Chapter 36: Threat?

3.8K 69 0
                                    

Elle's POV

Nagising ako sa isang malamig at kulay asul na kwarto. Tumayo ako at pinakiramdaman ang sarili. Ang sakit ng mga braso at binti ko. Iba narin ang damit ko.

Asan ako? Anong nangyari sakin? Bakit puro sugat ako? Ang naaalala ko lang ay nasa park ako.

Lumapit ako sa pinto at pinihit ang doorknob. Tumambad sa'kin ang napakalaking bahay. Bumaba ako ng hagdan at nakita ko sa sala sila Haven. Napalingon sila sakin.

"Bakit ako nandito?" agad na tanong ko

"A-ano kasi" sambit ni Starrvy

"Bakit puro sugat ako at iba na ang damit ko?" naguguluhang tanong ko

"You don't remember anything?" tanong ni Zaveri

"Bakit ano ba nangyari?" takang tanong ko. Naguguluhan na ako.

"You crossed in the street and got into an accident" seryosong sambit ni Haven

Kita ko naman na parang nagtaka sila Starrvy, Rox at Cloud samantalang seryoso lang si Zaveri. Hmmm...

"Ganun ba?" gulat na sambit ko.

"Aalis na ako, pasensya na sa abala" sambit ko

"Stay here and rest."seryosong sambit ni Haven

"Hindi na." pagtanggi ko

"We insist." sambit naman ni Cloud at saka ngmiti sakin. Hindi na ako umangal pa dahil narin siguro sa ramdam ko parin ang pagod sa'king katawan at hinatid na rin ako ni Cloud sa taas.

"Salamat" sambit ko at humiga na.

"My pleasure. Tell us if you need anything." nakangiting sambit ni Starrvy

"Kanino nga palang bahay ito?" tanong ko

"Kay Haven." sagot nito. Tumango ako at pumasok na sa loob ng kwarto. Dahil sa pagod na nararamdaman ay nakatulog agad ako.

Haven's POV

"Why didn' t you tell her?" Zaveri asked

"Don't state the obvious Zaveri" I said

"Pero bakit sa tingin mo hindi niya maalala ang nangyari?" Starrvy asked

"I don't know but the doctor said that there was nothing wrong with her except her wounds." I said. I'm curious too on why she lost that certain memory.

"I'll talk to our doctor about her problem" I said again and they all nodded. They all decided to stay here because it's already late.

Elle's POV

"Ilang araw din kitang 'di nakita." sambit ko kay Trexx. Andito kami ngayon sa isang coffee shop. Tinawagan niya ako at sinabi na magkita at dahil wala naman akong gawa ay pumayag na ako.

Ilang araw na rin ang lumipas simula noong araw na naaksidente ako. Pero parang may mali. Hindi ko alam kung ano pero parang may kulang sa mga ala-ala ko. Sa bawat araw na lumipas na iyon ay lagi kong kasama si Haven. Hindi parin niya binabawi yung sinabi niya at 'di parin ako makapaniwala na totoo iyon.

Pansamantala na doon muna ako tumitira sa bahay nila Haven. Wala na kasi akong magawa nung pinadala na ni Haven yung mga gamit ko sa bahay nila. Pero naghahanap na ako ng malilipatan. Ang awkward kasi na sa iisang bahay kami nakatira.

"Aze" pagtawag ni Trexx sa atensyon ko

"Ano yun?" tanong ko

"Sabi ko kamusta ka? "sambit ni Trexx

"Ok naman" ngiting sambit ko

"Napapansin ko na kanina pa malalim ang iniisip mo. May problema ba?" nagaalalang tanong niya. Hindi ko pa kasi sinasabi sa kanya yung tungkol kay Haven.

"Wala " sambit ko

"Bakit nga pala hindi kita masyadong nakikita nitong mga nakaraang araw?" pagtatanong ko

" Busy kasi sa company. Bakit namiss mo ako no?" pang-aasar ni Trexx

"Baliw hindi no" sambit ko

"I'm just kidding, why are you blushing?" tawa sya ng tawa

"Hindi ako nagb-blush" sambit ko at inirapan siya na tinawanan lang nito

"Siya nga pala kaya gusto kong makipagkita sa iyo dahil may sasabihin ako" nakita kong seryoso ang mukha nito

"Ano iyon?" tanong ko. Huminga muna siya ng malalim.

"I want to say this a long time ago but I don't have the chance. I want to say that I li-

Kringg kringg

"Sorry Trexx sagutin ko lang ito baka importante eh" paalam ko

"Sige" ngumiti ito. Tumayo ako at medyo lumayo kay Trexx. Hindi nakarehistro ang numero pero pinindot ko ang answer button.

"Hello?"

"Hello." Walang nagsasalita sa kabilang linya

"Hello."Dahil wala namang sumasagot sa kabilang linya ay pinatay ko na ang tawag. Ang creepy nun ah. Bumalik na ako ng table at nakita kong nag-iintay si Trexx

"Pasensya na." sambit ko

"Ok lang sino ng pala yung tumawag?" tanong ni Trexx

"Wrong number ata walang sumasagot sa kabilang linya eh" naguguluhang sambit ko

"Ganun ba?" sambit niya at nagkibit balikat.

"Oo eh, ano nga pala yung sasabihin mo?" tanong ko

"Ah wala yun nalimutan ko na." sambit niya at hinawakan ag batok.

"Ayy ganun." sambit ko. Nagkwentuhan lang kami ni Trexx at nang medyo magdilim na ay nagpaalam na kami sa isa't-isa. Balak pa sana niya akong ihatid ngunit tumanggi ako.

Nang nasa gate na ako ng bahay ni Haven ay biglang tumunog ang phone ko. Sinilip ko at nakita kong may message galing sa unregistered number. Binuksan ko ito at agad na binalot ng takot sa nabasa.

Clock is ticking

Time is passing

And when it hits the end

I will kill you with so much hatred

Kill? Ako?

Ms. Chubby Nerd meet Mr. Mysterious Possessive (UNDER REVISION)Место, где живут истории. Откройте их для себя