuran?"

"My fiancé's initials. MJ..." natigilan akong saglit, ngunit sinubukan kong ngumiti at sumunod sa kanya.

Nakaupo na ako at nakatalikod sa kanya habang inuukit ang letrang katulad ng sa pangalan ko. Nang ayusin ko na ang lalagyan ng kwintas at ibigay ko na sa kanya na may magandang kahon, tipid siyang ngumiti sa akin. Fake.

"See you around, Mary Jane..."

That night, when my father announced our huge debt and confessed my sudden engagement, I was forcefully dragged inside an elegant mansion. The place where I'd mee, my future husband.

"Ayusin mo ang galaw mo anak, parang awa mo na." Halos maiyak na sabi ni ina.

Gusto ko silang sigawan, gusto kong itanong kung bakit ako ang kailangang magsakripisyo pero wala na akong nagawa.

Tila nabuhusan ako ng malamig na tubig nang makilala ang lalaking nakatindig sa harapan ng malaking mansyon, kasama ang kanyang pamilya.

Yumuko siya bilang pagbati.

"Magandang gabi... Mary Jane..."

"Corton..."

Hanggang sa makarating kami sa hapag kainan ay halos hindi ako makapaniwala sa nangyayari.

"Maaari ba kaming lumabas muna ni Mary Jane sa hardin?" tanong ni Corton sa aming mga magulang. Gusto kong magprotesta ngunit wala akong kapangyarihan.

Wala akong pinagpilian kundi tahimik na sumunod sa kanya hanggang sa makarating kami sa hardin.

"C-Corton..."

Sa isang iglap ay naramdaman ko siya sa likuran ko at ang malamig na kwintas sa leeg ko, ngunit ramdma ko na tila sinasakal ako ng kwintas niya.

"C-Corton..." napatingala ako dahilan kung bakit nagtama ang aming mga mata.

"Now tell me... who's ugly and not a knight in shinning armor? Your parents are even begging for me to marry you..."

That night I realized that it was not his eyes anymore. The eyes I used to admire before... and deny it afterwards... instead I used hateful words to cover my admiration for him. That behind his features, I learned to longed for his presence...

That I missed him... at pinagsisihan ko ang lahat ng sinabi ko sa kanya. Tumulo ang luha ko.

"Sorry..."

His eyes flicked with hatred. "You'll be my wife soon. Convince me to forgive you..." nakita kong hawak niya pa rin iyong kwintas.

I bit my lower lip. "Look at the back of the necklace..."

Akala ko ay hindi niya ako papansinin pero tipid niya iyong sinulyapan, nakita ko kung paano siya natigilan. "I loved you."

Pinunasan ko muli ang luha ko. "Maniwala ka man sa akin o hindi... pero minahal kita. Hinanap kita, nagpapadala ako ng sulat sa dati n'yong tinitirhan... hindi ko alam kung nakakarating sa 'yo..."

Napasinghap siya. "I-It was you..."

"I sent you anonymous letters..." nasapo ko na ng mga palad ko ang mukha ko.

"I am sorry... nagsisisi ako sa mga sinabi ko noon. And I am willing to accept your revenge. I deserve those..."

"H-hey..." nabitawan na niya ang kwintas na hawak niya at tinulay niya ang distansya sa pagitan namin.

And I felt his deep kisses. "Sa tingin mo ba'y matitiis kita kahit hindi ko malaman na sa 'yo galing ang mga sulat na iyon, Mary Jane? I could have denied your parents request... I am still in love with you..."

Ocean of FeathersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon