44 - HMHS Britannic (1915)

26.7K 1.3K 55
                                    


The short story is dedicated to Ennelyn Manuel. Thank you for helping me during the muting days!  

Chapter 44

"Don't you like me?" he asked. Kung pwede ko lang sabihin sa kanya na simula pagkabata pa lang namin ay gusto ko na siya. But I can't, I just can't.

Umiling ako sa kanya kahit kabaliktaran ito ng gusto ko. I love him, very much. Pero mahal siya ng kapatid kong may sakit, Zaijan is my sister's world.

"I'm sorry, Zaijan, pero may mahal na akong iba." I saw pain in his eyes, ilang beses akong nagdasal na sana ay hindi niya makita ang kasinungalingan ko, na sana gawin niyang madali ang bagay na ito para sa amin.

He forcefully smiled.

"I can understand. I hope you're happy with him."

That was his last words before he was obliged to spend more time with my sister. Nakatulong si Zaijan sa recover ni Eunica at malaki ang naging pasasalamat ng buong pamilya ko o kung tama ba talagang sabihin na pamilya ito.

They never treated me nicely before, pero ngayong nagkasakit si Eunica at may malaking bagay sila mula sa akin biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Kahit naman hindi nila hilingin, ito rin ang gagawin ko.

I love my sister, kahit hindi ito ganito sa akin.

I was my mother's daughter, naging anak niya ako sa pagkadalaga kaya iba ang turing sa akin ng pamilya ni Eunica. Hindi talaga ako parte ng pamilya at si Zaijan lang ang nagparamdam sa akin nito, pero sadyang ganito talaga ang tadhana, mukhang ayaw talaga akong sumaya.

Habang dumadalas ang pagdalaw ni Zaijan sa kapatid ko, unti-unti ko nang nakikita ang kislap ng mga mata niyang minsan niyang inihaharap sa akin.

That my love of my life is slowly falling in love with my sister.

"Ate, can you please—" di ko na pinatapos si Eunica sa sasabihin niya, tumango ako at nagsimulang lumabas nang dumating si Zaijan.

Ramdam ko ang mga mata niya sa akin pero pinilit ko itong hindi pansinin. Wala na akong pakielam sa mga taong nakakakita sa akin habang nakikita nila akong umiiyak sa paglabas ng hospital.

Matagal ko nang tanggap na hindi na para sa akin si Zaijan, ibinigay ko na siya sa kapatid ko, hindi ko siya ipinaglaban, ipinaubaya ko na siya, ano pa ang kaparatan kong lumuha? Ako ang may gusto nito, ito ang desisyon na pinili ko.

"Ennelyn!"

Natigil ako sa paglalakad, pero hindi ko magawang lumingon sa kanya. Bakit siya sumunod? Bakit niya iniwan ang kapatid ko?

Nakikita ko, nagkakagusto na siya kay Eunica, nagiging masaya na siya, natututo niya nang mahalin ang kapatid ko. They will be happy together, hindi na ako magiging kontrabida sa buhay ng kapatid ko, katulad ng lagi niyang sinasabi.

Hindi na ako magiging salot sa buong pamilya, kasi nagpaparaya na ako, hindi na ako makasarili, hindi ako mang-aagaw.

"Ennelyn!"

"B-Bakit? Bumalik ka na doon, baka hinahanap ka na ng kapatid ko."

"I love you..." mas lalong tumulo ang luha ko sa narinig mula sa kanya.

"Ipaglaban mo naman ako... huwag mo naman akong itulak sa iba..."

"Zaijan..." narinig ko ang mga yabag niya at mahigpit niya akong niyakap mula sa aking likuran.

"I love you... ikaw lang... kung sinasakal ka nila, ilalayo kita... I can give you a family that you deserve... kasama ko..."

Nasa akma na akong kakalakas ng yakap sa kanya para humarap sa kanya at sagutin siya ng halik, nang kapwa kami nasilaw sa malakas na ilaw mula sa paparating na sasakyan.

I heard my sister's scary voice.

"N-No!" sigaw ni Zaijan.

Pero huli na ang lahat ang tangi lang naming nagawa ay yakapin ang isa't-isa at tanggapin ang aming katapusan. 

Ocean of FeathersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon