Chapter 14: Lies

5.2K 103 0
                                    

Elle's POV

Maaga akong nagising kinabukasan. Bumangon na ako at nagsimula ng gawin ang morning routine ko. Tiningnan ko ang orasan at nakita kong maaga pa pala. Tumingin ako sa salamin at nakitang maga ang aking mga mata.

Hayyysss

Hindi ko na lamang ito pinansin at umalis na upang pumasok. Nang makarating ay dumiretso na muna ako sa library dahil maaga pa naman. Naramdaman ko ang sobrang lamig na hangin. Mabuti na lang ay nagdala ako ng jacket. Hinanap ko ang librong binabasa ko kahapon at umupo sa lagi kong tinatambayan.

Nagbasa lang ako ng nagbasa at napawi lang ang atensyon ko ng tumunog ang bell. Ibinalik ko na ang libro at lumabas na ng library. Pumunta na ako ng room at nakita ko sila Clovee at Clover. Hindi pumasok ngayong araw si Jyxyll.

Napansin ko ang grupo nila Haven. Buti at pumasok sila. Nagaasaran sila ngayon hindi sila tulad kahapon na seryoso. Nawala ang atensyon ko sa kanila ng tanungin ako ni Clover.

"Where have you been?" tanong ni Clover

"Sa library." maikling sambit ko

"Bakit maga ang mga mata mo?" kunot-noong tanong ni Clovee. Hindi ko alam ang isasagot

"ka-" naputol ang sasabihin ko ng dumating na ang prof namin. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. Umupo na kami.

"Ok class...blah blah blah"

"Oh by the way, the owner of this university has a special announcement for all of you." Sambit ng prof namin habang nagkokopya kami ng notes. May kinuha ang prof namin na flashdrive at isinaksak ito sa PC nya.

"Good morning to all of you." pagbati ng isang boses. Napunta ang atensyon ng mga kaklase ko sa projector.

Napatigil ako sa pagte-take ng notes. Nakayuko ako dahil 'di ko nakikita kung sino ang nagsasalita. Pero kahit 'di ko nakikita ay kilalang-kilala ko ang boses na iyon. Dahan-dahan kong iniangat ang aking ulo at nakita ko ang isang lalaki. Ang lalaking anim na taon ko nang hindi nakikita maliban kahapon.

Siya?

Nakatingin lang ako sa projector. Hindi ko inaalis ang tingin dito. Muli ko na namang naalala ang nangyari kahapon. Humingi siya g tawad. Paulit-ulit siyang nagsorry pero sarado ang isip ko. Dahil ng makita ko siya naaalala ko lang yung panahon na umalis siya papunta ng London.

"I'm representing the owner of this university." muli niyang sambit

Rinig ko ang mga bulungan

"Kala ko siya owner. Ang gwapo."

"Oh my girl, he's so handsome"

"Ano kaya name niya"

Puro tungkol sa itsura niya ang naririnig ko.

"Okay. I'm here because I have a special announcement. This is about the foundation day that will be held next week." Sambit muli nito.

"But why is that special? Lagi naman natin yun ipinagdiriwang." rinig kong sambit ni Clovee.

"To answer why this is special, it's a secret."nakangiting sambit nito. Kung kanina'y kay raming bulungan ngayon ay hinaing na dahil sa pabitin ng nagsasalita.

"I'm sorry to crush your excitement but that was what the owner wants. The owner hope that all of you will participate. Thank you." litanya nito bago matapos ang video.

"So because all our time is consumed, you may take your break." sambit ng prof at iniligpit na ang gamit niya bago umalis. Kahit tapos na ang video ay nakatingin parin ako sa projector. Bakit siya pa ang representative?

Why him?

"Elle?" tawag ng isang boses. Napalingon ako at nakita si Clovee

"Are you okay?' tanong ni Clover sa akin

"Oo naman" sagot ko at ngumiti sa kanya. Nakaramdam ako na may tumitingin sakin lumingon-lingon ako at nakita si Haven na nakatingin sa direksyon ko. Walang emosyon ang kanyang mukha pero ang mga mata niya'y puno ng emosyon. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

"What time did you go home last night?" tanong ni Clovee

"6:30 ata." walang ganang sagot ko

"So why are your eyes swollen?" tanong ni Clover. Kala ko limot na nila. Ayaw kong malaman nila ang nangyari. Dahil alam kong mag-aalala lang sila.

"Nakagat ng ipis." simpleng sagot ko

"Ahh" sambit ni Clovee. Mukhang di siya kumbinsido sa sagot ko pero pinabayaan na lang niya.

"Tara na, break time na diba?" sambit ko

"Oo nga pala. Let's go" sambit ni Clover. Napapansin ko lang parang habang tumatagal parang nagiging lalaki na si Clover?

Ehh? ano ba naman itong naiisip ko. Pano ba naman, 'di na siya maarte magsalita. Umiling-iling ako.

Naglakad na kami at nagpunta na sa cafeteria upang bumili ng pagkain. Nakasalubong namin ang grupo ni Haven. Nakatingin na naman siya sakin. Baka guni-guni ko lang. Malalagpasan na namin sila ng hawakan ni Haven ang braso ko. Napalingon ako sa kanya.

"Nerd, let's talk." sambit nito nang walang emosyon.

Bakit kaya?

Ms. Chubby Nerd meet Mr. Mysterious Possessive (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now