Chapter 12: Arrival

5.5K 102 1
                                    

Elle's POV

Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Napapansin ko na nitong mga nakaraang araw ay napapaaga ako ng pasok sa normal na pasok ko noong pasukan.

Nag-intay muna ako ng ilang minuto bago ako pumasok. Masyado pa kasing maaga kanina. Nang makarating ako sa school ay mabilis kong tinahak ang hallway.

"Elle!" Sigaw ng isang boses. Nilingon ko ito at nakita ang dalawa.

"Clover, Clovee." banggit ko sa kanilang pangalan.

"Kamusta? tagal niyong 'di pumasok, ano ba nangyari?" nagaalalang tanong ko.

"Okay lang kami kinailangan lang naming magpunta sa Japan para sa business." paliwanag ni Clover. Naalala ko yung nakita ko kagabi. Tatanungin ko ba?

"Pasensya na ha? 'di namin agad sinabi, biglaan din kasi." sambit naman ni Clovee

"Okay lang may nakasama naman ako nung wala kayo." nakangiting sambit ko.

"Sino?" Curious na tanong ni Clovee

"Si-"

Krinnggggg!

'Di ko na natuloy ang sasabihin ko kasi nagring na ang bell. Tumakbo na kami sa room at umupo na.

*Fast Forward*

Natapos ang klase at nandito kami ngayon nila Clover at Clovee sa tambayan.

Hindi pumasok si Jyxyll ngayon. Bakit kaya?

"Oo nga pala, ano nga yung sasabihin mo sana?" Tanong ni Clover

"Ahh oo si Jy~"

Kring kring

"Sandali lang ha? Sasagutin ko lang ito." sambit ko.

"Sige." sambit naman ni Clovee.

Unknown calling...

Sino naman kaya ito?

"Hello?" Sagot ko sa kabilang linya.

"Elle?" Banggit ng isang boses.

"Sino ito?" kunot noong tanong ko.

"Si Jyxyll ito." sagot niya.

"Oh ikaw pala, bakit 'di ka pumasok?" tanong ko

"Pasensya na, kaya ako tumawag para sabihin na hindi muna ako makakapasok." sambit niya

"Ganun ba? Sige." sagot ko. Ano kayang nangyari?

"Pakisabi na may sakit ako." sambit niya sabay ubo

"Sige sasabihin ko, bibisitahin kita mamaya pagtapos ng klase. Bigay mo sa'kin address mo." sambit ko.

"A-ahh w-wag n-na baka mahawahan kita tsaka okay lang ako. Pahinga lang kailangan ko." nauutal na sabi niya.

"Sige, pagaling ka." sambit ko.

"Sige, bye." paalam niya. Pinatay ko na ang tawag at lumingon kay Clover at Clovee.

"Pasensya na, tumawag lang si Jyxyll." sambit ko

"Jyxyll?" Tanong ni Clover

"Ahh oo nga pala siya yung nakasama ko nung mga araw na wala kayo. Wala siya dito kasi may sakit siya." Sambit ko.

"Ganun ba." sambit ni Clovee

"Papakilala ko siya sa inyo kapag pumasok na siya." sambit ko sa kanila.

"Sure." nakangiting sambit ni Clovee

"Punta lang ako ng library, sama ba kayo?" Tanong ko

"Sige, susunod na lang kami. May kailangan pa kaming daanan sa office." sambit naman ni Clover

"Sige" sagot ko

Naglakad na ako papuntang library. Pagkabukas ko pa lamang ng pinto ay ramdam ko na ang malamig na hangin galing sa aircon. Pumasok ako at naghanap na ng libro. Habang naghahanap ay napansin ng mga mata ko ang grupo nila Haven. Seryoso ang kanilang mga mukha at mahinang naguusap.

Napalingon si Haven sa akin, napansin niya siguro na may nakatingin sa kanila. Tumahimik silang lahat ng lumingon si Haven sa'kin. Tumayo si Haven at naglakad papalapit sa kinaroroonan ko.

"What are you looking at, nerd?" walang emosyong tanong nito sakin.

Hindi ko inakala na kakausapin pa niya ako. Pwede naman niya akong 'wag pansinin at 'wag kausapin.

"Wala." Sambit ko. Lumapit pa siya ng kaunti sakin at konting hakbang pa niya ay wala ng pagitan saming dalawa. Napasinghap ako sa paglapit niya.

"Eavesdropping?" naka-smirk na tanong nito

Kinalma ko ang aking sarili at saka nagsalita

"Malay ko bang nandyan kayo? Tsaka isa pa library ito, para ito sa lahat." litanya ko at umurong ng konti.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang mga kaibigan nitong nakatingin sa amin. Nakaramdam naman ako ng hiya kaya naman ay nag-iwas ako ng tingin sa kanila at ibinalik ang tingin kay Haven.

Nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Haven. Kung kanina ay naka-smirk ito ay ngayon ay wala ng emosyong mababakas sa mukha nito.

"Nerd" sambit niya .

Biglang kumalabog ng mabilis ang puso ko. Tumalikod siya sa akin at bumalik na sa mga kaibigan nito. Nakatingin lang ako sa likod niya.

Problema niya? At tsaka yung mga kaibigan niya, parang-

Nawala ko sa pagiisip ng mag-vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko ito at tiningnan ang caller.

Clovee...

Sinagot ko ang tawag.

"Elle." tawag ni Clovee sa kabilang linya

"Oh?" tanong ko

"Hindi na kami makakapunta diyan. May pinapagawa kasi dito sa office." Sambit ni Clovee.

"Okay lang sige." Sambit ko

"Hindi na rin kami makakasabay sayo pauwi baka kasi malate kami." sambit niya pa

"Sige." sambit ko pero may bahid ng lungkot ang aking boses. Palagi kasi silang busy. Pero naiintindihan ko pa rin naman.

"Ingat ka pauwi." sambit naman ni Clover sa kabilang linya.

"Bye" sambit ko at pinatay na ang tawag.

Tumingin ako sa kinaroroonan nila Haven at nakita kong wala na sila. Hindi ko man lamang napansin. Ipinagsawalang bahala ko na lang ito at hinanap na ang libro na kinakailangan ko.

Pumunta ako sa parte ng library na lagi kong tinatambayan. Umupo ako at nagsimula ng magbasa. Naka-focus lang ako sa binabasa ko at 'di na namalayan ang nasa paligid ko.

Hindi ko namalayan ang oras at pagtingin ko sa orasan ay 6:32 na. Tumayo ako at ibinalik ang libro. Lumabas na ako ng library at naglakad na palabas ng school. Medyo madilim na sa daan.

Wala akong pasok sa part-time job ko ngayon. Naisipan kong maglakad-lakad muna.

Mga dalawang kilometro na ang nalalakad ko ng may biglang tumigil na sasakyan sa tabi ko. Inaninag ko ang tao sa loob pero 'di ko nakita kasi tinted ang sasakyan. Ibinaba ng driver ang salamin at nagulat ako sa aking nakita.

Nananaginip ba ako?

Ms. Chubby Nerd meet Mr. Mysterious Possessive (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now