Chapter 24: Face the fear together

4.2K 82 0
                                    

Elle's POV

Ramdam ko ang sensiridad sa kaniyang boses. Ito ang unang beses na narinig ko ang sorry sa kanya. Tinanggap ko ang panyo at pinunasan ang mukha ko. Inalalayan niya akong makatayo.

Umupo kami sa bench.

"Alam mo ba kung bakit ayaw kong kumanta?" tanong ko sa kanya

"Why?" tanong ni Haven

"Kasi noong nasa orphanage pa lang ako. Nagkaroon ng talent show. At sumali ako doon. Iyon ang unang beses na sumali ako sa isang talent show at sa sobrang kaba ko 'di ko naabot ang high notes. Maraming nagsabi ng mga negative comments. Yun ang dahilan kung bakit ayoko ng kumanta." Mapait akong ngumiti

"Let's perform." sambit ni Haven. Napalingon ako sa kanya

"Ha?" tanong ko

"Let's practice and perform. Let's face your fear together." Seryososng sambit niya

"Pero natatakot ako." nangingnig na sambit ko.

"I'm here. I won't leave you" sambit ni Haven at tumingin sa mga mata ko. Puno ng emosyon ang kanyang mga mata. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito. At dahil sa sinabi niya ay nagkaroon ako ng lakas ng loob.

"Sige" nakangiting sambit ko

"Practice tomorrow, music room 8 am sharp." sambit nito.

"Sige. Hanap ka na rin ng kanta ha?" nakangiting sambit ko sa kanya. Feeling ko ang gaan na ng loob ko sa kanya.

"Fine. 2 songs for me and 2 songs for you." sambit niya. Tumango ako at ngumiti sa kanya. Bumalik na kami sa room at kita ko ang pang-aasar sa mukha ni Clovee.

"So kamusta ang date Elle?" nakangisi nitong tanong

"Date? Nag-usap kami Clovee hindi nagdate." sambit ko at sinamaan siya ng tingin

"It's a joke Elle. So kakanta ka na?" tanong nito habang tumatawa.

"Hm." tango ko sa kanya

"Yes! maririnig ulit kitang kumanta. Right kambal?" sabay siko sa kambal nitong si Clover

"Yeah." sambit nito at ngumiti sakin. Nginitian ko rin siya. Natapos ang buong araw at puro preparation lang para sa foundation day. Nauna na kong umalis kila Clover at Clovee dahil papasok pa ako sa part time job ko.

"Good eve manager" sambit ko

"Good eve din Elle" ngiti nito sakin.

"Magbihis ka na at maraming customers" sambit ng manager namin

"Sige po" Nagbihis ako at nagsimula ng magtrabaho. Nang matapos ay ramdam ko na ang pagod. Naisipan ko rin kasing mag-over time ngayon dahil maraming customers.

"Thank you sa pag o-overtime mo Elle. Wag ka mag-alala dadagdagan ko sahod mo" nakangiting sambit ni manager

"Thank you po." Sambit ko at iniabot ng manager ang pera. Umalis na ako at umuwi na ng apartment. Dumaan muna ako sa landlady at binayaran ang upa sa apartment na tinitirhan ko.

Bukas na lang siguro ako mamimili ng mga pang stock. Nagpalit na ako ng damit at dumapa sa kama. Nagbrowse ako ng mga kantang sweet.

Una kong pinakinggan ang 'A thousand years'. Maganda ang meaning niya at bagay siya sa theme ng booth namin. Pinili ko ito. Sasabihin ko na lang kay Haven bukas. Nagbrowse ako ng nagbrowse ng kanta pero wala na akong mapiling kanta. Patulong kaya ako kay Trexx?

Pero baka busy yun ngayon. Kay Haven kaya?

Wala nga pala akong number nun. Bumuntong hininga ako.

Naalala ko naman ung sinabi niya

"Let's face your fear together"

"I'm here. I won't leave you"

Napangiti ako. Hindi ko alam na may side pala si Haven na ganun. Masaya ako na nakita ko ang side niyang ganun. Pinagkatiwalaan ko siya kahit na hindi ko siyang masyadong kilala pero masaya ako.

Gusto kong maging kaibigan si Haven.

Gusto ko pa siyang makilala.

Ms. Chubby Nerd meet Mr. Mysterious Possessive (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon