Chapter 76

11.1K 496 45
                                    

The short story is dedicated to Geralyn Joyce Santor. Thank you for helping me during the muting days!

Chapter 76

I left home early.

Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang naisipan umalis sa bahay at piniling mapag-isa. I suddenly felt so empty, kahit masaya naman ako sa pamilya at trabaho ko.

I studied hard, achieved my goals in life, and provided everything that I could offer to my family. I should feel consistently happy and satisfied, kasi wala na naman talaga ako dapat hilingin pa. Iyon ang karamihang pangarap ng lahat.

Good job and family.

"I told you! You should find someone that you'd love!" sabi ng kaibigan ko sa telepono pagbaba ko sa harap ng isang resort.

I didn't know why the wind blew me in this place. "Talaga lang?" natatawang sabi ko sa kanya habang nakatingala pa rin ako sa arko ng magandang resort.

I searched its reviews online, hindi naman daw iyon kalakihan pero talagang mawiwili ang mga guests, dahil sa ganda at tahimik ng lugar.

I went straight to the receptionist and asked a place where I could clearly see the sea. Hindi rin naman kamahalan ang presyo kaya hindi na ako nag-alinlangan.

Nang dalhin na ako ng isa sa crew ng resort sa isa sa cottage na tanaw ang dagat, agad kong napansin iyong isang cottage na katabi ng sa akin.

My footsteps suddenly haltered. At pinagsisihan ko iyon dahil mas napansin niya ang pagkabigla ko.

"G-Geralyn..."

Tipid akong ngumiti sa kanya. "Mark." He's my ex-boyfriend. He broke up with me without good explanation, five years ago.

Humarap na ako sa crew at sinabi sa kanya na ako na ang bahala. Hindi man lang gumalaw si Mark sa kinatatayuan niya at ramdam ko iyong paninitig niya sa akin.

I stopped in the middle of my cottage's terrace and looked at him. "Do you need something?"

Napakurap siya ng ilang beses. "No. Nothing..."

Tumango lang ako at pumasok na sa cottage ko. Napahinga ako nang maluwag nang isara ko na ang pinto. Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama at tinanaw ang kisame.

What really happened to us?

Akala ko noon ay perfect na ang relasyon namin, but something got into him that made him decide to break up with me. Ilang beses ko iyong tinanong sa kanya noon but he refused to say.

Kinapa ko ang dibdib ko at pinakiramdaman ko ang sarili ko. Akala ko'y wala na siya sa akin, pero bakit ganito pa rin ang reaksyon ko ngayon?

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

A knock on my door woke me up. I sat up groggily before I climbed down on my bed and went straight to the door. I thought it was the pizza delivery, but to my surprise, it was the familiar guy I always want to be with before.

"G-Geralyn..."

"W-Why are you here?" bigla kong naalala ang magulo kong buhok at pati ang muta ko sa mata. Nagmadali na akong hawakan ang pinto at akma ko na iyong sasarhan nang iharang niya ang kamay niya.

"C-Can we eat dinner together?"

Kumunot ang noo ko. "What?"

Huminga siya nang malalim at ibinaba niya ang hawak niyang bulaklak na ngayon ko lang napansin.

"You can slap me, curse me or do something to make you feel better, but after those... allow me to try to win you again, Geralyn..."

Umawang ang bibig ko sa sinabi niya. "W-What? Are you—"

Tumango siya. "Gago ako. Yes. But—"

Inangat ko ang kamay ko sa ere. "Alright. Just allow me to fix myself first, then let's have our dinner."

Mabilis kong sinarado ang pinto at nasapo ko na lang ang dibdib ko. I gulped twice. Magiging marupok na naman yata ako. 

Ocean of FeathersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon