Chapter 103

3K 88 12
                                    

AN/ Hi! This is VentreCanard! I will have my first book signing event this coming April 30, 2023 at Robinsons Galleria Atrium. I hope to see you there <3
For more information, you can follow my Facebook account and Popfictions books. Thank you!

The short story is dedicated to Nelle Johann Pulta. Thank you for helping me during the muting days!

Chapter 103

Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na ang magaling kong kaibigan na si Mikes ay biglang nagkaroon ng guwapong boyfriend. Siya kasi ang tipo na hindi ko nakikitang tumingin sa lalaki, tapos ngayon?

How the hell did she acquire that gorgeous man? Si Shawn pa talaga na siyang sikat na heart throb dito sa school.

Walang ibang ginawa kundi ngumisi lang nang ngumisi si Mikes habang nakabusangot ang tingin ko sa kanya.

"Bakit ka naman nag-boyfriend agad? Akala ko ba ay damay-damay na tayo rito?"

Umirap siya sa akin at sinundan niya ng tanaw iyong kakadaan niyang boyfriend. "It just happened, Nelle, hindi ko naman hinahanap si Shawn. Bigla na lang dumating."

Bumuntonghininga ako. Bakit iyon ang madalas kong naririnig sa karamihan? Na hindi naman daw talaga hinahanap kundi dumadating. Pero parang hindi ko kaya maniwala sa ganoon.

Of course, we are the sailor of our ship. We should lead our own way. Hindi pwedeng hayaan na lang natin na basta na lang tayo tangayin ng hangin, dahil sarili tayong plano sa sarili natin.

"Mabuti sana kung kasing guwapo ni Shawn ang dadating, hindi ba?"

Tumawa na si Mikes sa sinabi ko. How come na iyong kalaro niya pala sa game ay si Shawn? Kung mag-online game na rin kaya ako?

"But believe me, Nelle, ikaw rin ang nakasaksi na wala pa sa plano ko si Shawn. We're all aware of his existence, and I never imagined having a relationship with him. But everything has a plan. Huwag ka na lang magmadali."

"Whatever."

Uuwi pa sana kami nang sabay ni Mikes dahil hindi naman nalalayo ang mga bahay namin nang magpaalam siya sa akin na sasabay daw sa kanya ang magaling niyang boyfriend.

Sino ba naman ako para umepal sa kanila? They're still a new couple at mainit-init pa ang mga bagay sa pagitan nila.

"Come on, do you expect me not to read the situation? Huwag ninyo na akong isabay. May dadadaanan pa rin naman ako."

"You sure?" tanong ni Shawn na mas nagpangiwi sa akin. Alam ko naman na hindi niya rin ako gustong kasabay, paano nga naman niya maso-solo ang friend ko?

"I am sure."

I waved them good bye. Nauna pa nga akong maglakad sa kanila, I even heard Mikes called me pero nagkunwari na lang akong hindi narinig ang tawag niya.

I decided to go to the nearest 7-eleven to buy a drink. Yayain ko pa sana si Mikes na uminom ng milk tea at kumain ng fries, pero mukhang mag-iisa muna akong kumain.

Umorder muna ako ng French fries sa Kerimo, bumili rin ako ng milk tea sa katabing stall nito. Dahil ala-tres pa lang ay labas na kami dahil absent ang professor ng sunod na klase, hindi pa ganoong karami ng estudyante na nakatambay rito. Kaya mag-isa tuloy akong kumakain sa lamesa at naasar ako sa magjo-jowa na naghahatian pa sa pagkain.

Oo, ako na ang bitter. Bakit ba?

Hindi ko pa man napapangalahati ang pagkain ko ng French fries at pag-inom ng milk tea ko nang biglang may tumayo sa harapan ko.

"P-Pwede makihati sa lamesa?"

Nang nag-angat ako ng tingin, agad kong nakita ang id lace niya, kapareho ng sa akin. Tumango ako at ngumiti siya sa akin.

Maybe this is it. . .

Magsasalita na sana ako para kausapin ang lalaki nang bigla siyang may tinawag sa likuran niya. "Babe, come here, pumayag siya na maki-share tayo."

Napabuga ako ng hangin at napatingin sa kalangitan. Hindi yata effective sa akin ang salitang may darating.  

Ocean of FeathersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon