Chapter 31: Heartbeat

4.2K 80 0
                                    

Elle's POV

Natigilan ako sa sinabi niya. Para akong nabingi.

"A-ano?" nauutal na tanong ko. Tiningnan niya ako sa aking mga mata.

"I'm jealous." seryosong sambit nito. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa sinabi ni Haven.

"Kay Trexx?" naguguluhang tanong ko

"Yes." sambit nito. Hindi pa kami ganun magkakilala ni Haven kaya hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya.

"Paano?" naguguluhang tanong ko.

"I don't know I just felt it. I'm always happy to be with you" seryoso pa rin si Haven. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Sobrang biglaan at nakakagulat ang sinabi niya.

"Aze, I love you." Seryosong sambiy niya. Bumilis ang tinok ng puso ko. Sa kanya lang ako nakatingin. Magsasalita na sana ako ng pigilan niya ako.

"I don't want you to answer it now." sambit niya ng makita ang reaksyon sa aking mukha. Nakatulala pa rin ako. Lumakad siya paalis at naiwaan ako doon na nakatayo at naguguluhan.

Nang mag-ring ang phone ko ay saka ko lang naalala yung performance namin.

"Hello"

"Hello?" wala sa isip na sambit ko

"Aze?"

"Oh?" tanong ko

"Si Trexx to"

"Trexx. Ahh oo ano yun?" sambit ko na parang inuulit ko lang yung sinabi niya.

"Are you okay?" nagaalalang tanong nito

"Oo naman may iniisip lang" sambit ko

"Ganun ba?" may bahid ng lungkot na sambit nito. Bakit parang malungkot siya?

"Pupunta ka pa ba dito?"tanong ko.

"Baka hindi na. May gagawin pa kasi ako" sambit ni Trexx

"Sige" sambit ko at pinatay na niya ang tawag.

Bumalik na ako sa booth namin ng matapos makipag-usap kay Trexx. Naabutan ko ang marami parin na estudyante. Nakita ko naman na busy sila Clovee at Clover.

Lumingon ako sa gilid at nakita si Haven seryoso ito at tila malalim ang iniisip. Nagtama ang mata namin kaya naman agad akong umiwas ng tingin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya.

Natapos ang maghapon ng hindi na muli kami nagkausap ni Haven. Tuwing nagtatangka siyang lumapit ay lalayo ako at magpre-pretend na may ginagawa. Ubos na ang mga customer at nagtipon kami ngayon para sa isang meeting. Sinabi ng prof naming na naging success ang booth namin. Maraming kinita ito.

Nagpasalamat din kami sa isa't-isa dahil sa effort ng lahat. Umuwi na ang iba at naiwan na lamang ako, si Clover, Clovee at ang grupo ni Haven na naatasang maglinis. Hindi naman ganun katahimik dahil sa nagbabangayan yung kambal. Tahimik lang ako habang nililigpit ang mga hugasan. Si Clovee at Clover ay nagwawalis. Yung mga kaibigan naman ni Haven ay nagaayos ng mga bangko at lamesa.

Si Haven? Di ko alam.

Dumeretso ako ng Cafeteria dala-dala yung mga huhugasang baso at pinggan. Nagpaalam ako sa nandun at pumayag naman agad.

Inilagay ko ang aking dala sa sink at binuksan ang gripo. Binanlawan ko muna ang mga pinggan, sunod ang baso. Kaya lang dahil basa ung kamay ko ay nadulas sa kamay ko yung baso at nabasag ito sa sahig. Nagpanic ako kaya agad akong lumuhod at dinampot yung bubog ngunit nasugatan ako.

"Ouch." sambit ko

"Careful." sambit ng isang boses. Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan yung kamay kong may sugat.

"Haven" sambit ko at tiningnan siya. Pinatayo niya ako at inilapit ang kamay sa gripo upang hugasan.

"Aray" sambit ko ng mahawakan niya ang daliri ko na may hiwa

"Sorry." sambit niya. Nang matanggal ang dugo ay may kinuha siya sa kanyang bulsa.

Panyo.

Pinunasan niya ang kamay ko. Nakatingin lang ako sa kanya. Sobrang bilis na naman ng tibok ng puso ko. Amoy na amoy ko ang pabango niya.

"Thank you" Nang matapos niyang punasan ang aking kamay.

Umalis siya sa harap ko at lumuhod sa sahig at dahan-dahang pinulot at mga bubog. Walang nagsasalita sa amin. Sobrang tahimik.

Inilagay niya ang mga bubog sa trash can at humarap sakin.

"Sit down." seryosong sambit niya. Agad kong sinunod ang sinabi niya habang nasa kanya pa rin ang tingin ko.

Lumapit siya sa sink at sinimulang hugasan ang mga pinggan.

"Sorry" seryosong sambit ko

Ms. Chubby Nerd meet Mr. Mysterious Possessive (UNDER REVISION)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora