Chapter 126

2.4K 43 2
                                    

The short story is Larajhane Arellano. Thank you for helping me during muting days!

Chapter 126

"Leave pa more," biro sa akin ng kapatid ko.

I rolled my eyes. Gabi na ako nakauwi galing sa opisina dahil sa tambak kong gawain. Recently, I've been away from the office since I had to join my amazing cousins on their escapades. Ako naman kasi ang hindi magpapaiwan sa dalawang iyon kaya, gala now, iyak later.

"Tigilan mo ako, Maria, baka masampal pa kita."

Mas lalo lang siyang tumawa habang umaakyat ako sa hagdan. Kahit ang magcheck ng phone ko ay hindi ko na magawa masyado dahil sa trabaho ko. Pagkatapos kong maligo ay natutulog na ako.

Saglit ko lang binuksan ang phone ko. I didn't even have the strength to check my DMs ang tanging nagawa ko lang ay basahin ang pangalan ng mga nag message, bago ko patayin ang phone at tuluyan nang matulog.

And then everything will repeat. Gising. Bangon. Ligo. Trabaho.

That's why when I left the office again that night, I was surprised by a guy who had a bouquet of roses. He's my suitor. Nagtataka pa nga ako kung bakit hindi pa siya tumitigil dahil bihira ko lang naman siya bigyan ng atensyon. Sinabi ko na rin talaga sa kanya na tumigil na siya dahil mas importante sa akin ang trabaho.

"Oh, ano ang mayroon?"

He smiled. Gosh, he's handsome, yes. Pero kapag busy ka sa trabaho, kahit guwapo ang manliligaw, hindi naman talaga nakakatanggal ng pagod.

He gave me a bouquet of roses. "Thank you."

"Feeling ko kasi may tampo ka sa akin. Hindi ka na nagre-reply."

"Huh? Busy lang ako. Hinintay mo pa talaga ako rito."

"Ate Lara, ihahatid pa ba kita?" tanong sa akin ng anak ng may-ari ng company. He's the son of the owner of the family business that I've been working for, and he is my trainee.

Dahil ginagabi na ako siya na mismo ang naghahatid sa akin sa pag-uwi. Sino ba naman ako para tumanggi? It's the company car naman at mahirap talaga magcommute.

"Hindi na. May sundo ako."

Pinagbuksan ako ni Miguel bago siya pumasok sa sasakyan niya. Katahimikan ang bumalot sa pagitan namin habang nagmamaneho siya. Of course, I am not expecting him. Akala ko nga ay tigil na siya. Wala naman akong panahon na tumawag sa kanya para mag-confirm.

"L-Lara . . . ano tayo?"

Huminga ako nang malalim. Ito na nga ba ang sinasabi ko. I've been telling him na busy na akong tao at itinigil na niya ito. But he'd been taking this as a challenge.

"Wala."

Hindi siya lumingon sa akin pero pansin ko ang pagdiin niya sa pagkakahawak niya sa manibela. "Why me, Miguel? Look, I am very busy. Hindi ko na nagagawang sagutin ang tawag mo. I can't even message you. I think I'll be unfair to you. Na kaya mong ibuhos ang oras mo sa akin samantalang ako ay hindi."

"It's just time. I can wait. I will not demand for you."

Nang makarating ako sa bahay na hindi na siya pumasok sa gate. Inulit ko ang tanong ko sa kanya. "Why me, Miguel? You are handsome. Ang ganda ng trabaho mo. For sure, maraming babae ang magkukumahog sa 'yo. Don't settle for less."

"I love you since our highschool days. Now that you're starting to look at me a little, ngayon pa baa ko maiinip? Baka sunduin ulit kita bukas. Good night." 

Ocean of FeathersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon