23 - BEAGLE

35K 1.9K 37
                                    


The short story is dedicated to Joana Loable. Thank you for helping me during the muting days!

Chapter 23


"Joana, nabigyan mo ba ng tubig ang kapatid mo?" tanong ni Tito na kasama ko rin nanunuod ng basketball.

Madalas ang may paliga ng basketball dito sa barangay namin, dahil magaling si kuya lagi itong kasama sa mga magagaling na manlalaro na naaanyayahan.

"May ibinigay na po kanina sa kanya." Tumango si tito bago muling sumigaw para suportahan ang kupunan nila kuya.

They are good but their competitors are better. Kanina lang ay tambak na nila ang kalaban pero ngayon ay nakahabol at mas doble pa ang tambak sa kanila.

Kasama ko rin ang mga pinsan ko sa pag-cheer sa grupo nila kuya kahit alam namin na mukhang imposibleng manalo.

But at least, they tried? Hindi ba?

Nasa kalagitnaan ako nang pagsigaw nang halos manlaki ang mata ko nang biglang nagkaagawan sa harapan ko.

Fuck! The ball is coming in my direction!

Ngayon ko masasabing ganito pala ang pakiramdam kapag alam mong matatamaan ka nang lumilipad na bagay. Sa halip na kumilos at umilag ay matutulala ka na lamang.

I was waiting for a direct hit on my face when someone blocked it for me.

"Joana!" sigawan nang mga pinsan at mga tito ko.

Nakatalikod na jersey number 8 ang humarang sa bola, kalaban!

"Okay ka lang po?" tanong nito sa akin.

Nagawa ko lamang tumango. Tumakbo na ito at bumalik sa laban, pansin ko na puro nasa akin na ang titig ng mga kagrupo nitong nasa bangko.

What's with them?

Hanggang sa hindi ko na maintindihan ang labanan nila dahil wala nang tigil sa pang-aasar ang mga pinsan ko.

"Ang layo nang tinakbo ni kuya,"

"Baka siya na ang forever mo,"

"Humarang lang? Forever na agad? Come on, laging may nangyayaring ganito sa basketball." Natatawang sabi ko.

Ilang minuto pa ang lumipas natapos na ang laro at lamang ang kalaban ng dalawang puntos.

"It's okay kuya! Bawi ka na lang sa susunod." Ngising sabi ko dito habang inaabot ko ang towel sa kanya.

Gamit na gamit si kuya sa laro dahil walang maipalit dito dahil siya lamang ang matangkad sa grupo.

Inakbayan ako ni kuya at ginulo nito ang buhok ko.

"Hindi ko gusto ang titig sa'yo ni number 8. Kilala mo ba 'yon? I tried to save you, naunahan ako."

"Hindi," tipid na sagot ko.

Nagkibit-balikat kami ni kuya at umuwi kami sa bahay na nag-aasaran. Sinabi ni Mama na may darating daw kaming bisita mamaya, one of her friends kaya pinaghahanda kami ni kuya.

We were expecting that it was just her friend. Pero may kasama itong dalawang anak, isang babae na halos kasing edad ko at si number 8!

Hindi lang kaming dalawa ni kuya ang nagulat, maging ito ay hindi rin makapaniwala. But what more intriguing was the daughter of my mom's friend!

Kilala nito si kuya!

"Ikaw kuya ha?" siniko ko si kuya nang pinauna namin ang mga bisita na pumasok sa bahay.

"I don't know her, believe me."

"She's pretty,"

"Alam ko," natawa ako sa aking kuya.

"But she looked very familiar." Muling akong natawa. "Other life then?" hindi sumagot si kuya sa sinabi ko.

We're not idiots, we're all aware that our mothers were paring us. Pinagbigyan namin sila, I joined with the number 8 while kuya tried to entertain the girl.

Nasa terrace kami habang nasa pool side sila kuya.

"Kamusta?" panimula niya.

"Good but better now that I've found you." Sabay kaming natawa sa sinabi niya. "Naniniwala ka ba na pinakasalan kita noon?"

"Hindi," tipid na sagot ko.

"Maniniwala ka ba na pakakasalan kita ngayon?"

"If you're my Froylan—if you're my Froylan years ago." Sinalubong ko ang kanyang mga mata gaya nang kung paano ko titigan ang lalaking aking minahal sa nakaraan.

Ngumiti ito sa akin, hinawakan ang aking kamay at marahan itong hinalikan.

"I am, allow me to love you again, Joana."


--

VentreCanard 

Ocean of FeathersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon