Chapter 38: Eavesdrop

3.6K 67 0
                                    

Elle's POV

Isang buwan na ang nakakalipas ng lumipat ako ng bahay. Lagi akong hatid sundo ni Haven sa school. Lagi na nga kaming pinagti-tripan ng mga kaibigan niya. Naging close narin ako sa kanila maliban kay Zaveri na iwas sa'kin simula naman nung una pa.

Si Trexx naman ay tumatawag sa akin every week para mangamusta. Umuwi kasi siya Japan upang ayusin yung business nila doon. Si Clover at Clovee? Ayun lagi paring nagtatalo.

Andito ako ngayon sa apartment ko dahil walang pasok. Nagliligpit ako ng may kumatok sa pintuan. Binuksan ko ang pintuan at si Haven.

"Oh? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko

"Can I come in?" mahinang tanong nito. Pinapasok ko siya at isinara ang pinto.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong kong muli. Hindi siya nagsalita at nakapikit lang mata niya habang nakasandal sa sofa. Parang pagod na pagod siya. Magulo ang buhok at gusot ang damit.

Anong nangyari?

"Anong nangyari sayo?" nagaalalang tanong ko. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

"I didn't get any sleep last night." mahinang sabi nito

"Oh? Bakit dito ka pumunta? Dapat nagpahinga ka na lang sa bahay mo." sambit ko

"I felt lonely there." mahinang sambit niya.

"Sa bahay niyo nila Cloud? Asan ba sila?" sunod-sunod na tanong ko. Umiling lang siya.Hinawakan ko ang braso niya upang iayos ang pwesto niya ngunit napabitaw ako dahil sa init ng braso nito. Agad kong hinawakan ang noo nito at napagtanto na nilalagnat nga siya.

"Hala ka. Bakit 'di mo sinabi na nilalagnat ka? Tapos nag-drive ka pa papunta dito?" nag-aalalang tanong ko.

"I'm fine." sambit nito at marahang hinawi ang kamay kong nasa noo niya.

"Fine, fine ka diyan. Eh parang baga ka na sa sobrang init mo." pangsesermon ko. Ba't ba ang tigas ng ulo ng lalaking ito? Ngumiti ito dahil sa sinabi ko

"Ano ngini-ngiti ngiti mo dyan?" inis na sambit ko

"I'm happy that your concern about me." mahinang sambit niya

"Ay bahala ka." Inalalayan ko siyang makahiga sa kama ko. Kumuha na rin ako ng kumot at inilagay sa kanya. Kumuha ako ng maligamgam na tubig at towel saka pinunasan siya at inilagay ang basang towel sa noo niya. Nagluto ako ng lugaw. Kumuha ako ng tubig at gamot saka dinala kay Haven.

Tinapik ko ng marahan si Haven upang magising.

"Kain ka muna." sambit ko at tinulungan siyang maka-upo. Pagkatapos ko siyang mapakain ay natulog na siyang muli. Binantayan ko lang siya buong maghapon. Nang maggabi ay hindi parin humuhupa ang lagnat niya kaya binantayan ko siya at pinupunasan.

"Aze." Nanghihinang sambit ni Haven. Tiningnan ko siya.

"About what happened nung naaksidente ka." Nanghihina paring sambit niya. Umubo siya bago nagsalita.

"I think it was a trauma kaya mo nalimutan. The doctor said that something may have triggered your memory kaya mo nalimutan." Sambit niya.

Trauma? Ano namang trauma yun?

"Okay na iyon, Haven. Hindi naman na mahalaga. Thank you at sinabi mo pa rin sa akin." Sambit ko at ngumiti. Ipinikit niya ang mata at maya-maya pa ay nakatulog na.

______________________________________________________________

Nagising ako sa boses na naririnig. Bumangon ako at dahan-dahang nilapitan ang boses.

"Stop it. She's just our project. Don't mix some personal feelings there Cloud." malamig na sambit ni Haven sa kausap sa telepono

"We can't do anything about it. Aze is just our project." muling sambit ni Haven. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Haven. Parang may kung anong kirot ang naramdaman ko. Sumisikip ang dibdib ko.

Pinatay niya ang tawag. Agad kong inayos ang sarili at bumalik sa loob ng kwarto dahil nasa labas siya kanina. Nagpanggap ako na natutulog pa. Narinig ko ang paglapit niya. Iminulat ko ang mata at tiningnan siya.

"Kamusta pakiramdam mo?" tanong ko

"I'm better now, thank you." hindi ko alam kung anong nasa isip niya ngayon. Pero hahayaan ko muna kung anong narinig ko dahil baka mali lang ang narinig ko.

"I'm going now." pagpapaalam niya

"Sige, ingat." sambit ko. Nang makaalis siya ay saka na tumulo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba may tinatago sila sa'kin na hindi ko maintindihan?

Bakit sobrang bigat ng pakiramdam ko?

Ms. Chubby Nerd meet Mr. Mysterious Possessive (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now