Chapter 29: Foundation Day

4K 80 0
                                    

Elle's POV

Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon ay Foundation day na. Kinakabahan ako para sa performance mamaya. Maaga pa kaya naman ay kakaunti pa lamang ang tao dito sa university. Wala pa rin si Haven at ang mga kaibigan niya.

Naglakad muna ako papunta ng music room dahil gusto kong praktisin yung mga kanta. Nasabi ko na nga pala kay Haven yung tungkol doon sa pagco-compose ko ng kanta. Pumayag naman siya at saka tinulungan niya na rin ako dun sa lyrics at paglalapat ng tunog. Nang matapos namin ay sinubukan naming praktisin ni Haven.

Ang saya lang kasi mayroon na kaming dalawang isang souvenir. Yun ay yung kantang ginawa namin parehas.

Naramdaman ko naman ang pag-vibrate ng cellphone ko. Nagtext si Clovee. Nasa school na 'daw siya. Nireplayan ko naman siya ng 'oo' at papunta na ako ng room.

Lumabas na ako ng music room at naglakad na papunta ng room. Naabutan ko si Clovee sa labas ng room at parang 'di mapakali. Lumapit ako at tinawag siya.

"Clovee" sambit ko.

Lumingon siya sakin at biglang nagbago ang ekspresyon niya. Kung kanina ay 'di siya mapakali ngayon ay kalmado na siya.

Anong problema?

"Elle, kailangan kong umalis ngayon eh. Pwede bang ikaw muna pumalit para sakin?" sambit ni Clovee.

"Ok lang. Saan ka ba pupunta?" sambit ko. Parang may 'di siya sinasabi sakin.

"Yung sa company kasi nagka-problema kailangan kong puntahan muna." sambit niya pero nanatili akong nakatngin sa kanya. Bakit pakiramdam ko 'di yun yung dahilan.

"Sige" sambit ko.

Agad siyang umalis. Hindi ko na natanong kung nasan si Clover. Baka nauna na sa company nila. May mali sa kinikilos ni Clovee. Pero 'di ko alam kung ano.

Lumipas ang oras ng 'di ko napapansin. 'Di parin dumadating si Haven. Naramdaman kong muli na nag-vibrate ang phone ko.

Trexx calling...

Sinagot ko ang tawag.

"Hello, Aze." sambit niya sa kabilang linya.

"Oh? Trexx bakit?" tanong ko.

"Andito ako sa labas ng university. Saan ba booth niyo?" sambit ni Trexx.

"Wait. Sunduin kita diyan" sambit ko.

"Sige. I'll wait you here" sambit niya.

Ibinaba ko na ang tawag at naglakad na papunta sa labas ng university. Nakita ko siyang nakatayo sa gilid. Naka-jeans siya at blue t-shirt.

"Trexx" tawag ko.

"Aze." sumilay ang isang ngiti sa kanya ng makita ako.

"Anong ginagawa mo dito?"takang tanong ko.

"Hey, I'm the representative remember?" sambit niya.

"Ay oo nga pala" sambit ko.

"Ang cute mo" pangungulit na sambit niya.

"Baliw." sambit ko at ngumiti sa kanya.

"Kain tayo sa labas." pag-aaya niya. Pumayag naman ako dahil maaga pa naman.

Habang nasa byahe ay nagkwe-kwentuhan kami ni Trexx. Nasabi ko na rin sa kanya na kakanta ako mamaya. Noong una ay nagulat siya pero natuwa rin dahil kakanta na ako ulit.

"I'm happy na kakanta ka na ulit." excited na sambit ni Trexx.

"Kinakabahan nga ako eh." sambit ko.

"Don't be. Kaya mo yan magaling ka kumanta." Sambit niya at napangiti ako.

"Salamat." sambit ko. Nang makarating ay kumain na kami at kwentuhan lang. Pagkatapos ay bumalik na kami sa university.

Sinabi ni Trexx na manonood siya mamaya. Sumang-ayon agad ako dahil mas mababawasan yung kaba ko dahil nandyan siya. Nandito na kami sa labas ng room.

"Pupunta muna ako saglit sa dean's office." sambit ni Trexx.

"Sige. Kita na lang tayo mamaya." sambit ko.

"Hey." pagtawag ng isang boses.

Napalingon kami parehas ni Trexx sa nagsalita. Nang makita ko kung sino ay agad akong ngumiti.

"Haven." sambit ko ngunit seryoso lang siya na nakatingin kay Trexx.

"Oo nga pala. Trexx si Haven. Haven si Trexx" pagpapakilala ko sa kanilang dalawa. Inilahad ni Trexx ang kamay niya ngunit tiningnan lamang ito ni Haven. Ngumiti lang si Trexx at saka ibinaba ang kamay. Lumingon siya sakin.

"I'll better get going. See you later Aze." sambit niya.

"Sige." sambit ko. Naglakad na palayo si Trexx. Seryoso parin si Haven.

Mukha siyang badtrip.

Ms. Chubby Nerd meet Mr. Mysterious Possessive (UNDER REVISION)Onde histórias criam vida. Descubra agora