Chapter 80

9.4K 562 37
                                    

The short story is dedicated to Carla Clemente. Thank you for helping me during the muting days!

Chapter 80

How to make your crush notice you? Cook something for him. Iyon ang una kong narinig mula sa mga kaibigan ko. I tried... kahit hindi talaga ako marunong, sinubukan ko. But I failed.

Yes. I failed. So, nagpaluto na lang ako sa friend ko. I lied about the food and told him that I was the one who made it.

"Thank you." Said George.

He was my crush since high school at ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob magpapansin sa kanya. I did a background check naman. Baka kasi may girl friend na siya at may babaeng biglang humila ng buhok ko.

But he's single!

"Aren't you tired, Carla?" tanong sa akin ni Mina habang sabay kaming umiinom ng milk tea.

"Hindi. I just can't understand him. Hindi naman ako panget. I got good grades, good family background and I am also popular! Bakit hindi niya ako bigyan ng interes?"

"Isa lang iyon. You're not his type. Hindi dahil nasa iyo na ang lahat ay magugustuhan ka na rin ng lahat. Everyone has preferences. At nagkataon na hindi ka kasama sa kanya."

Halos mawalan ng lasa iyong iniinom kong milk tea ng marinig ko iyon sa kaibigan ko.

"Why can't you just support me instead? Kaysa naman nega ka?"

"Because you're missing something, Carla."

Nangunot ang noo ko. "Something?"

"While chasing you... you'll losing to see others, na may iba pa... someone who deserves you more."

"Eh?"

"Just open your eyes. Huwag puro si George. And he's not really handsome though! Magpasalamin ka na kaya?"

***

Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Mina habang naglalakad ako papasok sa subdivision. Tulala na sana ako hanggang sa makarating sa block namin nang mapamura ako sa muntik nang bumangga sa akin.

"The fuck, Benjamin!"

"Oh!"

Mabilis siyang tumalon at inangat sa ere ang kanyang skateboard. Pawis na pawis siya habang nakangisi sa akin.

"Hello there, Carla."

"Shut up."

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang ngayon ay nakasunod na siya sa akin.

"Ang aga mo yata umuwi ngayon. Hindi ka na naman pinansin ng pinagpapansinan mo 'no?"

What's really annoying? May ilang subject sila ni George na magka-section kaya alam niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapansin.

"Ano ba ang nagustuhan mo dun? Mas gwapo pa naman ako dun."

"Eh? Taas confidence."

"Just telling the fact."

I waved my hand. "Leave me alone, Benjamin! Umiinit ulo ko sa 'yo."

"Why are you always annoyed with me? Wala naman akong ginagawa sa 'yo."

"Because you're always making fun of me!"

"Manhid ka ba? O walang nagsasabi sa 'yo na sinasadya kong magpapansin sa 'yo." I flipped my hair.

"Pinapansin na naman kita, so are you satisfied?"

Siya naman ngayon ang umikot ang mga mata. "I mean... I like you. Can't you get it?"

"I know. But I like George."

"Wow! Straight. Rejected na ba agad ako?"

"Yes."

"Oh... pero hindi talaga bagay sa 'yo ang humabol. You're too pretty to chase that ugly monkey."

"W-What?" bigla akong natawa sa sinabi niya.

"I mean... mas bagay sa 'yo ang hinahabol." And then he winked at me.

For the first time, I suddenly felt like he got me. Dahil saglit akong natigilan at napatulala sa likuran niya na nagskate board.

And finally, I understood what Mina have told me. It was him...

"Then will you chase me?"

Tumigil ulit siya at humarap sa akin. But he kept the distance.

"I've been chasing you... I am just waiting for you to notice, foolish girl."

Ocean of FeathersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon