Chapter 32: Sincere

4.1K 88 2
                                    

Elle's POV

Naramdaman kong natigilan siya sandali pero agad ding tinuloy ang ginagawa. Alam niyang hindi ang pagkasugat ko ang tinutukoy ko kung hindi ang pagco-confess niya kanina.

"Don't be." sambit niya. Hindi ako nagsalita. Akala ko'y hindi na siya muling magsasalita pero nagkamali ako.

"Because I'm not sorry for loving you." sincere na sambit niya

Kahit nakatalikod ako ay ramdam ko ang sinseridad sa boses niya. Ito ang unang beses na may nag-confess sakin kaya ganun na lamang ang reaksyon ko.

Humarap siya sakin at kita ko sa mga mata nito ang iba't-ibang emosyon. Muli na naman akong natigilan. Napayuko ako. Naramdaman kong lumapit siya sakin. Itinaas niya ang ulo ko dahilan upang magtama ang mga mata namin.

Para akong nalulunod sa kanyang mga mata. Napatayo ako. Mali ito.

Anong nangyayari sakin?

"You should go." Sambit niya at hindi pinansin ang inakto ko. Tinalikuran niya ako at bumalik sa paghuhugas.

Bakit parang may pait sa sinabi niya?

"S-sige"nauutal na sambit ko.

Umalis na ako sa cafeteria at naglakad na papunta ng room. Nandun na lamang ay sina Zaveri, Mukhang hindi na ako naintay nila Clover. Kinuha ko ang phone sa bag at nakita na may text nung kambal.

Nagsorry sila dahil nauna na silang umuwi ni-replayan ko naman na ok lang. Napatingin ako sa paligid at nakita kong nakatingin sakin sila Zaveri.

"B-bakit?" kabadong tanong ko

"Nasan si Haven?" nakangiting tanong ni Starvvy

"N-nasa cafeteria." sambit ko

"Pwede na ba akong umuwi?" tanong ko

"Sabay ka na samin tapos na na naman kami inaantay na lang namin si Haven." sambit naman ni Cloud.

"Ok lang wag na." pagtannggi ko pero umiling si Starrvy.

"We insist." malumanay na sambit niya. Wala na akong nagawa kung hindi ang tumango na lang. Umupo muna ako. Nakatingin lang ako sa paligid.

Humikab ako. Matagal pa ba?

Ipinatong ko muna ang ulo sa desk.

Ha-

Zaveri's POV

Tss why me?

Nakita kong nakapatong na ang ulo ni Elle sa desk. Mukhang napansin din nila ito kaya tiningnan ito ni Starvvy.

He mouthed "She's asleep."

Napailing ako. Hindi man lang ba siya natatakot na puro lalaki kasama niya dito?

What a girl.

Nakita namin ang pagpasok ni Haven. He look so serious.

"What's wrong?" I asked ng makalapit siya.

"Nothing" sagot niya. I know that it's about her.

Lumingon siya at natigil ang tingin sa natutulog na si Elle.

"Why is she still here? I thought she went home?" nakakunot na tanong niya

"Sasabay na siya satin" makabuluhang sambit ni Starvvy.

"She fall asleep" I said

"Gigisingin ko lang." sambit ni Cloud at lalapit na sana ng magsalita si Haven

"Don't" seryosong sambit ni Haven

Sigh.

Haven's POV

Ms. Chubby Nerd meet Mr. Mysterious Possessive (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now