27 - USS Midway CV-41 1945

33.1K 1.7K 63
                                    


The short story is Maxine Cristil. Thank you for helping me during the muting days!

Chapter 27


Nagdiwang ang buong pamilya namin nang magising mula sa comatose si Ate Romenalyn.

It was a good news, dahil walang kahit sinong nag-akalang magagawa pa nitong gumising dahil sa tagal nang panahon.

I was with her when she read the letter coming from her ex-boyfriend na ngayon ay isa nang pari. Maging ang mga luha ko ay nagpatakan nang mabasa ko ang sulat ni Kuya Kien.

Sulat ito ni Kuya Kien sa kanya nang mga panahong nag-aaral na ito sa kanyang bokasyon.

"Inaamin ko, pinasok ko ang bokasyong ito para hilingin na sana muling hayaan ang 'yong mga matang magmulat, muling marinig ang 'yong buhay na tinig at ang 'yong mga ngiting kay tamis. I was so desperate to bring you back, na halos araw-araw akong lumuhod sa simbahan para magising ang babaeng pinakamamahal ko. Araw-araw akong nagdadasal, araw-araw akong nagsisisi, araw-araw kitang hinahanap. Pumasok akong ikaw ang dahilan Rome—ngunit patawarin mo ako dahil nagsisimula na akong mahalin ang mundong pinasok ko. Ito na yata nga ang sinasabi nilang calling, isang bagay na hindi mo maipaliwanag, isang bagay na napakagaan sa pakiramdam. Ipagpapatuloy ko ito Rome, hinding-hindi kita kakalimutan sa aking mga panalangin at umaasang muli kang makikita na nakikinig sa aking mga misa."

Hindi ko iniwan si Ate Rome, kahit ilang beses ko na siyang nais pigilang magsimba. She needs to move on, she needs to continue life, pero paano nga niya magagawa ang bagay na ito kung ang panahong dapat magagamit niya sa pagtanggap ay naubos dahil sa pagtulog?

"Kapag nakatulog ba ako nang matagal, Brent magpapari ka rin?" I asked my boyfriend.

"Hindi maghahanap na lang ako ng bagong girlfriend." Sa inis ko ay itinulak ko siya. "Gago, maghanap ka na ng girlfriend kahit gising pa ako. Hayop ka." Tawa lamang ito nang tawa sa akin.

"Tutulog na lang rin ako, sasabihin ko gisingin ako kapag gising ka na." Natahimik ako sa sagot niya.

"Totoo ba 'yan?" tanong ko.

"Yes,"

"Paano ka tutulog kung tulog ako nang mahigit isang taon? Ako ba niloloko mo?"

"Gigisingin na lang kita! Bakit ka ba tutulog?!" kahit kailan talaga hindi matinong kausap itong si Brent.

"Kung mangyari nga lang—ewan ko sa'yo Brent. Maghanap ka na nga lang ng kausap mong gago ka." Muli itong tumabi sa akin at yumakap.

"Please don't mention sleeping that long, Maxine. Mababaliw ako kapag nangyari sa akin 'yon. Tang-ina mababaliw ako." Bahagyang tumaas ang kilay ko.

"Matagal ka nang baliw."

"Baliw sa'yo?"

"Err—corny!"

"But you damn accused of being crazy lad years ago, damn woman." Kapwa kami natawang dalawa.

It was realistic yet unbelievable thing happened to us. Our past, our beautiful past.

It's been weeks when I entered the unusual world. At napagtanto kong isa akong espesiyalista ng mga taong may sakit sa pag-iisip.

"Doc Maxine! May pasyente pong nagwawala." Nagmadali akong lumabas ng clinic at sumunod sa sinabi ng nurse.

And then I saw an injured man trying to struggle with the two nurses.

"Tang-ina! Hindi ako baliw! Why am I here? Hindi ko alam ang lugar na ito! Anong taon ba ito?! Oh god! Kayo ang mga baliw! Nasaan ba ako? This isn't year 2018!" nanlaki ang mata ko sa sinabi ng lalaki.

He's also from my year! Anong ginagawa niya dito?

"Doc, turukan nyo na po." Nanlaki ang mata ng lalaki sa akin nang kumuha ako ng panturok.

"Tang-ina! Hindi nga ako baliw!" lalong nagwala ang lalaki.

Sumampa na ako sa kama.

"Tell me, what is your name? You're from 2018 right? Maniniwala ka ba kapag sinabi ko sa'yo na galing rin ako sa taong 'yon?" natigilan siya sa tanong ko.

"Niloloko mo ko," I signalled to my nurses to let him go.

They were hesitant at first, pero sinunod rin nila ako. Naiwan kami ng lalaki habang natigil ito sa pagwawala.

"Remove the fucking injection to your hand!"

"Ayoko—" tinabig ng lalaki ang kamay ko hanggang sa maramdaman kong nakahiga na ako sa kama at nasa ibabaw niya ako.

His hands were gripping my pulse above my head.

"St. Vennidicta Iscolastica University, 3rd year. Single, I can't be your girlfriend. Let's escape this place, just fucking stop making yourself crazy in front of this old people. Idiot." Umawang ang bibig nito sa sinabi ko.

"Nagsasabi ka nga ng totoo,"

"Yes, I'm Maxine and you are?"

"Brent,"


--

VentreCanard 

Ocean of FeathersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon