Chapter 13: Him

5.2K 100 0
                                    

Elle's POV

Hindi ko alam ang mararamdaman o gagawin ko. Nanatili ako na nakatayo lang ako at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. Ngumiti ang driver ng sasakyan sa akin.

"Aze." sambit niya

Biglang nag-unahang tumulo ang luhang kanina pa nagbabadya. Six years na ang nakakaraan ng huli ko siyang makita.

Flashback

Orphanage

"Aze, tara sa park may sasabihin ako sayo." sambit ng isang batang lalaki na may isang malaking ngiti sa labi.

Ngumiti ako sa kanya at tumango. Hinawakan niya ang kamay ko at hinigit palabas ng orphanage. Umupo ako sa swing at siya nama'y nasa likod ko upang itulak ang swing.

"Ano yung sasabihin mo?" tanong ko ng nakangiti sa kanya.

Tinigil niya ang pagtulak sa swing at umupo sa katabing swing.

"Oo nga pala." nilingon niya ako at ngumiti siya sa akin.

"Makakapag-aral na ako sa London. May mag-asawang nais akong pag-aralin upang makapagtrabaho sa kanilang company pag naka-graduate ako." Nakangiting sambit niya.

Napawi ang ngiti sa aking labi at napayuko.

"Excited na ako. Alam mo ba? Next Saturday na alis ko." sambit niya.

Sobrang nagulat ako sa sinabi niya. Natigilan ako sa kinauupuan ko. Simula ng mapunta ako sa orphanage ay kasama ko siya at ito ang unang beses na malalayo siya sa akin.

"Aze?" tawag niya sa pangalan ko

Itinaas ko ang aking mukhang basang-basa ng luha at ngumiti sa kanya. Nag-aalala siyang tumingin sakin. Saka lang siguro niya narealize kung anong mangyayari.

"Congrats."sambit ko at pinunasan ang luha sa aking mata at ngumiti sa kanya.

"S-sorry, Aze" sambit niya at niyakap ako.

"O-ok lang. Basta magtetext at tatawag ka lagi ha?" humihikbing sabi ko.

"Oo naman ako pa ba?" sambit niya. Umalis ako sa pagkakayakap sa kanya at ngumiti sa kanya.

"Tama na ang iyak. Enjoy natin ang time bago ako umalis." Sambit niya at hinigit ako sa tindahan ng ice cream.

Marami kaming ginawa at pinuntahan ng mga panahong hindi pa siya umaalis. Dumating ang araw ng pag-alis niya. Hinatid namin siya sa airport. Niyakap niya ako at muling tumulo ang luha sa aking mga mata.

"Mami-miss kita" nakangiting sambit niya.

Alam ko na pinipigilan lang niyang 'di umiyak. Kitang kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Ako rin." sambit ko. Nagpaalam na kami sa isa't-isa at umalis na siya.

Lumipas yung mga araw simula nung umalis siya. Hindi ako nakatanggap kahit isang text o balita tungkol sa kanya. Hindi ko alam gagawin ko. Sinubukan kong tanungin sila sister pero wala rin silang maisagot sakin.

Lumipas ang buwan at taon ni-isang balita ay wala akong natanggap. Sinubukan kong kalimutan siya pero 'di ko kaya.

End of Flashback

Hindi ko inakala na makikita ko pa siyang muli. Lumabas siya ng sasakyan at naglakad papalapit sakin. Hindi pa rin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko.

Nang makalapit ay agad niya akong niyakap.

"Aze." banggit niya.

Umiiyak pa rin ako hanggang ngayon. Galit ako sa kanya dahil sa hindi niya ako naalalang kontakin nung mga panahong nasa London na siya.

"I'm sorry." sambit niya.

Umalis ako sa pagkakayakap niya at nag-iwas sa kanya ng tingin. Kumuha siya ng panyo at binigay sakin pero 'di ko tinanggap. Pinunasan ko ang aking mukha gamit ang aking mga kamay.

Naglakad na ako palayo sa kanya. Hinabol niya ako at hinawakan ang aking braso.

"I'm sorry Aze, let me explain." sambit niya.

Hindi ko siya pinansin at tinanggal ang pagkakahawak niya sakin. Naglakad ako nang 'di siya nililingon. At sa ikalawang pagkakataon ay hinabol niya akong muli. Nasa harapan ko na siya ngayon. Nakatungo lang ako.

"I'm sorry Aze, I didn't mean to hurt you." sambit niyang muli

"Pagod ako, next time na lang. Uuwi na ako."mahinang sambit ko.

"Ihahatid na kita." sambit niya. Tatanggi na sana ako ng magsalita siya.

"Please." Sincere na sabi niya

'Di na ako umangal pa at sumakay na sa sasakyan niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Sumakay na rin siya at pinaandar na ang sasakyan. Nakarating na ako sa apartment na tinutuluyan ko.

Hindi ko alam kung pano niya nalaman na dito ako nakatira pero wala akong lakas na magtanong dahil naguguluhan pa ako sa nangyayari. Inalis ko na ang seatbelt at bumaba na. 'Di ko na siya nilingon at tuloy tuloy na pumasok sa apartment.

Pero bago ako makalayo ay narinig ko pa ang sinabi niya.

"I'm sorry again, Aze" malungkot at mahinang sambit nito

Nakapasok ako ng apartment na nanghihina. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nahiga ako sa kama at napatitig sa kisame. Muling tumulo ang luha sa mga mata ko. Sobrang bigat ng nararamdaman ko.

Ilang minuto rin akong nakatitig at 'di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Ms. Chubby Nerd meet Mr. Mysterious Possessive (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now