Chapter 6: Dark Light

6.6K 141 0
                                    

Elle's POV

Nagdaan ang mga araw at masasabi kong wala namang bago. Matapos ang tutoring noong mga nakalipas na araw ay hindi na nila ako kinausap. Hindi nga pala nila ako kinakausap kahit noong una pa lang.

Andito ako ngayon sa library dahil sa may pinapagawang assignment ang prof namin sa History.

3:00

Tahimik lang akong nagbabasa dito kasama si Clovee at Clover na nagtatalo na naman.

"Ano ba Clover manahimik ka nga diyan ang kulit mo sabi nang hindi nga yun ehh." inis na sabi ni Clovee sa kambal niya.

"Ehh yun nga yun ang kulit mo rin." sambi ni Clover. Nawawala yung pagkagirlish ni Clover kapag nakikipagtalo yan kay Clovee.

Pinagtatalunan kasi nila yung sagot sa assignment. Magkaiba kasi sila ng sagot.

"Hoy kayong dalawa tigilan niyo nga yan. At tsaka 'wag kayo maingay baka mapalabas tayo dito." saway ko sa dalawa. Pinagtitinginan na rin kasi kami nung mga kakaunting estudyanteng nandito dahil sa ingay nitong dalawa.

"Kasi itong si Clover ang kulit." Inis na sambit ni Clovee.

"Ikaw ang makulit hindi ako." sambit naman ni Clover.

"Tama na yan. Ito oh tingnan niyo." saway ko at ibinigay ang notebook ko. Kinuha naman nila ito at sinimulang kopyahin.

Baliw talaga itong dalawang ito. Dahil tapos na ako sa assignment ay napagpasyahan kong maglakad~lakad muna.

"Labas muna ako ha." paalam ko sa kambal.

"Sige." sagot nila habang nasa notebook ang atensyon.

Lumabas na ako ng library at naisipang pumunta sa garden ng school. Nang ako'y makarating sa garden ay umupo ako sa ilalim ng puno sa likurang bahagi nito. Yung kapag may pumuntang iba hindi ako makikita kasi natatakluban ako ng puno. Pinagmasadan ko ang paligid. Sobrang tahimik at ang lamig ng simoy ng hangin. Nakakamiss rin palang magkaroon ng pamilya.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.

*******

Nagising ako dahil sa isang kaluskos.

Oh my! gabi na. Tiningnan ko ang aking relo.

7:05 patay ako neto. Ang dilim na pa naman dito. Nakauwi na kaya sila Clovee?

Tatayo na sana ako kaya lang nakarinig ako ng nagsalita.

"Nasigurado mo ba na hindi ka nila napapansin DL?" Tanong ng isang lalaki.

Sinilip ko sila. Hindi ko sila masyadong makita dahil madilim pero nakita ko naman ang kamay ng lalaki dahil tinagkal niya ang gloves niya. Kumikinang sa kamay nito ang isang araw na napapalibutan ng mga bituin.

Ang weird naman niya magpa tattoo.

"Oo 'wag ka magalala. Mukhang busy sila sa pagaaral nila." tawa ng isa pang lalaki.

"Oh sya umalis ka na at baka may makakita pa satin dito." sambit ng unang lalaki.

Umalis na iyong isang lalaki. Siya yung hindi ko mamukhaan dahil naka all~black siya. Takip ang kanyang mukha at katawan.Nang makaalis yung dalawa ay naglakad ako palabas ng garden. Lingon ako ng lingon kasi baka may makakita sakin.

"Aray!" Sigaw ko ng bumagsak ako sa sahig.

Tiningnan ko kung sino ang nakabunggo sakin at nagulat ako na si Haven ito.

Ano ginagawa niya dito?

"What are you doing here in the middle of the night?" Tanong ni Haven sakin.

"Nakatulog ako di ko namalayan gabi na pala. Eh ikaw ano ginagawa mo dito?" sagot ko sa kanya at tumayo na sa pagkakaupo. Pinagpagan ko ang sarili bago humarap sa kanya.

"Nothing, I just forgot something." sagot niya.

"Sige, alis na ako." Paalam ko sa kanya. Hindi namn siya nagsalita at tango lang ang isinagot. Nilagpasan ko na siya at aalis na sana ng tawagin niya ako.

"Aze" ito ang unang beses na tawagin niya ako sa pangalan ko at siya rin ang kauna~unahang tumawag sakin ng Aze.

"B~bakit?" Tanong ko ng nauutal dahil sa gulat ko sa kanya.

"Can you stay here for a little while?" Tanong niya ng may sensiridad sa kanyang boses. Nagulat ako sa biglaan niyang sinabi.

"It's fine if you're busy." pahabol niyang sabi.

"A~ahh hindi, sige sasamahan kita." Sagot ko ng hindi parin sigurado.

Ms. Chubby Nerd meet Mr. Mysterious Possessive (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now