Chapter 33: A day with the new him?

4.1K 80 0
                                    

Elle's POV

Last day na ng foundation at ngayon namin kakantahin ni Haven yung kantang ginawa namin. Tumigil ako sa pintuan ng booth at nakita na puno ng tao ang loob. Bigla akong kinabahan. Naramdaman ko naman ang paghawak sa kamay ko. Nilingon ko si Haven at ngumiti siya sa akin.

"I'll be here for you." nakangitambit niya. Parang switch yung sinabi niya dahil biglang nawala yung kaba ko. Nginitian ko siya pabalik. Pumasok kami sa loob at humarap sa mga tao sa loob.

"Hello everyone. Last day na ng foundation day kaya naman kakantahin namin ni Haven ang kantang ginawa naming dalawa. Sana ay magustuhan niyo." Nakangiting sambit ko at nagpalakpakan sila.

Elle:

The first time I met you

You did not even bother to call my name

I hated you

That's why I find you lame

Haven:

Don't know how to approach you

I wish I can easily call you

I find it hard

So I just stared

Elle and Haven:

Things started to change

You showed me the world inside you

A kind heart within you

Hey, I love you

Haven:

Can't hold myself back

I'm happy to be with you

My heart only wants you

Girl, can you hear it?

Elle:

Take it slow

Just don't want a show

I accept you

Boy, please stay

Elle and Haven:

Things started to change

You showed me the world inside you

A kind heart within you

Hey, I love you

I promise you

I will stay here with you, with you

Rinig ko ang sigawan at palakpakan ng lahat. Pati sina Clovee ay tuwang-tuwa. Nilingon ko si Haven. Ibinaba niya ang gitara. Lumapit siya at niyakap ako. Narinig ko naman ang tilian ng mga babaeng nasa loob.

"Nakatingin sila." Bulong ko kay Haven. Namula ako dahil sa ginawa niya.

"Let them be. Gust kong malaman nila na mahal kita." Sambit niya. Nanlaki ang mata ko at humiwalay sa yakap niya.

"Nagtagalog ka." Sambit ko. Bigla naman siyang humalakhak dahilan para magulat ang mga taong nandoon. 'Di kasi siya madalas ngumiti pero ngayon humahalakhak siya. Napangiti ako. Masaya ako dahil madalas na siyang nagpapakita ng emosyon.

"Let's get out of here." Sambit niya at hinawakan ang kamay ko. Kinawayan ko sila Clovee bago kami makalabas ng booth.

"Aze." Tawag ni Haven ng mapunta kami sa garden.

"Bakit?" tanong ko.

"The song. Why did you choose to write one?" tanong niya.

"Dahil gusto kong maging espesyal yung muli kong pagkanta. Isa pa, yun din ang unang beses na nagperform ako na kasama ka." Sambit ko. Nagulat naman siya pero napalitan iyon ng saya.

"Haven." Tawag ko. Lumingon siya.

"Hindi ko pa alam kung anong isasagot ko sa sinabi mo last time. Hindi ko pa rin kasi sure yung nararamdaman ko. Sorry." Malungkot na sambit ko at tumungo. Inabot niya at baba ko at itinaas iyon dahilan para magtama ang mata namin.

"I will wait Aze. I didn't say that for you to answer it immediately. Sinabi ko iyon dahil gusto kong malaman mo ang nararamdaman ko." Seryosong sambit niya.

"Thank you." Sambit ko habang hindi parin inaalis ang tingin sa kanya.

"Aze?" tawag niya.

"Hmm?" tanong ko.

"Can I kiss you?" tanong niya. Hindi ako nagsalita pero hindi naman ako umalis.

"I'll take that as a yes." Sambit niya at dahan-dahang inilapit ang mukha. Naglapat ang labi naming dalwa. Pumikit ako at naramdaman ang mabilis na tibok ng puso. Humiwalay siya. Bigla naman akong nahiya.

"Why are you blushing?" tanong niya. Umiwas ako ng tingin at narinig ko ang pagtawa niya. Hindi ako nagsalita.

Buong maghapon ay nagasikaso lang kami ng booth. Nang bumalik kami ng booth ni Haven ay kinulit ako nila Clovee habang kinukulit naman siya ng mga kaibigan niya kaya hindi na kami nakapag-usap ulit.

Ms. Chubby Nerd meet Mr. Mysterious Possessive (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now