Chapter 2: Meeting Mr. Mysterious Possessive

8.4K 176 3
                                    

Elle's POV

**Club**

Nakarating na kami ng club at pagpasok pa lang namin ay rinig na rinig ko na ang ingay ng tugtog. Ito ang unang beses na makapunta ako sa isang club kaya sobrang unfamiliar ako. Nakahanap na kami ng mauupuan kaya naman nagorder na sila Clovee ng drinks.

Habang nagiintay ng aming drinks ay may tumawag kay Clovee.

"Hey Clovee, how are you?" tanong ng isang lalaki. Napunta ang atensyon naming tatlo sa kanya. Gwapo sya at may blonde na buhok.

"Oh hi Rox, I'm fine how about you?"ngiting sambit ni Clovee sa kausap.

"I'm fine, what are you doing here?" Tanong ng isa pang lalaki.

Gwapo din siya at pula ang buhok pero mas matangkad yung blonde ang buhok.

"Ahh, were celebrating a birthday." sagot naman ni Clover.

"It's not your birthday today, right?" Tanong ulit ng blonde ang buhok.

"It's not me. It's my friend's birthday, Elle." sambit niya sabay tingin sa akin. Nakita ko namang nagtinginan sila sakin.

"Oww. Hi Ms. Uhh... chubby, happy birthday." pagbati sakin nung pula ang buhok.

"Thanks. "maikling sagot ko. Hindi ko alam kung paano magrereact sa kanila.

"Can we share a table?" Tanong naman ng brown ang buhok na lalaki.

"Sure, the more the merrier." mabilis na sagot naman ni Clover. Napansin ko na medyo nawala ang pagkaarte sa boses niya pero hindi ko na lang iyon pinansin.

"Ahh oo nga pala this is Elle. Elle this is Cloud Moonvwest." sambit ni Clovee. Siya yung pula ang buhok.

"This is Rox Blueford (the blonde haired), then this is Starrvy Rovillson (blue haired), then this is Zaveri Scorsone (dark brown hair, and this is Haven Forster (black haired)." mahabang pakilala ni Clovee. Isa-isa ko silang tiningnan at saka tumango.

"Hi." bati sakin ni Cloud, Rox at Starrvy.

"Hi." sagot ko naman. Mukhang masungit yung dalawa.

Pagkatapos ng mahabang pagpapakilala ay dumating na ang foods at drinks namin kaya nagsimula na silang uminom. Binigyan naman ako ni Clovee ng drinks pero di ko rin ito ininom kumain lang ako ng chips. Ayaw kong uminom dahil may trabaho pa ako bukas.

Tumitingin tingin ako sa paligid. Maya-maya pa'y napagpasyahan nilang sumayaw.

"Hey, Elle let's dance." aya sakin ni Clovee.

"Ayoko kayo na lang." pagtanggi ko sa kanya.

"Sigurado ka? Mag enjoy ka dyan ha?" Sambit ni Clover sa akin at sinulyapan sila Haven. Okay boses lalaking-lalaki na naman siya.

"Oo sige." sagot ko.

Umalis na sila at pumunta sa dance floor. Naiwan ako, si Haven at Zaveri. Maya-maya ay tumayo na rin si Zaveri at sa tingin ko'y lalabas siya. Tinry kong uminom ng inorder nila Clover at Clovee dahil wala akong magawa.

"Hey, Ms. Nerd." Rinig kong tawag sakin. Napalingon ako kay Haven at ramdam na ramdam ko ang titig niya sakin.

"Bakit?" Tanong ko.

"Why are you so ugly?" Naka-smirk na tanong niya. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

Anong problema niya?

"Anong problema mo?" Inis na tanong ko.

"Nothing, I'm just asking you." naka-smirk paring sagot niya.

"Kung bored ka 'wag mo akong pagtripan." inis na sagot ko sa kanya.

Itinuon ko na lang ang pansin ko sa mga pagkain at inumin sa lamesa. Ayaw kong makipagtalo sa kanya lalo pa at espesyal ang araw na ito sa akin.

"Hey, nerd." tawag sakin ni Haven.

"Ano?" Tanong ko sabay lingon sakanya.

"You're really ugly." maikling sambit niya.

"Ano bang problema mo sakin? tsaka pwede ba Elle ang pangalan ko at hindi nerd." Inis kong sambit sa kanya. Ngayon lang kami nagkakilala pero bakit ganito siya makaasta?

"But I want to call you nerd." sabi niya at binigyan ako ng isang nakakalokong ngiti.

"Tumigil ka na nga." sambit ko. Tumayo ako at aalis na sana ng tawagin niya akong muli.

"Nerd." sambit niya. Bumuntong hininga ako at hindi lumingon sa kanya.

"Ano na naman?" Tanong ko nang hindi parin lumilingon sa kanya.

"Stay here." may tono ng pagkaseryoso sa boses niya.

Nilingon ko siya pero hindi ko makita ang mukha niya dahil sa nasa madilim siyang parte. Bakit parang may iba sa boses niya?

"Fine" pagsuko ko at umupong muli.

Sinubukan kong uminom ng alak kahit alam kong hindi ko kaya. Inubos ko ang isa at doon ako nakaramdam ng matinding hilo. Tatayo na sana ako ng makaramdam ng tawag ng kalikasan pero sobrang nahihilo ako kaya naramdaman kong matutumba ako at doon ko napagtanto na may sumalo sakin.

Nakita ko ang isang bulto ng lalaki ngunit malabo dahil sa madilim dagdagan pa na nahihilo ako. Saka ko lang naramdaman ang antok.

Ms. Chubby Nerd meet Mr. Mysterious Possessive (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now