42 - Maersk Alabama

24.2K 1.3K 38
                                    


The short story is dedicated to Karylle Usha Butron. Thank you for helping me during the muting days!  

Chapter 42

"Will you be happy for me?" I asked him.

Kapwa kami nakatanaw sa malawak na karagatan habang hinintay matapos ang usapan ng aking ama at ang kanyang kaibigan.

Hindi ko man marinig ang buong pagpupulong, alam kong tungkol ito sa akin at sa mapapangasawa ko.

Paano niya naaatim ibigay ang nag-iisa niyang anak sa lalaking hindi niya naman mahal? Mas higit pa ito sa latigong ipinapataw sa mga nakapiit na kriminal sa aming bayan.

"Opo, senyorita. Dahil nararapat ka lang makasal sa lalaking magbigay sa'yo ng marangyang buhay." Sagot ni Sedin.

Nais ko siyang sigawan at kamuhian sa kasagutan niyang ito, nais kong lumuha at magalit sa kanya.

Paano niya nasasabing magiging masaya ako sa lalaking hindi ko mahal? Hanggang ngayon ba ay hindi niya pa rin napapansin o nakikita na siya ang matagal ko nang mahal?

Bakit? Sa tingin niya ba ay hindi nararapat ang tagasunod at ang pinaglilingkuran nito? Sa tingin niya ba ay tumitingin ako sa estado sa buhay?

Simula pagkabata ko ay si Sedin na ang personal na nagbabantay sa akin sa tuwing nagtutungo ako sa iba't-ibang lugar. Ilang taon man ang tanda niya sa akin, hindi ito naging hadlang para ibigin ko siya.

"S-Sa tingin mo ay magiging masaya ako?"

"Kung hindi man ngayon, nasisiguro kong darating ang panahon."

Narinig ko ang minsang usapan nila ni ama, matapos ng aking kasal ay lilisan na si Sedin sa panunungkulan sa aming pamilya, nais pa siyang panatilihin ng aking ama bilang siya namang tagabantay niya ngunit hindi na ito pinaunlakan pa ni Sedin.

"Ayoko, hindi ko siya gusto, Sedin. Mas gugustuhin kong kitilin na lamang ang buhay ko." Marahas siyang lumingon sa akin.

"Nasisiraan ka na ba ng bait?" matigas na sabi nito. Saglit akong natigilan nang gamitan niya ako ng ganitong tono.

Natigilan din siya at mukhang nagulat sa kanyang ginawa. "Patawad, senyorita..."

"May iba na akong iniibig..." mahinang bulong ko. "At kung hindi ko man siya makasama habang-buhay—"

Hindi ko maituloy ang sasabihin ko, humarap na ako kay Sedin na lumuluha, nais kong hawakan ang kamay niya, yakapin at sabihing itakbo niya ako. Pero alam kong hindi pareho ang aming nararamdaman sa isa't-isa...

"Ikaw ang mahal ko..."

Napatitig siya sa sinabi ko, pansin ko ang saglit na paggalaw ng kanyang mga kamay na parang nais akong hawakan pero pilit niyang pinipigil ang kanyang sarili.

"Nalilito ka lamang, senyorita..."

"Mahal kita, Sedin..." ulit ko.

Umiling siya sa akin. "Senyorita, hindi mo alam ang sinasabi mo."

"Sedin..."

Nang subukan ko siyang hawakan ay nag-iwas siya sa akin. "Kung totoo man ang sinasabi mo, paumanhin ngunit hindi ganito ang pagtingin ko sa'yo. Isa kang Maharlika na kailangan kong paglingkuran."

Tuluyan nang nalaglag ang mga luha ko. Inaasahan ko na ito, hindi dahil gusto ko siya ay magugustuhan niya rin ako.

Nanghihina akong tumango sa kanya. Hindi na ako nagsalita pa at tinalikuran ko na siya. Nang narinig kong tumawag si ama para anyayahan ako sa kanilang lamesa ay hindi man lang ako lumingon sa kanila.

Natulog akong lumuluha at nagsising binitawan ang mga salitang iyon kay Sedin.

Ngunit kinabukasan, sa halip na alon ng dagat ang sumalubong sa akin, ingay ng malalakas na yabag ng kabayo ang nakapagpagising sa akin.

Nasigaw ako nang malaman kung nasaan ako, nasa lupa! Wala ako sa dagat! Nagmadali akong tumanaw sa bintanang nasa harapan.

Nasa akma akong aatake sa nagmamaneho ng karwahe nang bumaba ang nakasaklob ng kasuotan nito sa ulo.

"S-Sedin!"

"Karylle..." umawang ang bibig ko nang tawagin niya ang pangalan ko at hindi senyorita.

"N-Nasaan tayo?"

"Itinatakbo ka..." suminghap ako sa sinabi niya.

"Ngunit bakit? H-Hindi ba—"

"Nagsinungaling ako. Hindi ako masaya."

Halos tumalon ako sa tuwa sa sinabi niya at mahigpit ko siyang niyakap mula sa kanyang likuran.

"Saglit, nagmamaneho ako."

Ngumisi ako sa sinabi niya. Kahit tahimik ito at laging seryoso, hindi ko alam kung bakit mas lalong lumalalim ang pagmamahal ko sa kanya.

Kumalas ako ng yakap sa kanya.

"Magpapakasal tayo sa susunod na bayan." Lumukso ang puso ko sa narinig mula sa kanya. "Ngunit hindi kasing ganda ng nais mong kasal."

"Nais? Ang nais kong kasal ay ang ikasal sa'yo, Sedin."

Lumingon siya at tipid siyang ngumiti sa akin. "Mahal kita, Karylle. Alam mo ba iyon?"

Ocean of FeathersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon