Chapter 84

6.6K 346 39
                                    

The short story is dedicated to Sophie Aliza Caverte. Thank you for helping me during the muting days!

Chapter 84

Panay ang kulog at kidlat sa kalangitan. Paulit-ulit ang hampas ng naglalakihang mga alon na anumang oras ay tuluyan nang lalamon sa aming barko.

Mas dumiin ang yakap sa akin ni Andi habang kapwa namin pilit na kinakalimutan ang kasalukuyang nangyayari sa barko.

Our ship is about to face its nightmare. Hindi lang ingay ng kalikasan ang siyang nag-uumapaw, kundi pati na rin ang sigawan at pighati ng mga taong naroon. Karamihan ay nagtatakbuhan, nagmamakaawa, at humihingi ng tulong.

Ngunit kanino? Saan pa kami hihingi ng tulong sa ganitong sitwasyon? Sa gitna ng bagyo, sa gitna ng karagatan at kadiliman?

Wala nang tigil sa pagpatak ang mga luha ko habang pilit dinadama ang kanyang yakap.

Sa halip na gumaya sa mga taong nakapaligid sa amin, siniguro naman ni Andi na dama namin ang isa't isa hanggang sa tuluyan nang tumaas ang pinakamalaking alon, hinarap ko na ang lalaking pinakamamahal ko, ginagap ang kanyang mga pisngi at mariing siniil ng halik.

Sa sabay naming pagpikit, nangako ako sa mga oras na iyon, na siyang muli kong hahanap sa susunod kong buhay, mamahalin at kami'y tatandang magkasamang may pagmamahal na walang humpay.

***

Naalimpungatan na may namumuong pawis sa aking noo, agad kong hinagip ang inihanda kong tubig sa tabi ng aking kama at agad ko iyong ininom. Hindi iilang beses na iyon ang siyang aking panaginip. Ngunit sa pagtagal ng panahon, unti-unting lumalabo ang imahe ng lalaki sa aking panaginip.

"Andi..." usal ko habang marahang humahaplos sa aking mga labi.

Bumuntonghininga na lamang ako at pinilit bumangon mula sa aking kama. Naligo at naghanda na para sa aking pagpasok.

Dahil masyado pa akong maaga, pinili kong magtungo roon sa library habang hinihintay ang oras ng aking unang klase. Madalas ay iyon ang siyang ginagawa ko sa tuwing napapaaga ako nang pagpasok, kaya hindi na rin naging mahirap sa akin ang maging pamilyar sa ilang estudyante na siguro'y ganoon din ang ginagawa. Isa pa, nasa iisang lamesa lang din naman ang pinipili kong pwestuhan.

Ibinaba ko na ang aking bag at ilang aklat sa lamesa. Ramdam ko ang tipid na pagsulyap sa akin ng lalaki na madalas kong nakikita sa dulong parte ng mahabang lamesa kung saan naroon ako.

Pilit ko man hindi pansinin iyong mga binabasa ng lalaki, lagi kong nakikitang ang lahat ng librong binabasa ko'y binabasa niya rin.

I've been reading books about dreams and reincarnation. At ngayon ay iyon din ang binabasa niya. Siguro nga ay nagkataon lang.

Sinimulan ko nang buklatin ang ilang pahina ng aking bagong aklat, ngunit hindi pa man ako nakakatagal sa aking pagbabasa ay may mga gamit nang bumaba sa tapat ko.

It's him.

Nang nag-angat ako ng tingin sa kanya at handa na siyang pagtaasan ng kilay dahil sa haba ng lamesa ay tumapat pa siya sa akin, tuluyan na akong natigilan kasabay nang saglit na pag-ikot ng tingin ko sa paligid.

Pakiramdam ko'y bigla akong ibinalik sa ibabaw ng barko, sa gitna ng bagyo at sa mga taong nagtatakbuhan at nagsisigawan para sa buhay.

"Sophie Aliza..."

"H-How did you—"

He grinned. "Borrower's card."

Napalunok ako nang umupo na siya at tumapat sa akin. Mas napagmasdan ko ang mukha niya. Gusto kong sapuhin ang dibdib ko sa bigla nitong pagkirot.

"It's odd, we're curious about the same topic."

"It's not odd. There are times that people have same interest."

"In the same expedition? Time? Era? Accident?"

Pilit kong itinikom ang mga labi ko at nanatili akong nakatitig sa kanya. Nangangatal ang kamay kong ipinagpatuloy ang pagbuklat ng aklat.

Bakit siya biglang lumapit sa akin?

"Do you want to know my name? I'm from engineering department."

Hindi ako nagsalita at pinilit magkunwari na hindi interesado sa kanya.

"I am Andi..." tuluyan na akong napatitig sa kanya.

"A-Andi?"

Nakangisi siyang tumango sa akin. Ipinatong niya ang dalawa niyang braso sa lamesa at marahan siyang lumapit sa akin. "I have a secret. Do wanna hear?"

Ibinaba niya ang kanyang tingin sa nakabukas kong aklat at itinuro niya iyong guhit ng pamilyar na barko sa aking panaginip.

"I was here...with my beautiful lover."

Nanlaki na ang mga mata ko sa kanya.

Marahang dumaop ang isa niyang kamay sa nangangatal kong kamay. "I found you."

Ocean of FeathersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon