Chapter 117

2.6K 54 7
                                    

The short story is dedicated to Jiana Clariz Tordecilla. Thank you for helping me during muting days!

Chapter 117

"Jiana, pasensiya na, apo, ha? Dahil sa akin ay nahihirapan ka." Sabi ni Lola habang minamasahe ko ang kanyang mga hita.

Kasalukuyan akong nakaluhod sa mababang kama ni lola habang wala akong tigil sa pagmasahe sa kanya. It had been months when my dear grandmother experienced her second stroke, and now she couldn't move half of her body without help.

Every time that I remembered how she was so lively before, how she cooked food for me, brought food for our pets, and even dealt with our customers as she took care of our little sari-sari store, I couldn't help but tear up.

Nasanay akong malakas si lola— siya ang sandalan ko at simula bata ako'y kailanman ay hindi niya ako pinakitaan ng panghihina. Ngunit ngayon ay tumatanda na siya at nagkakasakit, hindi ko maiwasang malungkot at matakot. Buong buhay ko ay si lola na ang kasama ko nang sandaling maghiwalay ang mga magulang ko at kapwa na sila bumuo ng mga bagong pamilya.

"Bakit naman ako mahihirapan, Lola? Love na love nga kita! Hindi ako mapapagod alagaan ka."

Ngumiti si lola at humilig sa akin. Kung wala lang akong trabaho ay hindi ko na siya iniwan sa bahay at kumuha nang mag-aalaga, ngunit kailangan ko rin magtrabaho para sa gamot niya at pagkain namin.

She might have kept her own money with her small sari-sari store, and apartment, as her granddaughter, I wanted to provide for her.

"Salamat, apo, ha?"

"Oo naman, Lola!"

"Dahil sa akin ay hindi ka nan aka-boyfriend. Lagi ka na lang nasa bahay at nag-aalaga sa akin."

Tumawa ako. "Ano ka ba, Lola? Pihikan po ako! Hindi ikaw ang dahilan kung bakit wala akong boyfriend. Hindi ko sila type lahat!"

Hinawakan niya ang kamay ko. "Gusto ko sa sandaling mawala ako ay bumuo ka ng sarili mong pamilya. Isa kang mabuting apo, at araw-araw kong ipinagdarasal na may makilala kang mamahalin ka nang sobra-sobra."

Natigilan ako sa sinabi ni lola at kumirot ang dibdib ko. "Lola, nagbibilin ka ba sa akin? Ang lakas-lakas mo pa nga! Ipapakilala ko sa 'yo ang magiging boyfriend ko! Aabutan mo pa ang magiging anak ko."

Tumawa si lola sa sinabi ko. Huminga ako nang malalim at pilit kong pinigilan hindi lumuha. Gabi na nang dumating ang tagapag-alaga ni lola, sinabi ko rito na hindi ako makababantay ngayong gabi dahil lalabas muna ako.

Kalalabas ko pa lang ng gate ng bahay ay naroon na si Emman, he's been my friend since I was in college.

"Saan tayo?" He asked.

Umikot na ako at sumakay na sa sasakyan niya. "May bukas pa bang coffee shop ngayon?"

"Sa Mini Garahe."

"Okay. We can go there."

Habang nagmamaneho siya ay nakasandal lang ako sa upuan habang nakatitig sa labas ng bintana. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nawala si lola.

"You okay?"

Umiling ako. "Naiiyak ako. Feeling ko nagpapaalam na sa akin si lola."

"Oh . . ."

Tuluyan nang tumulo ang luha ko. Agad ko iyong pinahid sa pisngi ko at pilit akong tumawa. "Sinisisi niya pa ang sarili niya kung bakit hindi ako nagkaka-boyfriend. Para ngang itinutulak niya na agad akong mag-asawa."

Natawa rin si Emman. "Bakit ba ayaw mo?"

I laughed. "Boyfriend nga wala! Ano ka ba?"

"Wala ba talaga? I've been waiting for you since college, Jia."

Ocean of FeathersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon