31 - USS Long Beach CGN-9 1959

34.5K 1.6K 97
                                    


 Dedicated to Yrlheen Maye Estano. Thank you for helping me during the muting days!  

31

I just found myself running breathlessly. Wala akong tigil sa pagtakbo para makatakas sa lalaking nakaitim.

Anong gusto niya sa akin?!

I don't have money!

Saglit akong napamura sa aking sarili nang pumasok ako sa isang eskinita at naupo sa likuran nang isang malaking basurahan habang pinakikiramdaman ang yabag ng lalaki.

Sapo ko ang aking dibdib habang tahimik na nagdadasal na sana ay tumigil na ang lalaking nakaitim.

"Escaping from someone?"

Muntik na akong makagawa ng ingay kung hindi lamang ako napigilan ng marahas na kamay na tumakip sa aking bibig.

"Shhh, I won't harm you. May humahabol din sa akin." Sa gawing kaliwa ay may itinuro sa aking ang lalaki.

It was another man wearing his all black outfit.

Nang maramadaman niyang kumalma na ako ay saka niya ako pinakawalan.

"Why?" tanong ko sa kanya.

Kibit balikat ang sagot niya sa akin. "How about you? Why?"

"Hindi ko alam, wala naman akong pera."

"Oh, I have money."

"Then, that's the answer." Sagot ko sa kanya habang sinisilip ang lalaking humahabol sa akin.

"I don't think so..." mahinang bulong niya sa akin.

"W-What?"

Nang sandaling lumingon ako sa kanya, unti-unti niyang ibinaba ang hoodie ng kanyang jacket. Tumama ang kaunting liwanag ng buwan sa kanyang mukha at marahan akong napatulala sa hindi ko maintindihang dahilan.

"They are after us, Yrlheen... they are after the information that we had from the past..." nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

Nagsimula na naming sumakit ang ulo ko, habang pilit nagpapakita ang mga eksenang alam ko sa sarili kong hindi nangyari sa akin.

"Past..."

"Your dreams... the little girl? Hindi pa ba siya nagpapakita sa'yo?"

"W-What?" tanong ko muli.

Napasapo siya sa kanyang noo.

"Hindi pa siya nagpapakita sa'yo? But I'm sure... your dreams are helping you to remember."

"What are you talking about!? Hindi ko alam ang--" I was cut off when his lips met mine.

His firm hands captured my face, his lips ravished my lips until my hard defenses started to melt and surrender. Natumba na ang basurahang nasa likuran ko dahil sa marahas niyang pagyakap sa akin.

Nang sandaling magkaroon ako nang pagkakataong gisingin ang sarili ko at itulak siya nang marahas ay agad lumipad ang kanang kamay ko sa ere, kapwa namin inasahan ang malakas na ingay mula sa isang sampal pero nabitin ito at napatitig ako sa kanya.

"W-Who are you? N-Nagkita na ba tayo?!"

Mapait siyang ngumiti sa akin.

"That's why the captain chose to visit the male first... dahil nahihirapan kaming makalimot... hindi namin kayo makakalimutan... hindi man siya makatapos siniguro niyang alam namin ang daan patungo sa inyo." Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko.

"How could you forget about your husband, Yrlheen?"

"H-Husband?" muling tanong ko.

"Asawang lalaki, kabiyak—bubuntis sa'yo." Muli ko siyang itinulak habang siya naman ay natawa.

"Kung hindi mo pa rin naiintindihan."

Magsasalita pa sana ako nang kapwa kami nakarinig ng kaluskos mula sa aking likuran, narinig ko ang pagbuntong-hininga nang lalaki nang makita niyang isang batang babae ang nagpakita sa akin.

"Oh Captain, I think you're late this time."

Ngumiti ang batang babae na may kakaibang damit.

"I am always late, Lonzo."


Ocean of FeathersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon