Chapter 9 : A Ghost???

5.9K 118 2
                                    

Elle's POV

Kasalukuyan akong nagbabasa dito sa library. Vacant namin ngayon sa last subject at naisipan kong magpunta dito dahil narin sa absent sila Clovee at Clover. Nagtext sila sakin na may emergency daw sila.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng makarinig ako ng naguusap.

"Sa tingin mo nakakahalata na sila?" Tanong ng isang boses.

"Hindi ko alam pero kailangan nating mag~ingat, hindi basta basta ang mga iyon." Sagot pa ng isa.

Heto na naman ang mga misteryosong usapan. Pangalawang beses na ito.

Hindi nila ako makikita dahil andito ako nakaupo sa sahig at sa pinakadulo ng library. Madilim dito kaya alam kong hindi nila ako mapapansin.

"Kailangan nating bilisan ang plano baka maunahan nila tayo." Sambit ng unang lalaking nagsalita. Hindi na ako nagaksaya ng oras para sa kanila. Alam kong kasamahan sila ng dalawang lalaking naguusap noon sa garden.

"Tama ka." Sagot ng ikalawang lalaki.

"Tara na baka maabutan tayo dito ng mga estudyante."

Narinig ko ang pag~alis ng mga yabag.

Ano nanaman yun? Bakit sa tuwing nasa madilim or tagong lugar ako ay nakakarinig ako ng mga ganito?

"What are you doing here?" Tanong ng isang boses.

"AHHHHHH!!!"sigaw ko at ibinato ang hawak na libro.

"The hell?!" Sambit ng isang boses.

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at nakita ko lang naman ang taong matagal kong hindi nakita.

"Haven." banggit ko sa kanyang pangalan.

Bakit ba sa tuwing maririnig ko ang mga yun ay bigla ring susulpot itong si Haven?

"Anong ginagawa mo dito?"tanong ko.

"What do you think I am going to do here in the library?" Sarcastic na tanong niya.

"Sungit." bulong ko at umirap sa kawalan.

"What?" Tanong niya.

"Wala." sagot ko naman. Umayos na ako ng upo at itinuloy ang pagbabasa. Hindi ko na siya pinansin dahil lumakad na rin siya upang maghanap ng libro.

Hindi ako makapag-concentrate sa pagbabasa dahil sa nakakaintimidate na presensya ni Haven.

'Di ko alam kung paranoid ba ako dahil parang nakatingin siya sakin. Lumingon ako sa kanya at nakita kong nagkatingin siya sa isang libro. Itinaas niya ang tingin sa'kin at nagtama ang aming paningin. Mabilis kong iniiwas ang aking panigin sa kanya.

"Why?" Tanong niya.

"Ha?" Tanong ko pabalik.

"Why are you staring at me again?" Tanong niya.

"Hindi kita tinititigan, nagha-hallucinate ka lang." sagot ko.

"Okay." sagot niya ng walang ekspresyon ang mukha. Napailing na lang ako. Tumayo na ako at lumabas na ng library.

Gabi na pala bat 'di ko namalayan?

Hinanap ko ang cellphone ko sa aking bag at nakita kong puro missed calls ni Clovee at Clover. Tinext ko sila at nagsorry sinabi ko rin na nakauwi na ako at nalimutan ko silang itext dahil ayaw kong mag~alala sila sakin.

Naglakad ako at ang dilim sa hallway. Nakarinig ako ng iyak.

Hala.

May multo ata.

Lumapit ako sa iyak na aking naririnig at nakarating ako sa isang bakanteng classroom.

Diyos ko lord, wag ngayon kung kelan gabi na.

Palakas ng palakas ang iyak kaya naman sobrang kinakabahan na ako. Pinihit ko ang pinto at tumambad sa akin ang tambak tambak na mga upuan at lamesa. Tambakan na kasi ito ng mga hindi ginagamit na bagay.

Lumakad ako papasok at itinuloy ang paglapit sa isang iyak. Sobrang dilim kaya naman 'di ko masyadong makita. Binuksan ko ang flashlight ng aking cellphone. Itinapat ko ito sa paanan ko upang tingnan kung may matatapakan ako.

Nang makita kong wala akong matatapakan ay itinuloy ko ang paglapit sa tunog. Kung inaakala niyong malayo ay oo, kasi may mga nakaharang at 'di ko nakikita yung buong paligid.

Lakad

Lakad

Nang makaliko ay itinutok ko ang flashlight sa sahig dahil baka may matapakan ako. Itinaas ko ang flashlight at

"AHHHHHHHHHHHHH!!!"

Ms. Chubby Nerd meet Mr. Mysterious Possessive (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now