Chapter 106

2.9K 91 4
                                    

The short story is dedicated to Aleyah Gail Fontanilla. Thank you for helping me during muting days!

Chapter 106

They say people fall in love thrice. Ilang beses ko na itong naririnig mula sa iba't ibang tao, sa mga kaibigan, katrabaho, kamag-anak at madalas sa social media.

We fall in love thrice.

First is what we called the first love— a love like a fairy tale. Na akala mo nasa loob ko na isang Korean novella habang may pinakamagandang ambiance kasama siya. The holding hands, smiling faces, the butterflies in your stomach, the fluttering bubbles around you, and the excitement every time you see him. Naroon ang matinding kilig.

Second is what we called the hurtful love. Among the three, the second love is most painful, na akala mo pagkatapos nito wala na. Hindi mo na kakayanin pa, but unexpectedly. . . there's the last love.

Third is what we called the last love, our happy ending, ang pahinga. Na akala mo wala na talaga pero mayroon pa pala. Siya ang sasagot sa marami mong tanong na bakit. . . why do you have to experience those pain? Siya pala. Siya.

Love is so magical, na iisipin mo na sa napakaraming tao sa mundong ito, may isang tao na magpaparamdam sa 'yo nang sobrang kaligayahan na siya lang ang makapagbibigay sa 'yo.

Akala ko noon masyado lang nilang pinagaganda ang salitang 'love' A word that would spice everything up, na kapag nilagyan nila ng salitang iyon ang kanilang kuwento ay mas magiging interesado na ang mga tao sa bawat kwento nila.

Now that I've experienced it myself, I never thought that the effect of it wasn't overrated.

But my only difference is that I haven't experienced the second and third love, and I am hoping that I wouldn't experience those two. I wish that my love would stay in this moment— to my fairy tale love.

"Right?"

Lumingon sa akin si Yaakov. Mas dumiin ang hawak ko sa kamay niya habang sabay kaming naglalakad sa loob ng Disney Sea. Katulad ko na ay nakasuot din siya ng headband na Micky Mouse.

"What?"

Umiling ako sa kanya at ngumiti.

When I had a chat conversation with him and I sent some of my pictures with my friends when we went to Disney Land, sinabi niya sa akin na hindi pa daw siya nakakapunta roon.

So, I asked him.

Halos lahat yata ng rides ay sinakyan namin ni Yaakov. We took a lot of pictures together and we even ate a lot of foods. Wala kaming ginawa kundi maglakad, maghawak ng kamay, ngumiti sa isa't isa at tumawa.

We spent the whole today together with our clasped hand. Halos ayaw namin pakawalan ang isa't isa.

Nang nagsimula nang dumilim ay pumili na kami ng pwesto para makapanuod ng fireworks. Dapat ay maging masaya ako dahil narating na namin ni Yaakov ang lugar na ipinangako namin sa isa't isa, pero habang nakikita na nagdadatingan na ang maraming tao sa harapan namin para manuod rin ng fireworks, ramdam ko na ang unti-unting pagsikip ng dibdib ko.

Dahil ibig sabihin lang nito, malapit nang matapos ang araw— our last date together.

And when the first fireworks flew in the sky, I felt Yaakov's eyes on me with his hand tightly clasping me. "Thank you so much, Aleyah. I will never forget you."

Ocean of FeathersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon