Chapter 107

2.8K 102 7
                                    

The short story is dedicated to Jamaica Vargas Emboltorio. Thank you for helping me during muting days!

Chapter 107

Ibinaba ko ang tasa ng kape sa mesa, huminga nang malalim bago tinanaw ang magandang view sa paligid.

I decided to drink coffee alone and I picked this isolated place, where I could think and relax alone. What's good about this coffee shop, it's located in a place where someone should put too much effort for him/her to reach it. Kaya kakaunti lang lagi ang tao rito. I've been thinking if they still earn money with their few customers.

Nangalumbaba na ako habang nakatanaw roon sa mataas na puno sa unahan ko. The place was atop of a high land as if it was on a cliff and the front view was cluster of untouched trees.

It's been three months when my ex-boyfriend and I broke up. At ngayong araw lang ako naglakas ng loob lumabas ng bahay matapos ang paulit-ulit kong pag-iyak sa kanya.

I was so miserable those months that I always wished that he'd suddenly change his mind and asked me to have our second chance. Pero ilang buwan ko nang hindi naramdaman kahit anino niya— that made me realize that I was just foolishly hoping for nothing.

Iritado kong pinunasan ang tumakas na luha sa aking mga mata. Totoo ba talagang nafa-fall out of love ang isang tao? Nananawa? Ganoon?

Binigyan ko ng pansin ang aking kape at inubos ko lahat iyon ng ilang lagok. Sinong maniniwala sa kanya sa rasong iyon? Hindi niya ba alam na marami nang nakakarating sa akin tungkol sa babae niya? I was just too foolish and allowed myself to be blind because of this foolish love.

I was okay before when I haven't met him. Bakit kailangan ko pa siyang makilala kung ganoon lang ang gagawin niya sa akin? To make grow? Learn? Bakit kailangan may sakit para matuto?

Isinubsob ko na ang ulo ko sa lamesa at ilang beses akong huminga. Bakit ko nga ba pinahihirapan ang sarili ko kung alam kong ang gagong iyon ay masaya na?

Muli akong nag-angat ng mukha at tinawag ang waiter. I ordered a cake and another cup of coffee. At kaaalis lang ng waiter sa tabi ko nang may biglang tumawag sa akin.

"Jamaica!"

Ilang beses akong kumurap at mas pinakatitigan ang papalapit na lalaki sa akin. Isn't he a college school mate? I plastered a fake smile in front of him. Sa naalala ko ay mabait siya sa akin at mahilig bumati.

"Emman, how are you?"

Ilang beses akong luminga sa paligid niya. "Are you alone?"

Tumango siya. He didn't even ask me if it was okay to share my table because he quickly pulled a chair across me. "Madalas ka ba rito?"

Umiling lang ako. "I just read the review of this place online. And I tried. Not bad."

"Hmm. . . so how are you?"

"Parang ako ang unang nagtanong sa 'yo."

He chuckled. "Okay lang. You?"

"Okay lang din."

Nabalot kaming dalawa ng katahimikan pero mariin ang titig niya sa akin na parang may hinihintay pa siyang sabihin ko.

"Single ka pa ba?" inunahan ko na siyang tanungin dahil sa paraan ng titig niya parang iyon ang gusto niyang malaman.

"I am. I am just waiting for that certain someone. . . how about you?"

Why do I have this feeling na alam na niya ang sagot ko? "I just broke up with my ex boyfriend."

"Oh, that's good news."

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Joke lang. So, you're trying to heal right now. Kailan puwedeng ligawan ulit?"

Natawa na ako sa tanong niya. "I don't think magpapaligaw pa ako."

Tumuwid siya ng pagkakaupo ng sabihin ko iyon. "W-What? Why?"

"Actually, sasagutin ko na agad. Hindi na ako magpapaligaw. Waste of time."

Siya naman ang natawa sa sinabi ko at sumandal na siya sa upuan habang nakangisi sa akin. "You're still the Jamaica that I like the most. . ."


Ocean of FeathersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon