Chapter 120

2.7K 47 3
                                    

The short story is dedicated to Alyssa Joy Morales. Thank you for helping me during muting days!

Chapter 120

"Alyssa, you sure you'll not visit my newly opened bakery?" Hadeon asked me.

He's my talented cousin who just suddenly announced to our clan that he'd be migrating to the Philippines, and he'd start with his new business.

Hindi ko na nga alam kung saan pa niya dadalhin ang pera niya. Dahil kung ano-anong klase na ng negosyo ang mayroon siya. Bukod rin sa negosyo ay maganda na rin ang trabaho niya sa States bilang isang engineer. Kaya nagtataka talaga ang lahat kung bakit bigla niyang nais umuwi.

He told us that he'd like to pursue or let's say give his hobbies more time. Sana all na lang talaga sa mga taong mayaman.

He likes to bake and paint— mga hobby ng mayayaman.

"No."

He chuckled. "Bakit may pag-irap ka pa, Alyssa?"

"Nakakaasar ka kasi. I'll pursue my hobby for a while." I rolled my eyes.

Mas lumakas ang tawa niya. "It's a long story, Cousin. Baka hindi ka rin maniwala."

"Whatever. Saan ka ba magtatayo ng bakery mo?"

"Here's the address."

Ipinakita niya sa phone niya. Nanlaki ang mga mata ko. "Malapit sa friend ko."

"Oh? You should recommend my bakery."

"Ayoko nga."

Ibinaba na niya ako sa harap ng opisina ko. "Susunduin ba kita mamaya? Wala ka kasing boyfriend."

"Tigilan moa ko, Hadeon. Wala ka rin girlfriend."

He chuckled again. "Maybe soon?"

Hindi ko na siya pinansin at nagtuloy na ako sa building ng office ko. Dahil may kausap pa si kuya guard sa kanyang phone ako na mismo ang siyang ang magtutulak ng glass door, pero bago ko iyon nagawa ay may nakita akong batang nakadilaw na patakbo-takbo sa lobby.

Bakit may bata?

Sa unang tapak ko pa lang sa lobby kasabay nang pagtulak ko sa glass door, tumigil sa pagtakbo ang bata at nakangiti siyang kumaway sa akin.

"Welcome aboard!" She said.

"What?"

Tila umikot ang paningin ko at ang inaakala kong lobby na siyang tatapakan ko ay biglang mataas na bangin.

"Alyssa!"

Marahas na mga braso ang yumakap sa baywang ko at agad akong hinila mula sa bangin na muntik nang kumitil sa buhay ko. Humihingal ako habang nakasalampak ako sa lupa, ramdam ko ang pangangatal nang buong katawan ko at ang biglang luha na umaagos mula sa mga mata ko.

"A-are you okay?"

Hindi ako makapagsalita nang may lalaking hawak na ang magkabilang pisngi ko. He started kissing my tears, cheeks and when he was about to reach my lips, I pushed him.

"S-sino ka?!"

Nagmamadali akong tumayo at gumawa ng distansya sa kanya. Nanlaki lalo ang mga mata ko nang mapansin ko na wala na ako sa lobby at kasalukuyan akong nakatindig sa lugar na natatandaan kong wala sa building ng trabaho ko. Maging ang kasuotan ko ay malayo sa corporate attire ko.

He blinked. "Ano ang nangyayari sa 'yo, Alyssa? Are you playing again?"

Mas umatras ako. "Lumayo ka sa akin! Nasaan ako?"

Napailing siya sa katanungan ko at ngumisi siya sa akin. "Alright. I am Zayn, your fiancé."

"W-what?"

Napalingon ako sa bangin na muntik nang kumitil sa akin. "If you're my fiancé . . . bakit tatalon ako sa bangin?"

"Because they're accusing me of cheating, but I did not, my love, ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na kambal ko iyong nakita mo? I will never kiss another girl. Tatalon ka naman agad sa bangin."

Napaatras ako sa nang ilang beses. I couldn't trust this man. He might be handsome, but the emotion of this woman couldn't betray me.

Higit pa sana siyang lalapit sa akin nang may panibagong lalaki ang biglang nagpakita na siyang lulan ng kabayo. And he was right, he has a twin brother, at kamukhang-kamukha niya.

"Alyssa, sinaktan ka ba niya?"

"Zayden, my dearest brother!"

Nanlaki ang mga mata ko nang humugot ng baril si Zayn at itinutok niya iyon sa akin. "If I can't have her, no one will have her."

"NO!"

Malakas na sigaw ni Zayden.

***

"Ma'am? Ma'am? Ayos ka lang?"

Hawak na ng security guard ang braso ko, huminga ako nang malalim, napahawak ako sa aking noo at hinanap ng aking mga mata ang batang nakita ko kanina.

"What's going on?"

Nag-aalangan akong ngumiti sa guard. "Salamat po, Kuya."

Naglakad na lang ako patungo sa elevator, eksaktong naroon na si Amira at nakangiti na siya sa akin. "Alyssa!"

Ikinawit niya ang braso niya sa akin. "I have chismis! May bago tayong boss!"

Hindi ko inintindi ang mga sinasabi niya hanggang sa makarating kami sa floor ng opisina. Kasalukuyan nang nakatayo ang lahat at ipinakikilala na nga ang bagong boss namin. At napako na ako sa kinatatayuan ko nang makita ang mukha ng lalaking kanina ko lang nakita.

Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang mga labi nang nagtama ang aming mga mata.

Is he Zayn or Zayden?

Ocean of FeathersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon