Chapter 28: Doubt

4K 76 0
                                    

Elle's POV

Napaupo ako sa sahig.

"Are you okay?" tanong ni Haven at saka lumuhod sa harap ko.

"Oo, nasugat lang yung tuhod ko." sambit ko. Tiningnan niya yung tuhod ko. Napatitig naman ako habang tinitingnan niya kung may iba pa akong sugat. Nahahagip ng hangin ang buhok niya na naging dahilan ng pagkagulo nito ng kaunti. Pero mas dumagdag ang kagwapuhan niya ng medyo nagulo ang buhok niya.

"Let's go to the clinic first. Why are you so clumsy?" sambit niya at umiling-iling. Natauhan ako ng magsalita siya at napangiti. Clumsy? Paano niya napansin?

"Sorry." sambit ko. Inalalayan niya akong makatayo.

"Can you walk?" tanong niya. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata. At eto na naman ang sobrang bilis na tibok ng puso ko.

"O-oo" sambit ko. Dumeretso na kami sa clinic. Dahan dahan akong umupo habang nakaalalay pa rin siya. Nakatingin lang sa amin ang nurse ng school habang nakangiti.

"Bagay kayo. Kayo ba?" Sambit ng nurse. Para naman akong namula sa sinabi niya. Hindi ako sumagot sa tanong niya pero nagsalita si Haven.

"Soon, she's still not saying yes." Nakangiting sambit ni Haven. Napatulal naman ako sa isinagot niya. Tumawa ang nurse at umiling-iling.

"Girls need to be chase often times. Doon lang malalaman kung kaya ba talagang mag-intay ng nanliligaw." Sambit ng nurse at nagkibit-balikat.

"I can wait." Simpleng sambit ni Haven. Tumango ang nurse at nagthumbs-up sa kanya. Kung makapag-usap itong dalawa kala mo wala ako sa harap nila. 

Pinalinis ko na yung sugat dahil baka ma-infect.

"Okay na" sambit ko kay Haven paglabas ko ng clinic.

"Let's go?" tanong ni Haven. Tumango ako sa kanya. Hindi na naman masakit ang tuhod ko kaya hindi na niya ako inalalayan.

"You look pissed." Pagpuna niya.

"Hindi naman." Sambit ko. Hindinsiya nagsalita. Pero sadyang may sariling utak ang labi ko at nagsalitang muli.

"Close kayo nung nurse?" Tanong ko. Kahit ako ay ramdam ko ang pait sa boses ko. Napatigil siya sa paglalakad dahilan para mapatigil din ako. Tinitigan niya ako at unti-unting nabuo ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi.

"Are you jealous?" Tanong niya at dahan-dahang lumapit sa akin. Umurong ako.

"Hindi no." Pagtanggi ko. Mas lumawak ang nakakalokong ngiti sa kanyang mukha.

"Really?" sambit niya. Humakbang akong muli paurong pero nawalan ako ng balanse. Mabilis na naabot ni Haven ang bewang ko dahilan para magkalapit ang katawan namin sa isa't-isa.

Napatitig kami sa isa't-isa pero nagulat ako ng bigla niya ako halikan. Nanlaki ang mata ko kaya naitulak ko siya. Nanlalaking matang tiningnan ko siya habang nakangiti lang ito.

"Haven" gulat na sambit ko.

"You have a soft lips." Sambit niya. Natauhan ako at agad siyang hinabol. Tumakbo ito habang tumatawa.

"Bwiset." Bulong ko sa sarili. Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa nangyari. Nang nasa labas na kami ng campus ay tumigil siya sa pagtakbo at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Let's stop running. I don't want you to have another injury." Malumanay na sambit niya.

*Fast Forward*

Natapos kaming kumain ni Haven sa kinainan namin noon. Andito na ulit kami sa music room para magpractice.

"Haven." pagtawag ko sa atensyon niya.

"What?" tanong niya at lumingon sakin. Naalala ko naman yung ginawa niya kanina. Oh god! Focus, Elle.

"Yung last song." sambit ko. Papayag kaya siya?

"What about it?" tanong niya at kumunot ang noo.

"A-ahh ehh wala pa akong naiisip eh" sambit ko

Anong nangyayari sayo Elle? Bakit di mo sinabi?

"It's fine. Take your time." sambit ni Haven. Bumuntong hininga ako.

"Sorry." sambit ko

"Stop saying sorry. Or do you want me to kiss you again to stop you from saying sorry?" Dahan-dahang sambit niya. Agad akong napatakip sa bibig ng sabihin niya iyon.

Hindi pa nga ako nakaka-recover sa paghalik niya kanina eh.

"Just kidding." sambit niya at tumawa. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Mukhang nagiging habit na niya ang asarin ako.

"Let's focus on our practice." sambit niya at ngumiti sa akin. Nginitian ko naman siya pabalik bago magsalita.

"Okay." sambit ko. Ipinagpatuloy na namin ang practice. Nang matapos ay pumunta muna kami sa room bago umuwi.

Maraming tao ang pauli-uli at may mga dalang materials para sa booth nila. Nang makarating sa room ay agad akong nagpaalam kay Haven. Tumango siya at umalis na. Pupuntahan niya siguro yung mga kaibigan niya.

"Clovee." tawag ko. Lumingon siya sakin at ngumiti. Ibinaba niya ang hawak na dala.

"Oh Elle." sambit niya

"Pasensya na hindi ko kayo name-meet ni Clover. Busy kasi sa practice." sambit ko.

"Okay lang. Don't worry. Busy rin naman kami." sambit ni Clovee habang may hawak na ribbons.

"Kamusta si Clover?" tanong ko

"Siya na lang tanungin mo." Sambit niya at tinuro si Clover na kapapasok lang ng room at may dala-dalang materials. Lumapit ako sa kanya.

"Clover." tawag ko

"Elle. How are you?" tanong niya

"Okay naman ako. Busy-ng busy ah." sambit ko at ngumiti sa kanya

"Yeah." sambit niya at ngumiti rin sakin.

"Tulungan na kita? Tapos na naman practice namin eh" sambit ko

"Okay lang. I can do it." Sambit niya

"Okay" sambit ko at nagpaalam na siya. Sunod ko naming pinuntahan ay si Jyxyll.

"Kamusta?" sambit ko. Lumingon siya sa akin at ngumiti

"Hey Elle. Kamusta? Tagal nating 'di nagkita" sambit niya

"Oo nga eh?" sambit ko

"Sorry 'di kita na-meet nitong mga nakaraang araw. Busy kasi para sa foundation day" sambit ko

"Okay lang. Tsaka isa pa kapapasok ko lang naman kasi may inasikaso ako." sambit niya

Nagkwentuhan pa kami saglit bago ako nagpaalam sa kanya at lumapit kay Haven. Hindi agad ako lumapit dahil may pinaguusapan sila. Ayaw ko naman na makinig dahil mukhang private.

Napansin ata nila ako kaya lumingon sakin si Cloud. Ngumiti siya sakin at itinuro ako kay Haven. Lumingon si Haven sakin. Ngumiti ako sa kanya. Tumayo siya at lumapit sakin.

"Uwi na ako" paalam ko sa kanya

"I'll give you a ride." mabilis na sambit niya pero agad akong umiling.

"'Wag na. May pupuntahan pa ako." sambit ko. Magsasalita pa sana siya pero inunahan ko na siya.

"Okay lang ako." sambit ko. Tumango na lamang siya.

Umalis na ako at dumeretso na sa aking part time job. Humingi na rin ako ng sorry dahil ilang araw akong hindi nakapunta. Okay lang naman 'daw sabi ng manager ko dahil may pumapalit naman 'daw sa akin nung wala ako.

Pagkatapos ng part time job ko ay umuwi na ako at itinuloy muli ang pagsusulat ng lyrics.

Pano ko kaya sasabihin kay Haven to? Baka kasi di niya magustuhan.

Ms. Chubby Nerd meet Mr. Mysterious Possessive (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now