Chapter 10: Broken

5.8K 109 1
                                    

Elle's POV

"AHHHHHHHHH!" Sigaw ko ng makakita ng isang babae.

"MULTO!!!" sigaw kong muli. Nagulat ata siya kasi biglang napataas ang ulo niya.

Eh? Gulat?

So ibig sabihin 'di siya multo?

"Ahh, ano sorry akala ko multo ka." hindi ko alam kung anong sasabihin. Kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Hindi siya nagsalita at nakatingin lang siya sa'kin.

"Anong ginagawa mo dito?" At ng tanungin ko siya ay naguunahang tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Nataranta ako at agad siyang nilapitan.

"Sorry 'di ko talaga sinasadya na gulatin ka." sambit ko.

Iyak lang siya ng iyak at ako nama'y pinapatahan siya. Isang oras ang lumipas bago siya tumahan.

"I'm sorry, I didn't mean to scare you and I'm just here because I have a problem." nanghihinang sambit niya.

"Okay lang, sorry din." sagot ko at saka ngumiti sa kanya.

Lumipas ang ilang minuto at tahimik lang kami. Nabasag lang ang katahimikan ng siya'y magsalita.

"Ang sakit, sobra. Pinipilit kong pigilang tumulo yung luha sa aking mga mata. Pero 'di ko kaya. Sobrang bigat ng nararamdaman ko. Kung dati kaya ko pang pigilan pero ngayon sobrang hirap at bigat." Pumipiyok na sambit niya

Hindi ako nagsalita at nakinig lang sa susunod niyang sasabihin.

"Alam mo yung feeling na, kinukwestiyon mo yung sarili mo na kung tama ba? pero bakit ako pa yung masama?" pagpapatuloy niya.

"Namatay si mama at alam mo kung ano yung masakit? yun yung namatay siya ng puro sakit at pighati ang dala niya. Sobrang sakit makita na nahihirapan siya ng ganun. Hindi ko kaya dahil puro pinakita niya sa akin ay yung pagiging matapang niya. Kahit ni-isang beses di niya pinakita sa'kin na hindi siya okay at 'di nahihirapan. Pero nung last moment na niya dun niya inilabas lahat. Ang sakit na hindi ko man lang siya natulungan at na~comfort." Lumuluhang sabi niya. Paulit-ulit niyang pinupunasan ang pisngi pero patuloy naman ang pagtulo ng mga luha niya.

"Bakit lagi na lang siya yung nahihirapan kung lagi lang naman nasa isip niya ay yung ikabubuti ng anak niya. Oo 'di siya expressive pero nararamdaman ko yung pagmamahal niya sa action niya. Hindi ko maatim na makita na sobrang nahihirapan siya. At alam mo ba kung ano yung pinakamasakit? Yung kitang~kita ng dalawang mata ko kung paano siya nagbigti. Ang sakit, sobrang sikip na ng dibdib ko. 'Di ko alam ang gagawin ko nung mga panahong iyon. Paulit~ulit na nagfla~flashback sa utak ko yung nangyari."

Hindi ko alam pero sobrang nalungkot ako para sa kanya. 'Di man niya sinabi kung anong dahilan ng pagsu~suicide ng mama niya. Pero at least nalaman ko kung bakit siya umiiyak. Ramdam na ramdam ko yung sakit sa bawat salitang binibitawan niya. Iyak siya ng iyak at pinapatahan ko siyang muli.

"Pasensya ka na ikaw pa yung napagsabihan ko ng problema ko." Sambit niya habang pinapahid ang luha.

"Okay lang yun." tumayo ako at pinagpagan ang aking damit.

"Ako nga pala si Azhelle Luck, Elle na lang." pakilala ko. Tumayo na rin siya at pinagpagan ang damit.

"I'm Jyxyll Pinntoha." pakilala niya at inabot ang kamay.

Tinanggap ko ito at nginitian siya.

"Magiging okay din ang lahat. Be strong." sambit ko.

"Thank you for listening." sambit niya. Pansin ko lang kanina tagalog na tagalog siya magsalita ngayon naman english.

Ms. Chubby Nerd meet Mr. Mysterious Possessive (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now