Chapter 4: S7N

6.9K 155 1
                                    

Elle's POV

Andito na ako sa school at naglalakad. Hindi na kami nakapag-usap nila Clovee at Clover simula nung umalis sila kahapon. Nakarating ako ng room at nakita ko yung dalawa na naguusap. Seryoso ang kanilang ekspresyon.

Hindi ko na sila inabala dahil mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila kaya umupo na lang muna ako. Nakita ko namang pumasok ang mga transferees at nagsi-upo na. Dahil nga katabi ko si Haven, sa direksyon ko siya pumunta.

"Nerd." rinig kong tawag sakin ni Haven. Hindi ko siya pinansin o nilingon man lamang.

"Nerd." muling tawag niya sakin. Hindi ko na natiis na hindi siya pansinin.

"Ano na naman?" Inis na tanong ko.

Nilingon ko siya at nakita kong seryoso ang mukha niya. Nawala ang inis ko dahil naramdaman ko na hindi niya ako kinukulit sa pangalang yun kung 'di dahil may ibang dahilan.

"Bakit?" Mahinahong tanong ko.

"Our professor talk to us and he said to ask you about teaching us the past lessons." seryosong sabi niya. Ibig sabihin ituturo ko sa kanila yung mga past lesson?

"Bakit ako?" Takang tanong ko.

"He said that you are one of the top student here." paliwanag niya.

"Fine." pagsuko ko ng marinig ang isinagot niya.

"When are we going to start?" Tanong niya sakin.

"Mamaya after class, saang place niyo ba gusto?" Tanong ko.

"In our house." sagot niya. Our? Nakatira sa iisang bahay ng mga kaibigan niya'?

"Nakatira kayong magkakaibigan sa iisang bahay?" Tanong ko.

"Yeah." maikling sagot niya.

"Ba-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nagtunog na ang bell at pumasok na ang prof namin.

Humarap na ako sa unahan at nakinig na lamang.

**Fast forward**

Tapos na ang klase at nagligpit na ako. Lumapit ako kay Clover at Clovee.

"Guys mauuna na ako." paalam ko sa kanila.

"Ha? Bakit? "tanong ni Clovee.

"Ano, may pinapagawa kasi sa akin yung prof natin." sagot ko.

"Ahh ganun ba sige kita na lang tayo bukas." sambit niya.

"Sige, bye." paalam ko at lumabas na ng room. Saan naman ako pupunta ehh 'di ko alam bahay nila? Naisipan ko munang maglakad at nakarating ako ng parking lot. Nakita ko sa 'di kalayuan sina Haven.

"You're late." maikling sabi niya.

"Malay ko ba na nadito kayo. Wala ka namang sinabi na dito ako pumunta." sambit ko sa kanya.

"Whatever." walang emosyon na sambit niya.

Problema nito?

"Saan ako sasabay?" Tanong ko

"Sa akin na lang kaya?" Aya ng nakangiting si Starrvy.

"Sa akin na lang." sambit naman ni Zaveri.

"Pwede rin sakin." sambit naman ni Cloud ng nakangiti sakin.

Okay, kanino talaga?

"Sa akin na la-" 'di na natapos ni Rox ang sasabihin niya ng magsalita si Haven.

"No, she's coming with me." Walang emosyong sabi ni Haven.

Natahimik silang lahat.Wala namang nakaangal sa sinabi niya kaya hinigit na niya ako. Sumakay na ako. Nakita kong isa-isa na rin silang sumakay sa kotse nila. Oo isa-isa. Tigiisa kasi sila ng kotse.

Gaano naman kaya kalaki ang garahe nila? Kasya kaya yang dami ng sasakyan nila?

Naramdaman kong umaandar na. Tahimik lang kami sa sakayan. Napalingon naman ako kay Haven.

Ang gwapo niya pala talaga.

Hindi ko namalayan na napatitig na pala ako sa kanya.

"Stop staring at me, nerd." nabalik lang ako sa reyalidad nang marinig ko ang sinabi niya.

"Hindi kita tinititigan, ang ganda kasi ng tanawin sa side na yan ehh" palusot na sabi ko.

"Denial." bulong niya pero 'di ko naintindihan.

Hindi ko naman namalayan na nakarating na kami. Kitang-kita ko ang napakalaking gate na kulay itim. Bumukas ito at namangha ako sa paligid. Kitang-kita ko ang mala-palasyo sa laki ng bahay. Ngayon lang ako nakakita ng bahay na ganito.

Nang tumigil kami ay bumaba na ako. Hindi na ako magtataka na kasya dito ang kotse nila. Naiwan ako dito at ipinarada na ni Haven at ng mga kaibigan niya ang kanilang mga sasakyan. Nang matapos ay naglakad na kami papasok ng mansyon nila.

Nakita ko ang sulat sa pinto nila

"S7N "

Saan ko nga ba uli narinig ang salitang yan?

Ms. Chubby Nerd meet Mr. Mysterious Possessive (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon