Chapter 71

46.8K 947 113
                                    


The short story is dedicated to Lamberlina Seares Bardos. Thank you for helping me during the muting days!

Chapter 71

"Do you think he'll come?" I asked my friend, Jane.

Hindi man lang ako pinansin ni Jane at nanatili siyang nakatuon doon sa phone niya at sa ka-chat niya. Sino bang kamote iyon at ipinagpalit niya na ang best friend niya?!

Gusto ko na nga siyang sabunutan. Simula nang magkilala niya ang lalaking iyon, halos wala na siyang oras kausapin ako!

"Janey!"

Halos mapatalon siya sa upuan niya nang lumakas ang pagtawag ko sa pangalan niya. Napababa siya ng phone niya at pilit niya akong hinarap.

"What?"

"Tinatanong kita if sa tingin mo he'll attend the party."

She rolled her eyes. "Of course! Nandun ang friends niya. Kahit naman hindi mukhang party boy iyong crush mo, madali siyang nahihila ng mga mokong niyang kaibigan."

My smile widened. "So, I should get ready!"

"Yes. Yes..." she waved dismissively bago tumungo ulit doon sa ka-chat niya.

"Hmmp! Akala mo naman seseryosohin ka niyan! Look at me! Watch me! Ngayong gabi magiging kami ng crushie ko."

Umirap siya habang naroon sa phone ang atensyon. "Dream on, girl. I think he's gay..."

"Whatever!"

Dumating na ang gabi ng party. Gaya ng inaasahan ako lang iyong mukhang excited, si Jane parang napilitan lang na sumama sa akin.

Gumala iyong mga mata ko sa dagat ng tao para makita si Hebreo pero hindi ko agad makita.

"I'll pick our place. Kung gusto mong hanapin si forever mo, go on." Hindi ko na siya pinansin at ginawa ko na nga ang pakay ko hanggang sa makita ko na nga si Hebreo.

Kumuha na ako ng juice at sweets. Naglakad ako patungo roon sa posisyon nina Hebreo at sinadya kong nasagi siya dahil sa kunwaring pagmamadali ko.

Muntik na sana akong matapilok at matumba nang biglang may brasong pumulupot sa bewang ko.

"Are you alright?"

Tuluyan ko nang nabitawan ang mga hawak ko at napatitig sa kanya. Tang ina! Ang gwapo talaga ni Hebreo!

"Hmm... yes. Thank you..."

Inalalayan niya akong makatayo. Narinig kong nagsimula nang magbiruan iyong mga kaibigan niya sa likuran.

Inilahad niya sa akin ang kanyang kamay na mas lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko. This is it! Napapansin niya na talaga ako. Dapat talaga ay nagsimula na akong magpapansin sa kanya noon pa man, edi dapat kami na ngayon!

"Hebreo De La Rosa, and you are?"

Gusto ko nang himatayin. "Lamberlina Bardos..."

Gumuhit ang ngiti sa labi niya nang tanggapin ko ang kamay niya. "Such a rare name, but beautiful... it's nice to meet you Lamberlina..."

Yumuko siya at napansin niya ang nahulog kong mga pagkain.

"Oh..." lumingon siya sa mga kaibigan niya.

"I'll just guide the lady..."

Nagsipulan ang mga kaibigan niya. "Of course, you have all the time."

Hindi ko alam kung totoo ba ang nangyayari sa mga oras na ito o kaya'y nahihibang lang ako, pero para talaga akong lumulutang sa ere habang nakahawak sa bewang ko ang kamay ni Hebreo.

"So, you're with...?"

Ilang beses akong napakurap sa kanya. Nakatulala na talaga ako. "Lamberlina?"

"Y-Yes... I am single."

"What?" natatawang sagot niya.

"I mean... I am sorry. Yes... ano pala..."

"LAMBERLINA?! WAKE UP!"

Marahas akong napabalikwas sa aking higaan. Si Mama ang sumalubong sa akin habang hawak iyong mga damit na inihanda ko.

"Oh my gosh... anong oras na?"

"Umaga."

Napahilamos na ako sa aking sarili. Shit! Nakatulog ako sa paghahanda sa party!

It was just a fucking dream!

Ocean of FeathersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon