Chapter 17: Help

5K 97 0
                                    

Elle's POV

Napaatras ako ng konti dahilan upang maramdaman ang sakit ng paa ko at ang pagkawala ko ng balanse. Agad niyang hinawakan ang bewang ko at inalalayan ako.

"Don't move, nerd." seryosong sabi ni Haven

Hindi ko magawang makatingin sa kanya. Sobrang lapit niya sa akin. Pero nagulat ako sa ginawa niya ng buhatin niya ako ng pa-bridal style. Hindi ako agad nakapagsalita. Nang makarecover ay nagsalita ako

"H-hindi mo na kailangan pang buhatin ako, kaya ko naman." sambit ko

Tiningnan ko ang mukha niya at nakita kong seryoso lang siya.

"I won't help you if you can walk but I saw you fall when you tried to stand up." seryoso pa ring sambit niya. Napasinghap ako sa sinabi niya. Kanina pa niya ako pinagmamasdan?

"Kaya ko-"

"Stop talking or else I'm gong to left you here." sambit niya

Napatahimik naman ako sa sinabi niya. Pag iniwan niya ako dito, hindi ko alam kung may dadaan dito agad. 'Di ako makakahingi ng tulong. I guess wala na talaga akong choice.

Nakarating kami sa parking lot at dumiretso kami sa kotse niya.

"Open the door." sambit niya. Sinunod ko ang sinabi niya at binuksan ang pintuan sa passenger seat. Iniupo niya ako at sinarado ang pinto.

Pumasok siya sa driver seat at pinaandar na ang kotse. Tahimik lang kami sa loob. Sobrang nakakabingi ang katahimikan. Wala din naman akong masasabi sa kanya dahil 'di naman kasi kami close.

Nakarating kami sa apartment ko. Tinanggal ko ang seatbelt ko at bubuksan na ang pinto ng magsalita siya.

"Don't move." sambit niya at lumabas ng kotse. Lumapit siya sa kinaroroonan ko at binuhat niya akong muli. At sa ikalawang pagkakataon ay napasinghap ako dahilan para mapahawak ako sa leeg niya.

Ang bango niya.

Hala. Anong nangyayari sakin?

Isinara ko ang pinto ng kotse at naglakad na siya papunta sa apartment ko.

"Open it." sambit niya. Kinapa ko ang susi sa bulsa ng bag ko at binuksan ang pinto. Pumasok siya at iniupo ako sa upuan.

"Where's your first aid kit?" tanong niya. Nagulat ako dahil akala ko pagdating namin ay aalis na siya.

"Ako na gagamot sa sarili ko, kaya ko na." sambit ko akmang tatayo na ng magsalita siya ulit.

"You can't walk. Just tell me where I can find the first aid kit."madiing sambit niya. Wala na akong nagawa. Ayaw ko namang makipagtalo pa sa kanya kaya naman itinuro ko na kung nasan ang first aid kit.

Lumapit siya roon at kinuha ito. Pagkatapos ay lumapit siya sa akin. Itinaas niya ang paa ko at tinanggal ang sapatos at medyas ko.

Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ito. Hindi kami masyadong magkakilala at 'di rin kami close. Pero bakit tinutulungan niya ako?

Nawala ako sa pag-iisip ng maramdaman ang hapdi sa aking paa. Napadaing ako at tumingin sa sa kanya. Nakita ko namang parang nataranta siya ng konti? Pero naging seryoso ulit siya.

Nang matapos niyang malagyan ng ointment at bandage yung paa ko ay ibinaba na niya ito at tumayo na. Naglakad na siya papunta sa pintuan. Hinawakan niya ang doorknob.

"Haven" tawag ko sa kanya. Tumigil sa sa pagpihit ng door knob pero 'di siya lumingon sakin.

"Thank you" sambit ko. Hindi siya sumagot at tuluyan ng lumabas ng pinto.

Hindi pa'rin ako makapaniwala na tinulungan niya ako. Hindi kasi siya yung tipo na laging tumutulong.

Gutom na ako.

Nakarinig naman ako ng katok sa pintuan.

"Elle?" boses yun ni Clovee ahh

"Pasok." sambit ko. Bumukas ang pinto at pumasok si Clovee at Clover na may dalang supot.

"Hey anong ginagawa niyo dito?" gulat na tanong ko

"Tumawag sa'kin si Haven na natapilok ka 'daw at 'di ka makalakad. Sinabi pa na magdala 'daw kami ng food para sayo." paliwanang ni Clovee.

Talaga?  

"Close pala kayo?" nagtatakang tanong ko

"Kamusta paa mo?" pagbabago ni Clovee ng usapan

"Okay na. Nalagyan na ng ointment." sambit ko

"Do you want to go to the hospital to check it up." tanong ni Clover

"Oo nga baka na-fracture." segunda naman ni Clovee

"Hindi okay lang. Gagaling na yan bukas." Sambit ko

"Are you sure?" tanong pa ni Clover

"Oo, okay lang talaga?" paninigurado ko sa kanila

Hindi na sila umangal pa. Tumayo si Clovee at inihanda na ang pagkaing dala nila. Kumain kami at pagkatapos ay inakay nila akoong dalawa papunta sa kwarto ko at nagpaalam na sila.

"Don't push yourself too much." sambit ni Clover

"Kung masakit pa paa mo bukas ay 'wag ka na munang pumasok kami na bahala sa prof natin." sambiy ni Clovee. Nginitian ko sila at kumaway

"Thank you Clover, Clovee." sambit ko

Humiga na ako at naramdaman ang antok

Thank you again, Haven

Ms. Chubby Nerd meet Mr. Mysterious Possessive (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon