Chapter 16: Accident

5K 94 0
                                    

Elle's POV

Tuluyan ko ng binuksan ang pinto at nakita ko si Clover at Clovee na nakaupo at seryoso ang mga mukha. Napalingon sila parehas sa akin at gulat na tumingin.

"Elle, Kanina ka pa ba?" kinakabahang tanong ni Clovee. Tumayo naman si Clover at lumapit sakin.

"Take a sit." sambit ni Clover. Umupo ako at sinagot si Clovee

"Hindi kararating ko lang." sambit ko. Para namang nabunutan siya ng tinik sa dibdib. Bakit? Anong tinatago nila sakin?

"Ano nga palang ginagawa mo dito?"tanong niyang muli

"Wala dumaan lang. Naisip ko na sabay na tayong pumunta ng room." sambit ko

"Sige. Mabuti na lang tapos na kami sa ginagawa namin." nakangiting wika ni Clovee. Naglakad na kami palabas ng office at dumiretso na sa room. Nakita namin na kami na lang ang wala tsaka ang prof namin. Umupo na kami.

"Nga pala Elle, bakit ka kinausap ni Haven?" curios na tanong ni Clovee

"Hindi ko alam. Wala siyang sinabi eh." sambit ko

"He didn't say anything to you?" gulat natanong ni Clover

"Oo wala." umiiling na sambit ko. Hindi na sila muling nagtanong nun. Maya-maya'y dumating na ang prof at nagsimula na ang klase. Habang nagka-klase ay 'di mawala sa isip ko yung narinig ko kanina. Sino yung 'her' na tinutukoy nila?

"Ms. Luck?"

Bakit parang may kakaiba?

"Ms. Luck"

Bakit ganun na lang reaksyon nila na parang mali na may marinig ako?

"Ms. Luck"

Sa totoo lang marami pa akong 'di alam sa kanila. Pero dahil kaibigan ko sila ay ayaw ko ng magtanong. Dahil kung gusto nilang sabihin ay sasabihin naman nila yun sakin.

"Ms. Luck" malakas na tawag ng prof. Napalingon ako sa unahan at kita ko ang nakakunot na noo ng aming prof. Tumingin ako sa paligid at lahat ng kaklase ko ay nakatingin sakin.

"Is there something wrong Ms. Luck? You're spacing out." tanong ng Prof naming babae.

"No, Ma'am. I'm sorry." pagpapaumanhin ko

"So let's go back to our lesson. Ms. Luck can you answer this problem?" sambit ng prof naming. Tumayo ako at lumapit sa unahan at sinagutan ang problem.

"Very good." sambit ng Prof. Bumalik na ako sa upuan. Pagkatapos nun ay nagpatuloy na siya sa pagtuturo. Natapos ang klase at lumabas na kami ng room.

"Punta ako library, manghihiram ako ng libro para sa assignment natin. Mauna na kayong umuwi." sambit ko kila Clovee at Clover

"Are you sure? Do you want us to go with you?" tanong ni Clover

"Ok lang ako, mauna na kayo" umiiling na sambit ko

"Sige, ingat ka pauwi." paalam ni Clover

Nagkaway ako sa kanila at tinungo ko na ang library at agad na hinanap ang librong kakailanganin para sa assignment ko. Agad ko itong kinuha ng makita ko. Lumapit ako sa desk ng librarian.

"Hihiramin ko itong book." sambit ko at inilapag ang libro. Tumingin sa akin ang librarian at ngumiti sakin. Estudyante rin siya ng school.

"Sure. Can I have your i.d?" sambit niya. Kinapa ko ang i.d sa bulsa ng bag ko at ibinigay iyon sa librarian. Inabot niya ito at tiningnan. Ibinalik niya ang tingin sa akin.

"Ok you can now take this at home." Sabay abot niya ng libro.

"Salamat." sambit ko at lumabas na ng library.

Naglakad na ako palabas ng university. Binabasa ko ang libro habang ako'y naglalakad. Hindi ko namalayan na may bato pala sa dinadaanan ko kaya naman ay natapilok ako.

"Ouch" mahinang daing ko. Sinubukan kong tumayo pero ang sakit talaga ng paa ko kaya napaupo akong muli.

Anong gagawin ko? Kokonti na lang ang tao dito sa university.

Sinubukan kong tumayo muli. Itinukod ko ang mga kamay ko sa sahig. At sa ikalawang pagkakataon ay napapaupo na naman ako. Napapikit ako at inihanda na ang sarili sa pagbagsak pero wala akong naramdamang sahig. Iniangat ko ang aking paningin, idinilat ko ang aking mga mata at nakita ko siya. Hawak niya ang bewang ko at sobrang lapit niya sakin.

"Haven"

Ms. Chubby Nerd meet Mr. Mysterious Possessive (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now