Chapter 15: Memories and Secrets

5.1K 95 1
                                    

Elle's POV

"Sige" sagot ko.

Pumayag na lang ako kasi may pakiramdam ako na mukhang importante ang sasabihin niya.

"Clovee at Clover, maguusap lang kami." paalam ko sa kambal. Nang tiningnan ko ang kambal ay seryoso lang ang dalawa.

"Sure, be careful" sambit ni Clovee

Umalis na ang dalawa at lumingon ako kay Haven. Nauna silang naglakad. Sumunod lang ako at nakarating kami sa garden. Medyo lumayo ng konti si Haven sa mga kaibigan niya pero dun parin sa kita nung mga kaibigan nito. Sinundan ko siya.

Hindi ako nagsasalita dahil iniintay kong siya ang mauna. Mukha naman atang wala siyang balak magsalita.

"Anong pag-uusapan natin?" tanong ko. Hindi ko alam pero parang tinitimbang muna niya kung anong sasabihin niya. Nakatalikod siya sakin kaya 'di ko makita ang mukha ni Haven.

"Aalis na ako kung wala ka namang sasabihin." tumalikod na ako sa kanya at aakmang aalis na ng magsalita siya.

"Nerd." tawag niya sakin. Nilingon ko siya kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko ng magtama ang aming mata. May kung anong emosyon akong nakikita sa kanyang mga mata pero agad din iyong nawala.

Inintay ko kung may sasabihin siya pero wala. Tuluyan na akong naglakad papalayo sa kanya. Nakita ko pa ang mga kaibigan ni Haven na tahimik na nakamasid sa amin. Nang mapansin nilang nakatingin ako ay umiwas sila ng tingin.

Ano bang problema nila?

Tuluyan na akong nakalabas ng garden at dumeretso na lamang sa library. Bakit pa niya ako hinarang kung wala naman pala siyang sasabihin?

Pumasok akong muli ng library at kinuha ang librong hindi ko pa tapos basahin. Umupo akong muli sa tambayan ko dito sa library. Muli ko na namang naalala ang nangyari kahapon.

Kakausapin ko ba siya? Pero alam ko sa sarili ko na may part na hindi pa ako handa na makausap siya. May part din naman sakin na gusto pero natatakot pa rin ako.

Alam kong mali na hindi ko man lamang pinakinggan ang paliwanag niya. Sobra akong nasaktan nung akala ko'y kinalimutan na niya ako. Naalala ko pa noong nasa orphanage pa lamang kami. Nangako siya sa akin na hindi niya ako iiwan at sabay kaming magtatapos ng pag-aaral.

Flashback

Katatapos lang naming kumain at kasama ko siya ngayon.

"Aze, simula bata pa tayo ay andito na tayo. At masaya ako na nakilala kita. Marami ng umalis na mga bata dito pero hindi tayong dalawa. Mag-aaral tayong mabuti para sa pagdating ng panahon sabay nating maabot ang mga pangarap natin." nakangiti niyang sambit

"Oo, sabay nating aabutin ang mga pangarap natin." sambit ko rin

"'Wag ka magalala hindi kita iiwanan at sabay tayong aabutin ang mga pangarap natin pangako yan." Seryosong sambit niya sakin

Nginitian ko lamang siya at tumingin sa paligid.

End Of Flashback

Okay lang naman sa akin na hindi kami sabay nag-aral dahil nasa ibang bansa siya. Proud pa nga ako na naabot niya pangarap niya. Nakakalungkot na hindi niya ako kasama.

Itinuon ko na lamang ang pansin sa binasa kong libro. Nang matapos ko ang librong aking binabasa ay inilagay ko na ito sa shelf. Nagunat-unat ako at lumabas na ng library.

Mayroon kaming vacant na 2 hours bago ang susunod na klase kaya naman ay pumunta muna ako ng cafeteria upang bumili ng makakain. Masyadong naging occupied ang utak ko kaya 'di ko naramdaman ang gutom.

Cafeteria

Pumunta ako sa cashier at bumili ng pagkain. Bumili ako ng lemon juice at lasagna. Nagbayad ako at kinuha na ang tray na pinaglalagyan ko ng pagkain. Wala ng masyadong tao dahil malapit ng magsimula ang klase. Naghanap ako ng mauupuan. Pumwesto ako sa medyo likod sa may gilid.

Nagsimula na akong kumain ng magvibrate ang phone ko. Tiningnan ko kung sino at nakita ko ang pangalan ni Clovee. Binasa ko ang text.

"Why didn't you go to the cafeteria? Nauna na kaming kumain ng kambal ko, kasi gutom na daw siya. Sorry nauna na kami tsaka andito kami ngayon sa office may inaasikaso lang. Take care." basa ko sa text.

Nireplayan ko siya ng okay lang at sinabi ko rin na nasa cafeteria ako ngayon. Pinindot ko na ang sent button at pinagpatuloy na ang pagkain.

Nang matapos akong kumain ay tumayo na ako at naisipang puntahan sila Clovee at Clover sa office. Naglakad na ako papasok ng building dahil nasa loob nito ang office. Nang makarating ay akma ko ng bubuksan ang pintuan ng makarinig ng nag-uusap.

"What are we going to do now?" sabi ng isang boses

Boses yun ni Clovee diba?

"I don't know, Clovee." sambit naman ng isa pang boses na kung hindi ako nagkakamali ay boses ni Clover

"I don't want to hurt her." Sambit ni Clovee. Her? Sinong tinutukoy nila? At anong pinaguusapan nila?

"I know but it's the only way." sambit naman ni Clover

Iba yung pakiramdam ko parang may mali at may hindi magandang mangyayari.

Ms. Chubby Nerd meet Mr. Mysterious Possessive (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now