61 - HMS Defender

17.9K 928 58
                                    


The short story is dedicated to Llyn Joy Iniego. Thank you for helping me during the muting days!

Chapter 61

"Are you sure about your role, Llyn?" tanong sa akin ni Rochelle.

"Of course. Ang funny nga. Instead of the usual cute outfits, gusto ko na iba naman." Ngumuso siya sa akin habang itinatapat niya ang isusuot ko para sa school festival na gaganapin next week.

It's a white long dress. I will act as one of the scariest ghosts. I'll be the Sadako this time. Napili kasi ng klase namin ang horror maze, dapat ay café pero marami na ang gumawa niyon ngayong taon.

"Dapat doon ka sa bilihan ng ticket, e. You could be the scary nurse!" I rolled my eyes.

"And you will cater my legs para marami ang bumili ng ticket? Grabe ang marketing strategy mo, Rochelle!"

She chuckled. Siya kasi ang Mayor ng klase namin kaya sobra ang effort niya sa mangyayaring festival. Kung hindi ko nga siya kaibigan ay sasali na lang ako sa props team, pero dahil alam ko na matampuhin siya ay sumama na lang ako sa mananakot.

Nauna akong umuwi kay Rochelle dahil marami pa raw siyang kailangang gawin, kaya mag-isa na naman akong uuwi. Dahil malapit lang naman ang bahay sa school, naka-bike lang ako.

"Saan si Rochelle? Mag-isa ikaw?" tanong sa akin ni Jaden na ngumunguya ng bubble gum. Ilang beses niya pa iyon pinalobo at pinutok sa harapan ko.

"She's busy."

"Hmm... may bagong bukas na pastries shop bago lumiko papunta sa bahay n'yo."

Tumaas kilay ko. "Narinig ko nga..."

Nang nagbike na ako ay sinabayan na rin niya ako. "Nakapunta ka na?"

Tipid akong lumingon sa kanya. "Are you going to invite me or not?"

He blushed. Hindi naman ako manhid, matagal nang may gusto sa akin itong si Jaden, masyado lang talagang torpe. Kaya natatarayan ko na siya sa sobrang bagal niya.

He's too cool with his friends, sa soccer field at sa tuwing pinagpapantasyahan siya ng ilang mga babae. Pero sa tuwing lalapit na sa akin, biglang nawawalan ng salita. Nawawala ang pagiging cool niya, para siyang grade four na kausap iyong crush niya! Naiinis na 'ko!

Ang nagagawa niya lang sa akin ay bumati, mag-alok ng pagkain at sumabay minsan, pero hindi naman nagtatanong.

"A-Are you sure?"

"Ayaw mo yata, 'wag na lang!" binilisan ko ang pagpedal.

"Of course not! My treat. Sunod ka sa akin, alam ko ang daan." Mas nauna siyang magbike sa akin at kitang-kita ko ang pamumula ng tenga niya.

Gusto ko na siyang batukan pero hindi ko rin mapigilan ang ngumiti. He's annoying and really funny.

Maybe I should enjoy this slow pace between us. But I really like him, at alam kong marami ang gustong maging girlfriend niya.

Nakarating na kami sa pastries shop na sinasabi niya. Kapwa kami tumingin sa nakahilerang iba't ibang tinapay na titigan palang ay masarap na.

"Anong gusto mo?"

"This... and this... ikaw rin gusto ko..."

Ilang beses siyang napakurap. "W-What?"

Ngumisi ako. "Ano iyong gusto mo?"

Napatango siya at tumalikod para pumunta sa counter. Abala ang nagbabantay sa pagbabasa ng dyaryo.

"Papa, pahingi nung paborito ko. Dalawa..."

Nanlaki ang mga mata ko. "Y-You owned this shop?"

He nodded. Hindi ko napansin na nakatingin na pala sa akin ang Papa niya na ilang beses hinawakan ang salamin.

"Siya ba iyong—"

"Papa!"

Ngumiti ako ng mas matamis sa kanyang Papa. "Hi, Tito, I am Llyn po. I am your son's girlfriend."

Nakita ko kung paano umawang ang bibig ni Jaden sa akin. Nagliwanag ang mga mata ng Papa niya. "Sabi ko sa 'yo anak ligawan mo na. She will like you."

Mas ngumiti pa ako bago ako nagpaalam na pupunta na sa lamesa. Nauna ako roon ng ilang minuto bago tumabi sa akin si Jaden na may dalang tinapay.

"What is that?"

Tumaas ang kilay ko at mas inilapit ko ang mukha ko sa kanya. "Torpe..."

Mas lalo siyang namula. "Hindi, ah..."

"So, ayaw mo?"

Nanlaki ang mga mata niya at agad niyang hinawakan ang kamay ko. Nakapatong na ang mga kamay namin sa lamesa, nangangatal pa nga ang sa kanya.

Pumangalumbaba siya at nag-iwas ng tingin sa akin.

"Wala nang bawian... girlfriend na kita ngayon..."

Mas inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya. Nang lumingon siya ay halos magdikit tungki ng ilong namin. "So, when are you going to kiss me, shy boy?"

Tipid na gumalaw ang mata niya. "When Papa's not watching..."

Nakarinig kami ng tikhim kaya tumuwid kami sa pagkakaupo. Nanatili pa rin nakahawak sa akin ang kamay ni Jaden.

"Llyn..."

"Hmm...?"

"I like you... no... I love you..." mas lalong bumilis ang tibok ng puso.

"I've been waiting for this... you idiot." Bulong ko sa kanya.

Ocean of FeathersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon