Chapter 20: Curious

4.6K 88 0
                                    

Elle's POV

Umiling-iling ako.

"Okay ka lang?" nagaalalang tanong ni Trexx

"Oo okay lang. Masakit lang ng konti ang ulo ko." sambit ko

"Sure ka?" tanong niyang muli

"Oo" sagot ko at nginitian siya.

"Siya nga pala, kailangan ko ng umalis dahil may aasikasuhin pa ako. Do you want me to give you a ride papunta ng university?" tanong niya.

"Huwag na, kaya ko naman. Tsaka uuwi pa ako at may kukunin pa ako." pagtanggi ko sa alok niya.

"Are you sure?" tanong niyang muli

"Oo, sige na umalis ka na." pagtataboy ko sa kanya ng nakangiti.

"Can I have your number?" tanong niya

Tumango ako at ibinigay sa kanya ang number ko. Nang matapos makuha ang number ng isa't-isa ay umalis na siya. Naiwan ako sa park. Tumambay lang ako ng konti at saka umuwi muna sa apartment ko. Napagpasyahan kong mamaya na lang hapon pumasok. Nang matapos akong kumain ng tanghalian ay pumunta na ako sa school.

Nang makarating ako ng university ay tinext ko si Clovee na andito ako sa cafeteria. Naglakad na ako papasok ng cafeteria. Maya-maya'y naramdaman kong nagvibrate yung phone ko. Nakita kong may message si Clovee.

Inilagay ko na ang cellphone sa bag ko att umupo na sa may gilid. Hindi na ako bumili ng pagkain dahil kakakain ko lang naman. Kinuha ko ang librong hiniram ko kahapon at ni-focus ang sarili sa pagbabasa. Nasagutan ko na naman kahapon yung assignments kaya chill na lang ako ngayon.

Narinig kong tunog ng bell pasabing lunch break na. Itiniklop ko na ang libro at inilagay sa bag. Maya-maya pa'y nakita kong papasok na ng cafeteria si Clovee at Clover. Agad naman nila akong nakita. Ngumiti si Clovee sakin.

Nag-ring ang phone ko.

Jyxyll calling...

Sinagot ko ang tawag

"Hello? Elle?" bungad ni Jyxyll.

"Oh. Jyxyll, bakit?" tanong ko

"Asan ka ngayon?" tanong niya sa kabilang linya

"Nasa cafeteria, gusto mo pumunta?" tanong ko pa.

"Hindi na. May pupuntahan ako ngayong hapon. Sorry at 'di na tayo nakakapagkita busy kasi ehh." paliwanag niya.

"Ok lang busy rin naman ako nitong mga nakaraang araw" sambit ko

"Sige nagtawag lang ako para magpaalam. Pero bukas wala akong gawa kaya papasok ako. Magkita na lang tayo bukas." paalam niya.

"Sige, bye." paalam ko. Naglakad sila palapit sakin. Umupo sila pareho sa harapan ko.

"Kamusta paa mo?" tanong ni Clovee

"Okay na. Salamat ulit." sambit ko

"We took some notes for you." sambit ni Clover

"Thank you." sabay ngiti ko sa kanya

"Gutom na ako. Bili ka ng pagkain Clover." sambit ni Clovee

"Why me?" tanong ni Clover

"Because you're the boy here? Duh." masungit na sabi ni Clovee. Hindi na nakareklamo si Clover at tumayo na. Hindi na sinabi ni Clovee kung anong pagkain ang gusto niya dahil alam na ito ng kambal niya. Umalis na si Clover at pumunta sa cashier.

"So anong meron sa inyo ni Haven?" nakangising tanong ni Clovee

"Ha? Anong, anong meron?" naguguluhan na tanong ko. Anong ibig niyang sabihin?

"Diba tinulungan ka niya? Hindi naman siya yung tipo ng taong tutulong lalo na sa 'di niya ka-close." Sambit ni Clovee ng seryoso. Bakit parang kilalang-kilala niya si Haven?

"Ewan ko." sambit ko. Sa totoo lang yun din naman yung tanong ko.

"Close ba kayo ni Haven?" tanong ko. Nakita ko ang pagkagulat niya sa tanong ko

"Ha? Bakit mo natanong yan? Mukha ba kaming close?" sunod-sunod na tanong niya sakin

"Ewan." pagbalewala ko na lang.

Dumating na si Clover at inilapag ang mga pagkain sa table. Iniabot niya sakin ang chocolate cake at mango juice.

"Dessert?" Sambit ni Clover

Tumango ako.

"Salamat." sabay abot ng binibigay niya. Nag-upo na si Clover at nagsimula na kaming kumain. Pagkatapos kumain ay pumunta na kami sa room namin. Wala pa ang prof namin kaya nagbasa nalang muna ako ng libro. Yung kambal naman ay nag-aasaran lang.

5 minutes later...

Dumating na ang prof namin at nagsimula na ang klase.

"Ok class, blah blah blah..."

Nang matapos ang klase ay nagpaalam na ako kila Clovee at Clover at pumasok na sa part-time job ko. Pagkatapos ng part-time job ko ay umuwi na ako at ginawa ang mga assignment ko bago ako natulog.

Ms. Chubby Nerd meet Mr. Mysterious Possessive (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now