28 - USS Texas

32.1K 1.8K 79
                                    


The short story is dedicated to Mikyla Rosales Gandamato. Thank you for helping me during the muting days!  


28

"Mikyla, you can do this." Pilit akong ngumiti sa aking repleksyon nang matapos kong ayusin ang sarili ko.

Kasal ngayon ng pinsan kong si Hannah, hanggang ngayon ay may ilan pa rin hindi tanggap si Axcel sa aming pamilya. He's eight years older than Hannah, isa pa halos bugbugin pa ito ng mga tiyuhin namin nang malaman na buntis ito.

But they fought for their love and luckily, they won the fight.

Ngayon naman ay laban ko, I didn't know that Axcel's bestman was my damn ex-boyfriend.

What a damn small world.

Lumabas na ako ng cr at kasalukuyan nang nagtatawag ang emcee sa mga babaeng abay para sa isang laro.

I rolled my eyes. Ito ang pinaka-ayaw ko sa parte ng kasal. The corny events. Habang naglalakad ako pilit kong iniiwasan ang titig ni Darem. I hate his stares.

Bago pa man ako makarating sa gitna, hinawakan ni Hannah ang kamay ko at bumulong ito sa akin.

"I think he's still in love with you." Umirap ako.

"No way,"

"I didn't know that you're his mysterious ex-girlfriend." Natatawang sabi ni Axcel.

"Come on, matagal na kaming tapos."

"Sure?" ngising tanong ni Hannah.

"Whatever."

Nagsimula nang pumosisyon ang lahat ng single ladies. I did my best to participate, pilit akong umagaw ng rose dahil ang hindi magkakaroon nito siya ang susuotan ng garter.

And unluckily, ako ang naiwan.

Nagsigawan ang mga pinsan ko at maging ang bagong kasal. The emcee called the attention of my partner and quickly I just found him in front of me.

"So? Both single?"

"She's my ex-girlfriend and yes, still single." Gumawa ng ingay ang mga tao. Shitness.

"Oh, what a small world. Bakit naghiwalay?" umirap ako. Chismosa.

"We're both busy? Careers." Sagot ni Darem.

"No third party?"

"No, I never cheated her."

"What about the maid of honor? Still single?" natahimik ang paligid. I don't want to broadcast!

"Ehem, still single?"

"Yes," halos bulong na sabi ko. Pansin ko ang saglit na pagngisi ni Darem.

"Oh, so pwede pa kaya?" malisyosang sabi ng emcee.

"Maybe few months from now."

"W-What?!" muling nagsigawan ang mga tao sa sinabi ni Darem.

Lumuhod na ito at kinuha ang garter sa emcee. Humarap muna ito sa mga tao bago niya pinaikot-ikot ang garter. I rolled my eyes.

Kamusta na ba ang gagong ito?

"How are you?" tanong nito sa akin.

"Makinis pa rin naman ang legs ko. How about you?" Tipid na tanong ko.

"Malaki pa rin naman at mahaba—" nanlaki ang mata ko. "Ang pasensiya ko," he grinned.

"Asshole as always." I rolled my eyes.

"I missed you, babe."


--

VentreCanard 

Ocean of FeathersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon