Chapter 133

3.7K 30 2
                                    

The short story is dedicated to Mary Joyce R. Bandojo. Thank you for helping me during muting days!

Chapter 133

"Sama daw si Rochael," sabi sa akin ni Aliyah.

"Oh, sure siya? Wow. Bakit biglang sumama?" tanong ko.

Aliyah shrugged her shoulders. "Kakagising niya lang. Tinanong niya kung saan ako pupunta. I told her that we're going to our fave coffee shop."

"Oh, kakagulat talaga siya, ah?"

"Bored rin kasi. Umalis kasi si Rona, siya lang ang nasa bahay."

Habang naglalakad kami Aliyah patungo sa bahay ni lola, tamang-tama na naroon iyong mga tiyuhin at tiyahin namin. Lalo na si Tito Oyek na lagi na lang concern sa love life namin.

Like who would mention you in your family group chat almost every day that we're still single and we have to find a boyfriend?

"Saan na naman papunta ang magagastos kong pamangkin na walang boyfriend?" Sabay kaming ngumiwi ni Aliyah.

"Tito, tigilan mo kami. Magsisimula ka na naman." I said.

Nagtawanan pa lalo iyong iba naming tito at tita. "Hayaan mo na sila. Masyado pang natutuwa na magkakasama ang tatlong iyan. Dadaanan ninyo ba sa opisina niya si Yvone?"

Aliyah and I nodded.

"Ikaw, Mary? Wala ka pa talagang boyfriend."

"Oh, gosh, shut up ka na lang, Tito. Nakaka-stress ka na."

Nang dumating na si Rochael ay nagtungo na kami sa sasakyan. "Kapag bukas nagdala ako ng boyfriend, baka magulat sila." Sabi ni Aliyah.

"Ano ka ba? They are just trying to annoy us. Nakikita naman nila na masaya tayo. Wala sa kanilang kaso." I said.

Nang makarating kami sa restaurant nagulat na lang kami na naroon na din pala iyong mga pinsan naming lalaki.

"Ethan, nakakapanibago kayo ng boys, magpicture na kayo, baka sa next year na ang sunod ninyong kain dito," biro ni Aliyah.

Palibhasa ay lagi naming inaasar ang boys na kumakain lang sila sa mumurahing restaurant, napuno nang tawanan iyong table namin at ang kanila.

"Hoy, huwag kayong maingay. Baka bina-bash na tayo ng mga tao," bulong ko.

Last time we just seated near a table with a woman and her friend talking about their lives. Hindi na kami nakapag-usap tatlo dahil nakinig na lang kami ng usapan tungkol sa buhay nila.

Nagtawanan kaming tatlo. "Tayo na si Ate," natatawang sabi ni Aliyah.

It was my usual dinner date with my cousins, and I thought there was nothing different that day, but I was wrong about it. Lalo na nang huli akong lumabas dahil ako iyong nagbayad, dahil nang sandaling kinuha ko na iyong sukli sa crew ay eksaktong pagbubukas ng glass door.

He was laughing with his friends as they entered the restaurant, and then our eyes met. Hindi na siya nakasunod sa mga kaibigan niya at natigilan siya nang makita ako.

"M-Mary . . ."

I quickly averted my eyes. Nagmadali na akong itulak iyong glass door, malayo na iyong mga pinsan ko patungo sa coffee shop, nang narinig kong nabuksan ang glass door.

"Wait . . ."

Lumingon ako sa kanya ngunit nagpatuloy ako sa paglalakad. "Mary, wait! Para naman tayong walang pinagsamahan."

Huminga ako nang malalim. "John, I don't think we still need to talk after we end our relationship."

"I'm sorry . . ."

Kumunot ang noo ko. "You're funny for a cheater."

Tinalikuran ko na siya at nagsimula na akong muling maglakad. "I am not a cheater, Mary. It's just your family hated me for being poor."

Ocean of FeathersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon