Chapter 85

6.3K 287 30
                                    

The short story is dedicated to Pauline Rosete Garcia. Thank you for helping me during the muting days!

Chapter 85

The rain was pouring that night. It was a busy street with hundreds of hurried people with and without umbrellas running off with a single word on the mind—home.

After a long tiring day, isn't it amazing to think about something that makes you feel at ease?

Hindi iilang beses na hiniling ko na katulad nang napakaraming taong nakakasalubong ko, mga masasayang usapan na naririnig ko habang hawak ang kanilang mga telepono, at ang nag-uumapaw na ngiti sa mga labi sa kabila ng malakas na ulan na siyang sumasalubong sa amin ay siyang minsa'y maranasan ko.

I have a huge house, luxurious possessions, an ideal job, and endless success. Alam kong maraming babae ang siyang humihiling na makaranas ng siyang tinatamasa ko. Ngunit bakit sa kabila ng lahat ng mayroon ako'y nakakaramdam ako ng kalungkutan?

Why I do feel empty?

Well, the presence of the family is one of the most wonderful that a person should have. But that is something that I'd just ask in my dreams.

I am an orphan.

I grew up independent. Lumaki man ako sa ampunan at salat sa pangangailangan, siniguro kong ang suportang ibinibigay sa akin ay mabuti kong magagamit. I studied hard. Work hard.

Higit kong hinasa ang sarili ko, hindi lang sa akademiya kundi pati na rin sa iba't ibang bagay na alam kong magagamit ko sa sandaling ako'y lumabas na sa ampunan at tuluyan nang tumayo sa sarili kong mga paa.

And those efforts, hard work, and sleepless nights had paid off. Ngayo'y dama ko na ang karangayaan na kailanman ay hindi ko naisip nang sandaling ako'y nasa loob pa ng ampunan.

Well, everyone can always dream. But do dream with movement.

Because life is not all about just breathing, but living.

Hindi lang tayo nabuhay sa mundong ito para huminga... we are here to serve purpose. We are here to live. At iyon ang bagay na siyang pilit kong hinahanap.

What is my purpose?

Buong akala ko'y mananatili akong natayo sa harap ng aming building habang tanaw ang napakaraming tao na nagmamadaling makauwi upang makasama ang kanilang mga pamilya.

Ngunit hindi ko inaasahan na ang sandaling iyon nap ala ang sasagot sa aking mga katungan.

A street child approached me with her old umbrella in her hand.

"Ate, gusto mong ihatid kita sa sakayan? Basta bibili ka ng sampaguita ko."

Tipid akong ngumiti sa kanya. A witty girl.

Bago ko kunin ang payong para ako na mismo ang magpayong sa aming dalawa, kumuha na ako ng pera sa aking wallet at binili ko na ang lahat ng kanyang sampaguita.

The glitter in her eyes was unfathomable that night, na halos hindi ko na nagawang kalimutan ang mga ngiti niyang iyon.

Hindi ko na napansin na nakasanayan ko nang hintayin ang batang babae sa harap ng building namin at bumili ng bulaklak niya.

"Ate, ano nga pala ang pangalan mo? Salamat po talaga sa laging pagbili ng bulaklak ko."

Ngumiti ako sa kanya. "Pauline Rosete."

Mas lumaki ang ngiti niya sa akin. "Ate Pauline!"

That girl made me realize my role in this lifetime is to help those kids... those kids who were abandoned by their family.

***

Abala ako sa pagbubuhat ng ilang plastic na naglalaman ng mga pagkain para sa mga bata sa ampunan nang aksidente ko nang mabitawan ang isa dahil sa bigat niyon.

Napabuga ako ng hangin at pinunasan ko ng braso ko ang aking noo. Muli ko pa sanang bubuhatin iyong plastic nang may kamay nang nauna sa akin, at nang sandaling nag-angat na ako ng aking mga mata at tumama iyon sa may-ari ng kamay, ilang beses akong napakurap.

"Are you the organizer of the event?"

Tipid akong tumango. Who is he?

"Good. I am here to help. I heard a lot of you from the sisters."

"Oh..."

Inilahad niya ang isa niyang kamay. "I am Richie."

Sasabihin ko na sana ang pangalan ko pero naunahan na niya ako. "I know you. Pauline, right?"

Tipid akong tumango at kapwa na kami pumasok sa loob ng bahay ampunan.

-

Ocean of FeathersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon