40 - HMS Ark Royal 1937

26.2K 1.4K 61
                                    


The short story is dedicated to Leila Mae A. Matocinos. Thank you for helping me during the muting days!  

Chapter 40

Kung hindi dahil nag-aalala ako sa pinsan kong si Zina at sa plano niyang patumbahin si Russel Varyag, isang kilalang businessman na siyang nakabili ng malaking lupain ng aming pamilya, hindi ako magtutungo sa barkong ito.

For goodness sake! We're uninvited! At siguradong may kalalagyan kaming dalawa sa sandaling may makadiskubreng hindi kami mga bisita.

Our original plan was to blend with the people as visitors, pero nagbago ito nang magtalo kami ni Zina, hanggang sa nagkahiwalay kami. Nasira ang aming plano at naiwan akong mag-isa na hindi alam ang gagawin.

Kung si Zina ay piniling magkunwaring isa na lamang sa mga crew ng barko, nanatili akong nagpapanggap na bisita. My cousin was good on combats, para makaagaw ng mga damit, ano naman ang alam ko doon?

Mura ako nang mura mula sa malayo habang tanaw ang pinsan ko at ang mga galaw nito.

She's crazy!

"Hi." Saglit akong lumingon sa lalaking tumabi sa akin. Just like me, he's leaning on the railing with a glass of wine on his right hand.

Hindi ako sumagot sa kanya at pinagpatuloy ko ang pagmamasid sa pinsan kong baliw.

"You know..." hindi ko pinatapos ang lalaki.

"Mister, I am sorry but I am not in the mood for talk. Please find someone else..." nanghaba ang leeg ko nang mawala sa mga mata ko si Zina. Shit!

Narinig kong sumipol ito sa sinabi ko.

"Why? Sinong tinatanaw mo? My cousin? He's already waiting for someone else." Kumunot ang noo ko at muling humarap sa lalaki.

"Why would I look for your—" natigilan ako sa sasabihin ko. Of course! Lahat ng nandito ay si Russel ang dahilan, they wanted to see the rich businessman, they wanted his influence and—

Nanlaki ang mga mata ko nang mas makilala ko ang lalaking katabi ko. Umawang ang bibig ko nang hawakan niya ang kanang kamay ko at marahan niya itong dinala sa kanyang labi.

"It's nice to see you again, Leila Mae. So...your family agreed?"

Marahas kong hinila ang kamay ko mula sa kanya. "A-Agreed?"

Muli siyang sumipol nang mas mapagmasdan niya ang reaksyon ko.

"Ibabalik namin ni Russel ang lupa, kung...." kumulo ang dugo ko nang hantarang padaanan ng kanyang mga mata ang kabuuan ko.

Agad akong napayakap sa aking sarili, ngunit mabilis din akong nakabawi. Isang malaking hakbang pauna at isang nag-iinit na kamay na may pwersa.

Malakas na sampal ang tumama kay Arcollo Rios, ang lalaking kasing sakim ni Russel Varyag! Ang hayop na magpinsan.

"Bastos!"

Natulala ito sa akin na parang ito ang kauna-unahang pagkakataon na may nagbuhat sa kanya ng kamay. Mabilis nakalapit sa amin ang kanyang mga tauhan, inangat niya ang kanyang kanang kamay para tumigil ang mga ito sa anumang kilos.

"Leave us, this woman is my future wife."

"F-Future wife!" sigaw ko.

Tumalikod na ako sa kanya at nagmadaling humakbang papalayo, hanggang sa nasundan ng pagtakbo.

Nanginig ang katawan ko sag alit nang makitang tumatakbo rin patungo sa akin si Arcollo!

"S-Shit! Stop following me! A-Aalis na lang kami ng pinsan ko! Oh my gosh! What is happening? Zina! Zina!" tumakbo ako sa huling pinagkakitaan ko sa pinsan ko.

"W-Wait! Leila, I was just kidding! Hindi ba sinabi sa inyo?"

"W-What?"

"Fucking stop running!"

Hindi ako sumunod sa kanya, may mga nakakasalubong pa kaming ilang crew na nagugulat sa habulan namin ni Rios.

Buong akala ko ay makakatakbo ako sa kanya pero nang makita kong nasa hangganan na ako, narinig kong tumawa ang walang hiyang lalaki.

"Dead end, baby."

Natulala ako sa harap ng pader na may noong nakadikit dito. Katapusan ko na at ng pinsan ko. Ipapakulong na kami ng mga walang-hiyang lalaking ito.

Halos mapatalon ako nang makita ang mga braso nito sa magkabila ko habang nakahawak ito sa pader.

"Manliligaw naman kami ng pinsan ko e... kayong dalawa lang ang may galit sa amin..."

Ocean of FeathersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon